Chapter 10

21.2K 766 162
                                    

"Kinakabahan ako, bakit wala pa siya?"

Andito kasi kami ngayon sa condo ni Rose. Ang plano kasi ay papa puntahin niya si Ashgray dito para mag overnight at bonding daw sila. Pero 8 na wala pa din siya. Ni text or tawag wala siya.

"Hindi kaya naka halata siya" Tanong ko

"Huminahon ka nga, late lang yon. Kilala nya ko pag hindi siya pumunta hindi ko siya ka kausapin ng isang linggo. But can I ask you something"

"Huh? Ano yon?

-_-

"Anong ginagawa niyan dito?"

"In fairness Minion ha. Ka pangit ng design ng condo mo. Ang dark masiyado ng mga kulay and medyo crowded daming gamit"

Sulpot bigla ni Bell mula sa kusina kasama si Avigail na kumakain na naman

"Kumuha na ko sa ref ha, Kagutom eh"

-_-"I can't remember inviting you two, especially you giant the ksp" Eto na naman po sila,

"Ahm Rose sorry mapilit silang dalawa eh, don't worry aalis din sila agad" paliwanag ko. Baka kasi mamaya magalit pa siya hindi matuloy itong plano namin

"Nope! Hihintayin namin matapos ang usapan, baka mamaya awayin ka ng mag kaibigan mamaya. Resback mo kami kabigan! Walang iwa--"

"Oo na kaibigan, paki lunok mo muna yang kinakain mo. Ang yaman at gandang babae pero medyo dugyot ha" tumatalsik kasi yung kinakain niyang chips, Kadiri lang.

"Oww wait! Beb! Look oh may lego house siyang binubuo!"

O.O nag pantig ang tenga ko sa narinig. Favorite ko ang lego kaya natutuwa ako pag nakaka kita nito.

"Really! Ohhhhhh ang ganda ikaw ba may gawa nito! Pwede pa hawa--"

"DONT TOUCH IT!! oh my gosh you're gonna get me killed!" Napa hinto ako sa pag hawak dahil sa gulat.

"There's a Cat! Oh shi** cute! You hungry little cutie?"

"What the! Hey Avigail girl! Wag mo siyang paka inin niyan!!"

"Ang tagal talaga ni baby ko, pwede silipin ko siya sa veranda mo baka malap--"

"Don't fu**** go there!"

"Hey Minion! Where's your TV nood tayo!"

"Wala akong TV!"

"Hey Rose mahilig ka pala sa halaman"

"Oh my god girl! Gamer ka din?"

"Minion! Ang cute mo nung bata ka sa picture kaso di ka lumaki hahahaha"

"Girl! Pa inom ako ha, sarap ng chips eh"

"Ahm Rose naiihi na ko sa kaba pwede paihi sa--"

"STOP! Sit down!"

O.O

Biglang tuma himik, sa hindi alam na dahilan bigla kaming sumunod sa kanya. Na upo kami kung saan kami naka pwesto. Ako malapit sa veranda, si Bell sa may pintuan malapit sa kwarto at si Avigail sa may kusina. Sabi niya upo daw eh.

Bakit naman kaya bigla to nagalit. Ang bait bait naming tatlo eh.

"Kayong tatlo!! Maayos ko kayong pina pasok dito kaya umayos kayo!! Ang kulit niyo ah!"

"Ahm Mi--"

"Don't call me Minion!"

"Pwedeng pwede ko na kayo palabasin kung gus--"

"Aalis na sila! Bell Avigail alis na hehehehe wag galitin ang may ari ng bahay" naloko na, ma iksi din pala pasensya nito. Dapat talaga hindi ko na sinama ang dalawang unggoy na to. Pa hamak ang kukulit kasi eh. Di ako gayahin sobrang behave Tsk!

I'm not a HETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon