Chapter 33 I don't deserve you

2.5K 28 2
                                        

[Note: Last for today. Sana nag enjoy kayo. Thanks sa inyo ! Yung deal natin aa ! Alamniyoyan ;)]

Sarah's POV

Nung gabi ng premier night, nakatitig lang ako sa phone ko. Paulit ulit na binabasa yung text niya.

Pero maya maya, biglang nagring yung phone. Di ko alam gagawin ko, nagpanic ako bigla kaya pinatay ko na lang yung phone ko at sinubukan kong matulog, pero di ko magawa.

Tapos pumasok si Mommy sa kwarto ko. She looks so worried kaya sinabi ko sa kanya yung nangyari.

"Anak, mahal ka nung tao bilang ikaw. Hindi ka dapat magpaapekto sa sasabihin ng iba. Dahil kung ganun, pareho lang kayong masasaktan. Kaya kung papakawalan mo yung taong mahal na mahal ka dahil lang sa tingin mo sa sarili mo at tingin sayo ng ibang tao, that's even more painful. Kaya nasa sayo na yan anak. Ayaw ko lang na mas masakit pa ang maranasan mo sa huli"

Pinag-isipan ko ng maigi ang sinabi ni Mommy. Madaling araw na ng buksan ko ulit yung phone ko. Andaming missed calls at text messages, all from Gerald. Di ko magawang kausapin siya.

My insecurities are stabbing me. Di ko alam sasabihin ko sa kanya.

Di ko pa ata kayang kausapin siya sa mga panahong ito.

Paggising ko ng umaga, sinabihan ko si Manang na pag dumating si Gerald, sabihing umalis ako ng maaga.

May taping ako ngayon kaya inutusan ko si Manang buksan yung gate dahil lalabas yung sasakyan.

Paglabas ko ng pinto, nakita ko si Gerald kaya pumasok ako agad, pero narinig ko yung sigaw niya.

"Sarah, wait ! I'm sorry ! Please talk to me"

Nagsorry siya sakin. Pero bakit ? Nagsorry siya kahit wala siyang ginawa. Nagsorry siya para makausap ako kahit hindi niya alam. That caught my heart. He's willing to do that for me. Napatigil ako at tinignan siya, pumasok na din siya sa loob.

Umupo siya sa sofa, umupo rin ako, magkaharap kami. Walang nagsasalita samin, nakayuko lang ako. Magkahalo yung mga nararamdaman ko. Lahat ng narinig ko nung gabing yun, bumalik sakin. Yung mukha ni Gerald na masaya kasama si Kim, yung kamay nilang magkahawak, lahat yun bumalik.

"Ge, ayoko na" sabi ko sa kanya. Nagstart nang tumulo yung luha ko.

"Ge, tumigil ka na." sabi ko kahit umiiyak na ko..

"Sarah, Bakit ? Anong ?" alam kong naguguluhan na siya. Ako din naman, naghalo halo yung mga nararamdaman ko.

"Ge, di tayo para sa isa't isa. Di tayo bagay. Tigilan mo na ang panliligaw" sabi ko sa kanya.

Naalala ko yung mga narinig ko. Kahit di ko aminin, sobra kong naapektuhan sa mga narinig ko.

"Pano mo nasasabi yan ?" umiiyak na din siya. Nakikita kong nasasaktan siya. Sinaktan ko ang lalaking nagmamahal sakin.

"Sarah, I love you." sabi niya. Yung guilt na nararamdaman ko umaapaw na. Paano ko nagagawang saktan si Gerald na mahal ako ? I don't deserve your love. Bye.

"Gerald, I... --" pero hindi niya ko pinatapos. Tinanong niya kung anong problema. At first, I was a little hesitant pero he needs to know the truth kaya sinabi ko sa kanya.

At sa oras na yun, pinaramdam niya sakin na sobra niya akong mahal. At tama si Mommy, minahal niya ako bilang ako. Kasama na dun yung mga imperfections ko, kaya thankful ako, na may Gerald Anderson na dumating sa buhay ko. May Gerald Anderson na hihintayin at mamahalin ako.

Y.O.U (Ashrald)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon