Chapter 32

17.3K 627 278
                                    

I edit natin to: Sana manalo si Janine Berdin sa tnt bukas 😂😂 para good vibes.🙏
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Kaylin's POV

It's my fault, it's my fault, it's my fault!!

Please wag muna! Panginoon Please wag na lang po. I love her

"Bawal na po kayo dito, punta nalang muna kayo sa counter"

"Please I just want to hold her!"

"Bawal po talaga, kami na po bahala sa kanya"

Sabi ng nurse sa akin. Dinala ko siya sa pinaka malapit na ospital ng ma abutan ko siyang walang malay. Hinabol ko siya pero bigla siyang Nawala sa paningin ko. Hindi ako Tumigil sa pag hahanap ng makita ko siya sa malapit sa isang farm. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may mangyari sa kanyang Masama.

After ko pil-apan ang mga papel na inaabot sa akin ng nurse ay madali akong pumunta sa kanya. Kitang kita ko kung pano mag kagulo ang mga doctor sa kanya. then that monitor na may nag tataas baba na lines ay biglang nag flat lines. What's that?!!

No no no! Please come back!! Damn! Please, papayag na ako makipag laro sayo kahit ano pa iyan. Papayag na ako mag pa seduce sayo. Babasahin ko lahat ng libro sa library para sayo. Mag luluto at Bibili ako lagi ng pasta at ice cream. Everyday we will watch the sunrise together. Mag pipicnic pa tayo sa bundok right? Wala namang iwanan baby ko! Promise mag aaral na ako mag Drive at tuturuan  kita mag Bike.

Just don't leave me alone

"Baby you're late, I'm so hungry. Let's eat outside okay"

That day nakilala kita, isang babae na bigla na lang akong hinalikan. Tinawag mo akong Baby. Funny, dahil nung una halos Patayin mo na ako sa tingin tapos tatawagin mo akong Baby? Bipolar ka ba? Ang akala tuloy ng lahat Girlfriend kita

Ikaw ang pinaka demanding, selosa at masungit kong girlfriend. Well ikaw lang naman kasi ang naging girlfriend ko. Napaka Childish, clingy at Flirt mo pag magkasama tayo. Minsan hindi talaga ako maka hinga kapag natutulog ka sa dib-dib ko, ang sexy mo pero yung weight mo parang balyena. Not to mention na lagi mo akong inuutusan mag basa ng kung ano ano. Hindi na ako mag rereklamo ulit basta wag mo lang akong iwan.

"Don't call again, let's break up bye"

Mga salitang dumurog sa puso ko. Ang sakit, ang sakit na makita kita araw araw pero hindi man lang kita kayang yakapin. Napaka lapit mo na sa akin pero feeling ko ang layo layo pa din. Hindi kita maabot. Tuwing nag lalakad ka palayo sa akin, lagi kong pinag dadasal na sana lumingon ka pabalik. Nandito lang ako naka ngiti sayo.

Tatanggapin ko na ng maluwag kung sakaling makipag break ka ulit sa akin. Hahayaan na kitang lumayo. Basta ba gumising ka lang. Kaya kong panoorin ka sa malayo. Gaya ng ginagawa ko pag Tinulugan mo na ako. Ang daya diba, tulog ka na pala pero nag babasa parin ako.

Favorite kong pag masdan ka pag tulog pero hindi ngayon. Mas gusto ko padin ang mga mata mong kumikislap pag masaya ka. Yung mga mata mong nag aapoy pag galit ka. At yung mga mata mong nakaka matay kung tumitig sa akin pag inaasar kita. Kaya naman gumising ka na diyan please!

Nang ma ospital ka nakilala ko ang Mom at younger Brother mo. Ang bait ng mother mo, para siyang si Mama Mary kasi ang amo ng muka niya. Na isip ko San ka kaya nag mana? Hahahaha. Bago ako pumasok sa Room mo  ay kina usap niya ako. Gumuho ang Mundo ko ng sabihin niya saking may Brain tumor ka.

Nang pina lapit mo ako sayo at biglang niyakap, ayaw na kitang Pakawalan. Bakit ang Unfair ng Mundo? Kung Kelan nahanap mo na yung taong mamahalin mo habang buhay bigla ka nalang kukunin.

Nag panggap akong hindi ko pa alam ang sakit mo dahil yon ang gusto mo. Masakit na makita kang nahihirapan. Minsan pag gumising ka sa gabi para pumunta ng CR at mag suka gusto kitang yakapin pero di ko magawa. Pinipigilan at nilalabanan ang sakit. Pinipilit mong hindi umiyak para hindi ko marinig.

Hindi mo alam sobrang sakit sa akin na makita kang nahihirapan pero wala man lang akong magawa.

Doon ko lang na realize kung bakit ka lumalayo sa akin noon. Baby ang babaw ng rason mo. Mahal pa din naman kita eh. Hindi mag babago yon. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na kailangan ready ako sa mga pwedeng mangyari. Pero bakit ganito. Hindi ko parin kaya, Hindi pa din ako ready.

Nang sinabi sa akin ni Avigail na papunta si Jake sa Library ay parang may bumara sa puso ko. Pano kung malaman mo ang totoo? Gusto ko sa akin na manggaling kung sakaling malaman mo. Ang sakit nung sampalin mo ako nang magkabilang pisngi, sabi ko deserve ko yon. Niloko kita eh. Pero naguluhan ako nang parang hindi mo pala alam kaya naman medyo natuwa ako.

Ang cold mo sa akin that day. Tapos bigla mo nalang akong Iniwan. Ang bilis at dali ko bang iwan?

"That's the problem! HER not
HIM!!! He's not a He!! Kaylin is a girl!
You're not expecting me to marry a girl right? Im not crazy! And I'm straight for crying out loud!"

Nang marinig ko mula sayo ang mga salitang yan. Kaya pala. Kaya pala ang weird mo sa library at date natin. Kaya pala iniiwasan mo ako. Kaya pala ang lamig ng pakiki tungo mo sa akin. Na realize ko, ang manhid ko pala noh? Dapat ginawa mo ng apat yung sampal mo sakin eh. Hindi ko kasi deserve yung dalawa lang.

Lumayo ako para mag isip. I pina muka mo kasi sakin yung realidad. Na hindi ka mag kaka gusto sa kapwa mo babae.

Pero laking takot ko ng makita kitang walang malay nang gabing iyon. Takot na takot ako Ash. Hobby mo ata ang takutin ako eh.

Tapos nag simula ka naman ng isang laro. Sabi ko ayoko na. Sobrang Saya ko na gumagawa ka ng effort para mapansin ko, yung niluto mong Fried chicken na parang Adobo?  Kinain ko yon after, at sasabihin ko lang na. Please lang wag mo na I try ulit.
Pero hindi ko alam kung bakit hindi padin kita Kinakausap. Gusto kong saktan ang sarili ko.

Kita ko ang sakit sa mga mata lalo na noong nasa restaurant tayo. Aaminin ko mali ako, gumanti ako kahit papano. Sobrang sakit na hindi ka pinapansin ng taong mahal mo. Yung nag eefort ka pero baliwala lang sa kanya.

Kaya naman bakit ko ba ginagawa yon sayo? Mali ako. Mali na naman. After nang fountain display ay Iniwan kita para bumili ng isang bagay na pwedeng mag ayos sa atin. Mahal na mahal kita kaya hindi kita matiis.

Pero pag balik ko ay wala ka na. Ang nasa isip ko Iniwan mo na naman ako. Pero mas na naig sa akin na baka may nangyari sayong Masama. Ang tagal ko nag hanap, tumawag pa nga ako ng pulis para lang hanapin ka eh. Pero bumalik yung tampo ko ng makita kong magkasama kayo Ni Landon. Patawarin mo ako sa mga ginawa ko.

Hindi ulit kita pinansin after. Ang hindi ko makalimutan ay yung nasa kwarto tayo at muntik na akong mawala sa sarili. Sinong tatanggi sayo? Buti nalang at kinaya ko pa. Bilib din ako sa self control ko eh. Proud ka ba sakin?

At wag mo na ulit ako pagselosin please. Alam ko namang Cute si Kuyang gardener pero wag naman sa harap ko. Muntik na kitang hilahin palayo at itulak si kuya sa bangin.

Habang umiiyak ka at sinasabi mo sakin na confused ka that time gusto kong saktan ang sarili ko. Ayokong nakikita kang umiiyak. Hindi ko kaya.

Nang makita kitang walang malay. Halos Tumigil din ang puso ko. Hindi ko kaya Baby. Ayokong makita kang ganon. Ayokong mabuhay sa Mundong ito na wala ka. Ang bilis mong dumating sa buhay ko pero wag ka din namang umalis agad please.

Para sa akin lumaban ka. Bumalik ka na. Balikan mo na ako. Wag mo akong iwan mag isa.

Hindi pa tapos ang libro natin. Nasa unang chapter palang tayo. Kaya naman Baby Ashgray ko

Please Wake up

I love you, forever

"Time of death. . . . . . ."

I'm not a HETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon