[note: Isang makabasag eardrum na SOOOOOOOOOOOORRRRYYYY sa inyong lahat dear readers ! Sorry sorry sorry po :) Ito na po ang update ko. Sorry po talaga. Been very busy sa school =) Thanks sa pag-iintay. continue supporting po]
Gerald's POV
Everyone couldn't get over with the babe thing. Marami rami na ring nang iinterview about dun. At kahit ako di pa rin ako maka get over.
"Hanap lang ako Babe"
"Hanap lang ako Babe"
"......lang ako Babe"
"......ako Babe"
".....Babe"
"Babe"
"Babe"
Arrrrggghhh ! Para kang sira Gerald ! Ngayon ka lang ba natawag ng isang babae na Babe ha ! Tanong ko sa sarili ko habang ginugulo ang aking buhok. Nakahiga ako sa kama ngayon, hawak hawak ang ponytail that Sarah gave me, at ang gulo gulo gulo gulo ng buhok ko. Ewan ko ! Pero si Sarah palang ang nakakapagpaganito sa akin.
"Tama na Gerald ! Hindi pwedeng ganito ka na lang gabi gabi ! Walang mangyayari sayo ! Eyebags lang makukuha mo !" sabi ko sa sarili ko.
"ARRRGGGHHH."
Kaya naman ........
2 days after ng 1st episode ng Sarah G Live...
Wednesday.
I decided to talk to Tita Divine and Tito Delfin. I made sure din na wala si Sarah sa bahay nila. I bought cake and some food na rin para meryenda. Then pumunta na ko sa bahay nila. This is it. Kinakabahan ako. Walang urungan to. Andito na ko. There's no turning back. Hooooo. I composed myself. Just when I was about to press the doorbell, lumabas si Manang. Fuuuuudge ! Nagulat ako.
"Aaaaa. Sir Gerald naman eh. Nakakagulat po kayo." Manang said.
"Sorry, Manang ah. Teka, nandyan po ba si Tita Divine ?" I asked her.
"Ah. Sandali lang po, tatawagin ko." Manang said.
Then I waited outside. Woooo. Kinakabahan pa rin ako. Maya maya, the gate opened.
"Oh Gerald. ikaw pala. Halika't pumasok ka." She invited me in.
Nasa loob na kami ng bahay.
"Tita, I brought some food po." I hand her the Plastic bag.
"Naku, nag-abala ka pa. Sige at ihahanda ko, maupo ka't tatawagin ko si Tito mo." She said.
I was sitting on the sofa, habang kinakalikot ang malamig kong kamay ng dumating si Tito. Patayo pa lang ako nang pigilan niya ako.
'Iho, di mo kailangang maging sobrang pormal sakin." Nakangiti niyang sabi. Buti naman medyo nawawala na ng kaba ko.
Maya maya ay dumating na rin si Tita dala ang pagkaing dala ko.
"Uhhh. Pumunta po ako dito kasi.. uhhh.. ehh.. uhhh." Nakita ko silang dalawang nakatingin sakin, si Tito medyo nakangiti pa. Naku kinakabahan tuloy ulit ako.
"Gusto ko lang pong malaman niyo na mahal ko po ang anak niyo. I do love Sarah very much. I respect your stand po about her lovelife pero I'm very much willing to wait po. Papatunayan ko po sa inyo at sa kanya na mahal ko po siya. Kung papayagan niyo ho ako ay liligawan ko po ang anak niyo." I said nang walang hinto hinto. Nakatingin lang sila sakin at ganun din ako sa kanila habang yung kamay ko ay pawis na pawis na.
"Alam mo iho, nakikita ko sayo ang sarili ko, ganyang ganyan din ako nung una akong nagpaalam sa mga magulang ng Tita mo." Tito delfin said. Sa sinabi niyang to, nagkaroon ng drastic decrease sa kaba ko. Naramdaman ko yung acceptance nya. Good Sign !
"Not that I was handsome like you pero I feel you." Sabi ni tito. Tumawa lang ako at sobrang saya sa welcome na ito sakin ni Tito.
"Pero seryoso, iho. nandito kami para gabayan si Sarah bilang magulang niya". Tita said,
"At para samin, ang desisyon ay hawak pa rin ni Sarah. kung anung pipiliin niya, ay palagay namin magiging masaya kami para sa kanya." Tito said.
"Kung handa na si Sarah, handa na rin kami. Hanga rin kami sayo dahil nanjan ang respeto mo kay Sarah at sa amin. Wag lng sana umabot sa puntong iiyak na naman siya." Tita continued.
"Pangako po." Yun lang ang nasabi ko. Ibig sabihin ba nito ay ..... ?
"Basta hindi mo siya papabayaan. Umaasa kaming nasa mabuti siyang pangangalaga. Pumapayag kami." Tita said !
*FIREWORKS* woooohooooo ! Yess yess yess yess ! Pumayag sila ! May heart is jumping with joy !
"Asahan niyo po ! Maraming maraming salamat po ! Salamat po !" I said nang tuwang tuwa. Niyakap pa nila ako at niyakap ko din sila. Napakasaya ko ! Sobrang saya ko !
Pagkatapos nun, kung ano ano pang pinag-usapan namin ni Tito. Marami siyang shinare sakin lalo na nung kabataan niya. Nakakatuwa na komportable na rin sila sakin. Sana magtuloy tuloy !
Ngapala, sinabi ko rin sa kanila na ako na ang magsasabi kay Sarah. Syempre tatanungin ko rin siya kung pwede ko siyang ligawan, at pag pumayag, Woooohoo ! Mamimigay ako ng isang milyon ! Pero syempre joke lang :) Readers, pagdasal niyong pumayag siya ha ! Ha? Ha? pleaaaassseee !!
Pag-uwi ko...
Naabutan ko si Mommy at Ken sa sala. Nakita tuloy nila ang wide smile ko. gusto niyo ring makita ? Ganto oh ^_____________________________^
*****
After that day, nag-iba na ang spelling ng busy, G E R A L D na.
Well, sunod sunod lang naman ang appointments. May meeting, rehearsals, tapos meeting na naman tapos pictorial, tapos meeting na naman. Dumating pa nga sa puntong 3 hours lang ang tulog ko. Kaya ang balak ko ay sa linggo ko na lang sasabihin kay Sarah. Pero PAANO ?