[Note: Last chapter po to before the ending. Salamat sa support hanggang sa chapter na ito ! I love you all ! Iisip muna ako ng bagong plot para sa new story. kung gusto niyo ng part two.. Sabihin niyo lang ! I'll consider :) Sa ayun. Thanks ! At kung hindi niyo po magustuhan yung ending... Bahala kayo :) Lol. Pero that's how I want it to end. So Ayun.]
Sarah's POV
Binalita na sa akin ni Boss Vic ang balak ng Viva at Star Cinema na pagsamahin kami ulit ni Gerald sa pelikula. Nakaschedule ang meeting namin ngayon and palagay ko, hindi makakarating si Gerald.
Naiintindihan ko naman na pagod siya dahil kakauwi niya lang from his US tour. And nasa Tagaytay pa siya nung isang araw kaya di siya nakadalaw sa amin.
Nakakalungkot, oo, kasi namiss ko din naman siya ng sobra, pero we need to consider his health din naman. Sigurado akong kailangan niya ng pahinga ngayon.
Pumunta na kami ni Mommy sa Abs para sa meeting for the movie. Pagdating namin dun, dumiretso na kami sa room kung saan kami magmemeeting... Nadatnan namin dun si boss vic, pati mga staff ng star cinema.
"Good Morning po" bati ko pagpasok.
"Good Morning din Sarah. Ah hintayin na lang natin si Gerald para makapagsimula na tayo." sabi sakin ng staff.
"Ah.. Baka po kasi di makarating yun. Pagod po kasi, kailangan niya rin ng pahinga---" sabi ko, pero nahinto ako ng biglang may nagsalita.
"Sinong di makakarating ?"
Lumingon ako at nakita ko si Gerald. Shocks. Namiss ko tong lalaking to ah. Parang gusto ko siyang yakapin bigla !
"Sinong pagod ? Sinong kailangan ng pahinga ?" nakangiti niyang sabi habang papalapit sa akin.
"Ge ! Anong ginagawa mo dito ?!" opo. Tinanong ko po iyan, kahit alam kong may meeting kami. -.-
"Bakit ? Kasama ako sa meeting na to diba ?" tanong niya.
"Ah eh. Oo nga. Uhhh... Eh pagod ka pa ah ! Dapat nagpahinga ka muna !" sabi ko sa kanya.
"Uhh. Oo nga eh. Pagod na pagod na pagod ako." tapos hinawakan niya yung batok at likod niya na parang masakit ang katawan.
"Kaya nga kailangan ko ng yakap ng taong miss na miss ko ngayon eh" sabi niya habang umaarteng masakit ang katawan.
"haay nako. Tumigil ka dyan." paalis na sana ko pero hinawakan niya ko sa kamay.
"Di mo ba ko namiss ?" tanong niya sakin with paawa effect ang mga mata.
"Hindi. Bakit kita mamimiss ? Hmmp !" sabi ko then tumalikod na ako pero hawak niya pa rin yung kamay ko.
"Talaga ? Sayang pala yung pagkausap ko sa picture mo gabi gabi, di mo naman pala ko namiss." sagot niya then binitawan niya na yung kamay ko. Pfffft ! Kinakausap niya yung picture ko gabi gabi ? Awww ! Ang sweet !
"Ginagawa mo yun ?" tanong ko sa kanya.
"balewala naman yun diba ?" sagot niya sakin. Hahaha ! Ang drama nitong lalaking to ! Pero mahal ko-- Ooops ! Basta ang drama niya grabe !
"Haha. Eto naman, di na mabiro" sabi ko tapos kinuha ko yung kamay niya.
"Miss na miss na miss" tapos niyakap ko siya
"na miss na miss kita." sabi ko sa kanya, tapos hinarap ko siya.
"Yes ! Ok na ! Di na ko pagod !" sagot niya sakin. Walangya ! Niyakap ko lang, nawala yung pagod ? Wag ka nga ! Kinikilig ako ! Anuba !
"ehem ehem" sabay sabay na sabi ng mga tao sa loob. Oo nga pala, may tao pala sa loob. Nakakahiya !
"ayy. He...he...he... Start na po tayo ?" sabi ko sa kanila habang papunta sa bakanteng upuan. Tumabi naman sakin si Gerald.
![](https://img.wattpad.com/cover/1260071-288-k402923.jpg)