Chapter 31 Insecurities

1.9K 20 2
                                        

[Note: Keep reading mga Par !. Mamats !]

Sarah's POV

From: Gege

Sarah, I miss you. You know I love you very much.

---

Paulit ulit ko tong binasa habang nakahiga sa kama ko. Di kasi ako makatulog. Di ko alam kung bakit. Siguro kasi premier night nila Gerald bukas kaya kinakabahan ako. Oo promise, kinakabahan talaga ako. At di ko din alam kung bakit.

***

Paggising ko kinabukasan, naghilamos muna ako at bumaba na para magbreakfast. Pagbaba ko, nakaupo na sila. Umupo na rin ako.

"Uhh Mommy, Daddy, ininvite po pala ako ni Ge sa premier night nila. Pwede niyo po akong samahan ?" sabi ko sa kanila bago ako kumain.

"Ako na lang ang sasama sayo Anak" sagot ni Daddy.

"Anak, diba may meeting tayo mamaya ?" tanong ni Mommy.

"5pm naman po ang tapos nun. Umuwi na lang po muna tayo bago pumunta sa premier para makapagpahinga po muna kayo" sagot ko naman kay Mommy.

***

Natapos on time ang meeting namin kaya umuwi kami agad ni Mommy. Si Mommy, nagpahinga na, ako naman nagprepare papunta sa premiere.

Nilagay ko sa bag ko yung bato then umalis na kami ni Daddy. Mga isang oras din ang biyahe kaya 7pm na ng makarating kami. Ang dami nang tao. Nagstart na rin yung arrival ng casts sa red carpet.

Pagdating namin hinanap ko si Gerald. Para na rin icongratulate silang dalawa. Si Daddy naman, nagpaalam na pupunta muna sa cr.

Habang nag-iikot ikot at naghahanap, di ko maiwasang makarinig ng mga unnecessary comments.

"Tss. Mas bagay naman si Kim kay Gerald. Kesa sa kanya"

"Ginagamit lang naman niyang girl na yan si Gerald."

"Akala mo kung sinong maganda"

"Paawa effect pa"

"Laos na kasi kaya nanggagamit"

"Di sila bagay"

"arjg.tpmgja.jgdjmjgtpwjagmpjtgbgjgnsgkajo" at kung anu anu pa.

Oo sanay na ko sa mga nababasa kong issue na ganyan. Pero iba pa rin pag narinig mo directly from them. Masakit talaga.

Masakit na yun pala tingin sayo ng tao. Ganun pala ako kasama sa mata nila. Masakit.

Patuloy ako sa paglalakad. Huminto ako ng makita ko si Gerald.

Lahat ng narinig ko kanina, bumalik sakin. Lahat ng naramdaman ko, nadoble. Nakita ko sila ni Kim, masayang nag-uusap habang magkahawak ang mga kamay.

Oo nga, BAGAY NGA SILA. Yun ! Tumulo ang mga luha ko.

Di na ko tumuloy, instead, pumunta ako sa parking lot, sa Van. Wala dun si Manong kaya dun ako nagstay, dun ako umiyak ng umiyak.

"Bakit ka ba umiiyak ?" tanong ko sa sarili ko. Di ko alam.

Siguro kasi nasaktan ako.

Nasaktan ako dahil tama yung mga narinig ko.

Nasaktan ako dahil hindi nga kami bagay.

Nasaktan ako dahil sila ang para sa isa't isa.

Nasaktan ako dahil mahal ko na siya.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa magring yung phone ko. Si daddy tumatawag. Kinalma ko muna sarili ko at sinagot yung phone.

---

Dad: Anak, asan ka ba ? Kanina pa kami hanap ng hanap sayo.

Ako: Kasama niyo po si Ge ?

Dad: Oo, alalang alala na kami. Asan ka ba ?

Ako: Dad, pakisabi po, sumama po bigla yung pakiramdam ko. Congratulations na lang. Dad, nasa van na po ako.

Dad: Sige anak, susunod ako.

----

Pagkatapos nun ay umuwi na kami ni Daddy. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Ang alam ko lang, NASAKTAN AKO.

Y.O.U (Ashrald)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon