[Note: Uhh Guys.. Pa comment naman ! Utang na Loob ! Hahaha :) Medyo na didisappoint kasi ako dahil walang nagcocomment, pa isa isa lang :( Feeling ko tuloy di niyo nagugustuhan yung storya.]
Gerald's POV
"Bye Ms. Beautiful ! I LOVE YOU !" sigaw ko sa kanya sabay kindat.
Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay, dumiretso ako sa ref at kumuha ng juice then pumunta sa kwarto ko.
Dun, tinignan ko ang picture namin ni Sarah nung premier night na wallpaper ng phone ko.
"Haay, hindi ko yata kakayaning mawala ka." bulong ko sa picture, nagulat na lang ako ng may tumulong luha mula sa mata ko. Tapos nilagay ko yung phone ko sa dibdib ko at niyakap ko ng dalawa kong kamay.
Hanggang maghapon, ganun lang ang posisyon ko, hanggang sa makatulog na ako. Tapos may babaeng humawak sa kamay ko. Isang napakagandang babae na may malaanghel na boses. Si Sarah.
Naglakad lang kami ng naglakad sa isang lugar na puro bulaklak. Tapos umupo siya sa damuhan. Ako naman, humiga sa hita niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang kinakantahan niya ako. Napakasaya ko. Nagising na lang ako ng tapik tapikin ako ni Mommy.
"Anak, kumusta ang panaginip mo ?" tanong niya sakin, yung yakap kong cellphone, nilagay ko muna sa bedside table ko.
"Bakit po ? Am I talking while sleeping ?" tanong ko kay Mommy. Nagtataka kasi ako.
"Son. Just answer my question. How was your dream ?" Tanong niya ulit. Ang kulit ng mommy ko.
"Ok. Uhh. Si Sarah po. Kasama ko po siya sa panaginip ko. Magkasama po kami." sagot ko sa kanya.
"oh. I see. You really love her huh." sagot ni Mommy.
"Mom, I do. I really do. Bakit niyo po natanong ?" i asked her.
"Kasi anak, lumuluha ka habang natutulog. Pero you're smiling. I can see you're happy. Your'e very happy. Oh by the way, let's go eat. Dinner is ready"
***
Pagkatapos namin kumain, nagpaalam ako kay Mommy para umakyat ng kwarto. Then naalala ko na bukas pala yung second part ng rehearsal namin ni Sarah ! Ano kayang pwedeng gawin this time ? Hmmm.
*When there's no getting over that rainbow, when my smallest of dreams won't come true. I can't take all the madness the world has to give but I won't last a day without you*
*TING*
May naisip ako ! Salamat sa tumawag and Oo, Won't last a day without you po ang ring tone ko.
Teka, si handler tumatawag.
---
Ako: Hey !
Ms. Nhila: Hi Ge. Mukhang masaya ka ah.. Just reminding you of your rehearsal tomorrow.
Ako: Rehearsal ? With whom ?
Ms. Nhila: Is Gerald really asking me whom is he rehearsing with ?
Ako: Uhh. I think so.
Ms. Nhila: uhh. It'll be with Sarah. Something wrong ? May nangyari ba ?
Ako: Oh Right ! I just thought na baka may other rehearsal pa to attend to.
Ms. Nhila: Masyado kang excited ha !
Ako: Hahaha ! Syempre, si Sarah ata yung makakasama ko.
Ms. Nhila: Haaay. In love talaga ang alaga ko. Oh sige na bye !
---
Kinabukasan Pag gising ko, naligo agad ako at nagpaalam kay mommy. Nagsuot ako ng jacket with hood tsaka sunglasses, para hindi ako madaling makilala. Pupunta kasi ako ng Mall. May bibilhin lang ako. ALAMNA ! :)
Pagdating ko sa mall, may mga naririnig akong bulong.
"Diba si Gerald yan ?"
"Uy pare artista yun diba ?"
"OMG ! Is that Gerald Anderson ?"
Di naman ako masyadong pinagkaguluhan.
Pagdating ko sa isang boutique, binati ako ng isang crew doon.
"Para kay Sarah po ba yan sir ?" Tanong niya sakin. Natuwa naman ako kasi kahit nagtatrabaho sila, updated pa rin sila sa Ashrald.
"Ha ? Ah eh, Oo kaya sana maganda yung mapili ko. Tulungan mo ko ha ?" sabi ko sa kanya.
"Oo naman po ! Certified Ashrald po ako !" sigaw niya. Nagulat ako. Akala ko naririnig niya lang sa news, yun pala Ashrald talaga ! Nakakatuwa naman !
---
Pagkatapos nun, pumunta naman ako sa ibang boutique. Paglabas ko, may nasalubong akong pamilyar na mukha. Lagi ko siya nakikita sa shows ko dati. Nung si Kim pa ang kasama ko. Paalis na sana ko ng marinig ko siyang nagsalita.
"Haay nako. Hayaan mo siya girl. Pinagpalit niya si Kim sa babaeng yun. Magbbreak din sila. Di yan magtatagal, sinasabi ko sayo girl."
Pigilan niyo ko ! Papatulan ko tong babaeng to ! Nakakainis ! Gusto ko siyang sabihan na tigilan kami pero baka magkagulo lang. Ayoko ng gulo. Pero nakakainis talaga !
Ngayon alam ko na yung naramdaman ni Sarah nung gabi ng premier. Bakit ganun sila ?
Nakakainiiis >.<
Kailangan may gawin ako. Tinawagan ko si handler para sabihin ang nangyari.
"Sige, Ge, pagsasabihan ko na lang pag nakita ko" sagot sakin ni handler.
"Thank you handler. Sumusobra na kasi. Salamat ha." tapos binaba ko na yung phone.
Sa mall na rin ako kumain, para pagdating ko sa bahay, magbibihis na lang ako, hapon pa kasi yung rehearsal namin, wala naman akong appointment ng umaga.
Pag-uwi ko, inayos ko na ang lahat then nagbihis na ko at dumiretso sa studio.
Naisip ko din na ngayon ko sasabihin sa kanya yung Tour ng Star Magic. Ngayon ako magpapaalam kasi medyo matagal tagal din yun.
2pm ang start ng rehearsal namin kaya 1:30 pa lang nandun na ako at inayos ang mga kailangang ayusin.
Pero 2pm na hindi pa rin dumadating si Sarah, ayoko pa sanang magsimula pero tinatawag na ko ni Teacher G.
Ilang steps na rin ang nagawa namin pero di pa dumadating si Sarah. Di na ako mapakali. Nag-aalala na ako kaya tinext ko na siya.
"Baby Girl ? Asan ka na po ? I'm Worried." pero hindi siya nagreply. I tried to call her pero no one's answering.
[Ayun. Medyo nalulungkot talaga ako. Pero salamat sa patuloy na nagbabasa at dun sa isang nagcomment, SALAMAT :)]