Chapter 36

16.8K 591 86
                                    

"Failed ka tonight Baby Skyrain ko" Sabi niya sakin habang nag ba bike kami pabalik sa mansion nila. Buti nalang at wala na yung music. Baka umiyak na naman ako

Alam kong nag enjoy siya dahil ganon din ako. Ang Saya nila kasama, kahit na halos kalahati sa topic namin ay puro asaran at awayan sa isat isa. Alam kong may nagawa ang BBQ party namin sa kanya. Kahit konting pag asa lang ay okay na ako.

"Akala mo lang yon. But I'm sure konti nalang papayag ka na" sagot ko sa kanya.

"Hahahahaha Try harder co--." Naramdaman ko na lang na humigpit ang yakap niya sa Likod ko.

"You okay? May masakit ba? Dalin na ba kita sa ospital?" Napa hinto ako at alalang Tumingin sa kanya

"Bwahahaha Got you! Praning ka talaga baby ko. I'm okay ^_^" Ngiting sabi nito sakin.

Alam kong hindi siya okay. Pero. .

"Ah ganon ha, bahala ka iwan kita dyan hahahaha"

"You can't leave me. Subukan mo lang at ililibing kita ng buhay!"

Brutal talaga ng Baby ko.

"Sige na. Pasalamat ka Mahal kita eh. Dahil mabait ako ngayon, sakay ka na sa likod ko"

Hindi ko alam kung bakit gustong gusto niya ang piggy back siguro dahil pig siya hahahaha. Tuwang tuwa naman itong sumakay sa likod ko. Whooo bigat talaga!! Ano ba kinakain niya? Nag simula na akong maglakad. Iwan ko muna itong bike.

"Swerte ka din kasi mahal din kita kahit minsan stupid ka" bulong niya sa tenga ko. Ang init.....

"Baby Abo bakit kasi hindi ka nalang pumayag?" Ngayon ko nalang ata siyang tinawag na baby Abo

"Baby Ulap nag usap na tayo diba"

"Yeah but ano yung pinaka rason mo?" Alam kong madami siyang reason at na iintindihan ko yon. Gusto ko lang malaman kung ano yung isang bagay na na nag ho hold up sa kanya.

"Because I love my memories. Kahit mabuhay ako wala din akong matatandaan. And there's no chance na maibalik ko pa iyon. I don't wanna forget, specially you. Lahat ng nangyari satin makaka limutan ko. " ramdam ko ang mga luha niyang pumapatak sa leeg ko.

"I'll remember everything so it's okay. I'll tell you our story"

"That's not enough for me. I want the feelings. But pwede ka na mag kwento ngayon. Tell me a story"

"Okay. Ahm one day isang araw. I saw naka kit--JOKE LANG!!! Baby naman eh. Hindi pagkain ang tenga ko" pang gigilan Ba kasi yung tenga ko.

Nag isip ako ng pwedeng I kwento sa kanya. Ahm ano ba?

"Alam mo ba kung bakit ko napiling Rain ang I palit sa Rienna?"

"Ahm sounds like?" Sagot niya.

"Ang layo kaya! Hahahaha but yeah. Noong nasa bahay ampunan pa ako palaging may mga nag vo volunteer at nag do donate sa amin. Like toys, books and dress. Tapos isang araw may isang mayamang Pamilya ang nag visits sa amin. Tuwang tuwa kami kasi akala namin ma aampon na kami. Yun pala para mag donate lang nang kung ano ano"

"Ang bagal mo naman mag salita ano ka si lola basyang? Mauuna pa akong maka tulog kaysa sa kwento mo eh"

Kita mo to. Reklamo ng reklamo.

"So ayun nga. Dahil nalungkot ako, Hindi ako Naki sali sa pamimigay ng gift. Nag tago ako sa Likod ng bahay tapos umakyat ako sa puno ng mangga. Habang nasa taas ako may narinig akong batang umiiyak, so akala ko minumulto na ako hanggang sa ma sipa ko yung isang Mangga kaya nahulog tapos lalong lumakas yung iyak hahahhaha, pag tingin ko may batang babae pala sa ilalim ng puno tapos nalaglag pa sa kanya yung Mangga! Hahahaha"

I'm not a HETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon