Chapter 36

2K 20 0
                                    

[Note: Pacomment ! Thanks :)]

Gerald's POV

"Ahh. Ge" sabi niya sa pangalan ko. Inaasahan kong may sasabihin pa siya pero bigla na lang siya natumba. Buti na lang, nahawakan ko agad siya, kundi natumba siya ng tuluyan sa sahig.

"Sarah !" napasigaw at nagulat ako ng tumumba siya. Napatingin naman sakin lahat ng dancer.

"Dalhin natin siya sa hospital !" sigaw ko habang karga karga ko si Sarah.

"Yung pinto ! Pakibukas po ng pinto !" sigaw ko. Nagpanic ako.

Natakot ako baka anong mangyari kay Sarah, hindi ko kaya pag nawala siya. Di ko kakayanin.

Isinakay namin siya sa van ko, nakahiga lang siya sa van ko, wala pa rin siyang malay. Pinapaypayan ko pa siya kahit may aircon naman sa van. Lahat sinusubukan ko.

"Baby girl, please gumising ka na. Wake up. Kuya, pakibilis naman po oh !" sabi ko sa driver ko.

"baby girl, andito na tayo."

Kinarga ko siya at binaba sa stretcher. Hindi ko binibitawan yung kamay niya. Hindi kita iiwan. Andito lang ako.

Pagdating namin sa may pintuan, di na ko pinapasok ng nurse. Kaya nag-intay na lang ako sa labas at tinawagan si Tita Divine.

"Tita, nag-uusap lang po kami kanina nang bigla siyang tumumba. Di ko po alam kung anong nangyari. Di pa po lumalabas yung doktor" tapos tumabi lang sakin si Tita. Walang nagsasalita. Nakayuko lang ako.

*tiktok tiktok tiktok*

di pa rin lumalabas yung doktor. Pabago bago na ko pwesto. Halos nalibot ko na yung buong waiting area kakaantay sa doktor.

Mayamaya, lumabas na yung doktor. Agad kaming lumapit ni Tita.

"Wag na po kayong mag-alala. Over fatigue lang ang nangyari sa pasyente. Pwede niyo na siyang puntahan sa room 247." sabi ng doktor. Thank God ! Walang nangyaring malala. Salamat po !

Agad kaming pumunta sa kwarto ni Sarah.

Pagpasok namin, wala pa rin siyang malay. Umupo ako sa tabi ng kama at hinawakan ko ang kamay niya. Tinitigan ko lang ang mukha niya.

"Iho, pwede ko bang iwan sayo si Sarah ? Kukuha lang ako ng mga gamit niya. Bibili na rin ako ng makakain, may gusto ka ba ?" tanong sakin ni Tita.

"Sige po Tita, di ko po iiwan si Sarah, dito lang po ako. Kayo na pong bahala sa pagkain. Salamat po" sagot ko sa kanya.

Tapos umalis na siya. Tinignan ko ulit si Sarah. Napakaganda niya pag natutulog. Napaka amo ng kanyang mukha. Ang sarap titigan. Ito ang mukhang masarap alagaan habang buhay.

Sa kakatitig kay Sarah, di ko namalayang nakatulog ako. Yung kamay ko hawak yung kamay niya, at yung ulo ko, nakapatong sa kamay ko. Mahimbing na yung tulog ko ng may marinig akong boses.

"Ge" panaginip na naman ba ? Siguro nga.

"Ge" tinatawag niya ako ulit sa panaginip. Maya maya, gumalaw yung kamay na hawak ko.

"Ge" Tinawag niya ulit ako. Teka. Di na to panaginip !

Dumilat ako. Pagdilat ko, nakita ko si Sarah. Gising na siya ! Salamat po !

"Baby Girl ! Gising ka na !" sigaw ko sabay yakap sa kanya.

"O-Oo g-gising na ko. T-teka. Di ako m-makahinga" sabi niya.

"Ayy. Sorry. Buti naman at gising ka na. Sobra kong nag-alala. Sabi naman sayo hinay hinay lang sa trabaho. Tsaka wag kang magpapalipas ng gutom. Uminom ka lagi ng tubig. Dapat sinabi mo agad na masama pakiramdam mo. Mag-ingat ka lagi. Magpahinga k--"

"Hep ! Dahan dahan lang po ang bilin ok ? Dinaig mo pa si Mommy eh. Mag-iingat na po ako. Sorry po at nag-alala kayo." pinutol niya yung sasabihin ko.

"Ah Ge, naalala ko bago ako mawalan ng malay, may sasabihin ka sakin diba ?" tanong niya. Ayy. Ngayon nga pala ako magpapaalam para sa Star Magic tour.

"Ah eh. Next time na yun. Kumain ka na ba ?" Tanong ko sa kanya.

Parang wrong timing kasi kung ngayon ako magpapaalam.

"Ah oo. May dala si Mommy, ikaw, di ka pa kumakain." sabi niya sakin.

"gruuuuuu"

"Hahahaha !" tumawa ng tumawa si Sarah.

"Yung tyan mo nagrereklamo na ! Hahahaha" sabi niya sakin.

Ang saya saya niya. Napakaganda ng tawa niya. Nakakaganda ng araw yung tawa niya. Tapos pumasok si Tita Divine.

"iho, pwede ka nang umuwi. Alam kong pagod ka na. Kanina ka pa dito. Pero kumain ka na muna. Ayos lang kami, maya maya ay darating na rin ang tito mo." sabi sakin ni Tita.

"Ah. Ok lang po ako." sagot ko naman. Sa totoo lang ay pagod na rin talaga ako, pero ayoko pang umuwi. Gusto ko andito lang ako.

"Ge, tama si Mommy. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan." sabi ni sarah

"Ok lang, basta aalagaan mo ako." pabulong kong sabi.

"Ha ? Ano ?" tanong ni Sarah

"Ahh. Wala, sabi ko ano. Ahh. Mamaya na ko uuwi." sabi ko.

"Ge, wag nang matigas ang ulo. And besides, pwede na naman daw ako umuwi bukas ng umaga. Sa bahay ka na lang dumalaw, kung ok lang kay Mommy" sabi sakin ni Sarah

"Ah. Oo naman iho. Welcome ka dun." sagot ni Tita.

Tama, bukas na lang ako magpapaalam kay Sarah.

"Sige po. Uuwi na po ako pero promise, dadalaw ako bukas. Bye po." paalam ko sa kanila pagkatapos ay umuwi na ako.

Pagdating ko sa bahay ay kumain ako ng konti at natulog na. Been a long day !

---

Kinabukasan, tinext ko agad si Sarah pagkagising ko..

To: Babe

Good Morning ! Breakfast na. Wag papalipas ok ? Mag-iingat palagi :)

Y.O.U (Ashrald)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon