Chapter 22

17.9K 609 100
                                    

"Baby you okay? Gusto mo puntahan kita sa office mo?"

"O-okay lang, I'm sure marami ka ding ginagawa diyan. Pagod lang siguro, and no need na akong sunduin mamaya. Marami pang gagawin eh"

"Okay, bye bye I Love you"

"I love you too Baby ko. Mag pahinga ka ng maaga ha"

Bakas sa boses nito ang sobrang pagod. Gusto ko siyang puntahan ngayon pero I'm sure ayaw niyang makita ko siyang nahihirapan. She's not okay.

Kahit na may iniinda siyang sakit lagi pa rin niyang Pinapakita sa akin na okay lang siya. Lahat yon tinatago niya sa bawat lambing at pag susungit niya. Masyado kasing tutok sa trabaho.

Kaya naman hindi ko nalang siya iniiwan. Ayokong ma ulit yung dati hindi ko ata kaya na makita siyang ganon ulit. Halos hindi na nga ata kami mapag hiwalay. Sa condo na niya ako halos natutulog, minsan sa library, tapos sa apartment ko. Kahit saan na lang basta mag kasama kami. Mag ka yakap lang kami mag damag, minsan nga wala naring sense ang sinasabi namin pero masaya pa din. Kung saan saan napupunta ang topic pero hindi kami mawalan ng sasabihin sa isat isa.

Ilang months na ba? Hindi ko na alam, sa Ilang months na magka kilala kami sobrang dami nang nangyari. Malapit ko na ring matapos itong ojt ko isang linggo na lang, tapos defense naman ang aasikasuhin ko at makaka graduate na ako.

Hindi ko alam kung aabot pa ba ng ganoon katagal ang secreto ko. Dahil sa oras na maka graduate ako, wala ng dahilan para mag panggap pa.

"Pst Kaylin! May dinner mamaya ang department natin, sasama ka ba?"

Tanong sa akin ni Claire, sa lahat ng mga dinner ng department ni isa wala akong na puntahan. Gusto ko pumunta ngayon pero nag aalala ako kay Ashgray. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Hayys bakit ba nag tanong pa ako. Oh sige na enjoy ka sa Baby mo"

"Thank you"

Gusto ko siya I surprise. Ano ba pwedeng gawin? I'm sure kahit Anong pilit ko sa kanya ngayon hindi siya Uuwi hanggat hindi niya natatapos ang mga gawain dito.

Habang nag lalakad ako hindi ko napansin na nandito na ako sa garden. Andito na kaya si Tatang? Matagal tagal ko na rin siyang di nakiki--

"HOY!!!"

"AY GURANG!!!"

O.O

"Tatang naman! Gusto nyo talaga akong Patayin eh!!" Bigla bigla nalang kasing nang - gugulat.

Tumawa lang ito at umupo na sa dati nitong pwesto at ako? Eto sa damuhan padin

"Pasensya na apo. Ang lalim kasi nang iniisip mo eh. Si GF mo na naman ba?" Tatang talaga bagets na Chismoso

"Medyo po. Gusto ko kasing I surprise eh, lagi kasing pina pagod ang sarili sa trabaho. Ano kayang pwedeng gawin?"

"Nako apo Aba madali lang yan!"

"Talaga? Pano po?!" Excited na tanong ko.

"Sa tipo nyang si Ashley, ang gawin mo dalin mo sa kwarto, Itali mo sa kama at kaini--"

"TATANG!! ANG BASTOS NYO TALAGA!!" Napaka talaga nitong si Tatang!  Hindi ko kayang gawin yon!

"WAG KANG SUMIGAW ABA! Ano ba iniisip mo? Ang sabi ko lang kumain kayo ng pagkain sa kama para romantic. Hindi siya ang kainin mo! Ikaw ang Bastos apo"

-_-Sa pag mumuka nitong si Tatang hindi ako na niniwala. Lagi kaming nag uusap dito kaya alam ko na Takbo ng utak nya

"Ewan ko sa inyo Tang!"

I'm not a HETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon