Chapter 35

1.9K 17 1
                                    

[Note: Uhh.. I've decided not to put title na in every chapter. Nakakadugo ng utak eh. Tsaka para walang hint sa mga mangyayari. Yun lang ;) Salamat ! Pa comment po Pleaaaaseee ?]

Sarah's POV

Second part na ng rehearsal namin ni Ge mamayang hapon, pero may appointment ako hanggang tanghali para sa bago kong endorsement with Jovit and Gloc 9. Medyo matagal yung appointment na to kasi yung contract signing, yung meeting, pati na rin yung sa commercial, ngayon pag-uusapan, may kasama pang workshop.

Natapos kami ng mga 2:15 pm and 2pm ang rehearsal ko with Ge. Di pa kami naglulunch kaya sobrang haggard and gutom na kami. Nakakapagod.

Nang matapos ang meeting, lumabas na kami to go to Gforce. I checked on my phone and found 1message and 3 missed calls from Gerald. He's definitely worried kaya tinext ko na siya.

"Ge, sorry. My meeting just finished. Wasn't able to check on my phone. We're on our way. Don't worry ok ? See you :)"

While in the van, dahil sa sobrang pagod ko, nakatulog ako, pero just for a while kasi di naman masyadong malayo yung studio.

Pagdating ko sa studio, nagsorry ako kay Teacher G for being late.

"Ok lang. You can change your clothes na." sabi niya sakin.

Nang makita ko si Gerald, he just smiled at me. Yung smile na hindi ko alam yung ibig sabihin. So I just smiled back at him. Then dumiretso na ko sa dressing room.

Pagpasok ko, ayan na naman.. May something na naman sa table ko.

A box and a bear. WAIT ! It wasn't just a bear ! Yun yung bear na ginaya ko sa Won't last a day without you ! Yung yung pink na bear ! Ito nga yun ! Ang CUUUTE ! Niyakap ko siya ng niyakap ng niyakap ! Kaya pala ganun na lang kung makangiti si Gerald !

Tapos binuksan ko yung box. Ngapala, it has a note saying "for a beautiful and busy woman like you".

Nung binuksan ko yung box, naalala ko na naman yung won't last a day without you. Ito rin yung box na binigay ni Andrew kay George. Yung may lamang Pillow, Mugs, etc. Shocks, kinikilig ako.

Is he trying to follow Dj Heidee's advice ? Nonetheless, kinikilig pa rin ako.

Pumunta na ko sa studio. Nang makita ko si Gerald, i mouthed the words "Thank you". Mukhang nakuha niya naman kasi nabasa ko sa labi niya "welcome" na may kindat pa.

Ayy shocks, nakakawala ng pagod kapag ganitong mga senaryo ang naaabutan mo.

***

Pagkatapos ng dance rehearsal namin, nakaramdam ako ng panghihina pero di ko na lang pinansin. Nilapitan ako ni Gerald at inabutan ako ng bottled water.

"IKAW !" sigaw ko sa kanya sabay turo.

"Bakit ? Ano ginawa ko ?" tanong niya, kitang kita ang pagkagulat niya.

"Ikaw Ge ha ! Kelan ka ba mauubusan ng idea para sa surprises mo ? Nakakaloka ka." sabi ko sa kanya. Then sumakit yung tiyan ko, para akong masusuka. Uuwi na naman kami kaya Ok lang yan.

"Hangga't di mo sinasabing itigil ko, di ako titigil." sabi niya sakin sabay kindat.

Pano pag sinasabi ko sayo ngayong itigil mo ?" pabiro kong sabi pero nakita kong sumeryoso yung mukha niya. Nalungkot yung mga mata niya.

"Gagawin mo ?" seryoso tanong niya sakin.

"Ha ?" Tapos kinuha ko yung kamay niya.

"Bakit ko naman gagawin yun. Ang saya saya ko nga eh." Sagot ko sa kanya, this time, nanghihina na ako.

"Naaappreciate ko lahat ng effort mo Ge. At nagpapasalamat ako dahil napapasaya mo ako. You never fail to surprise me." dagdag ko.

Tapos kinuha niya yung towel na nakasabit sa balikat niya at pinunasan ako ng pawis. Then kumunot yung noo niya.

"Baby Girl ? Malamig yung pawis mo ha. Ok ka lang ba ? Masama ba pakiramdam mo ?" nag-aalalang tanong niya sakin.

"Walaa. Pagod lang siguro ako." sagot ko sa kanya.

"sigurado ka ?" tanong niya ulit sakin. Yung paningin ko, umiikot na.

"Ahh. Oo" sagot ko sa kanya, habang yung paningin ko, nagbublur na.

"Babe ? May sasabihin sana ak--" i heard him say.

"Ahh. Ge..." natumba na lang ako at nagblack ang lahat. Wala na kong makita, black na yung paningin ko. Ang dilim.

At pagkatapos nun, wala na akong alam sa mga nangyari.

Y.O.U (Ashrald)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon