Chapter 1: Lian

2.1K 37 1
                                    

"Lian! Uwi na! Gabi na at mahamog na, baka kung mapa-ano ka pa diyan" tawag ng ina ni Lian na nag-aalala sa anak. Kulubot na ang balat sa mukha ng Ina ni Lyra. Nakatali pataas ang maputi na nitong buhok. Pansin din ang nanunuyong labi at ang itim sa paligid ng mata nito.

"Sandali na lang ho! Ma!" hinintay niyang anurin ang bote na naglalaman ng kanyang mga pag-asa, hangang sa puntong hindi na niya iyon makita. Minasdan niya iyon habang umaasa na dalhin sana ng alon sa isang lugar na nararapat. Matapos iyon ay sinundan na niya ang kanyang Ina sa pag-uwi.

"Bakit ba nagpapa-anod ka pa rin ng bote hanggang ngayon?" tanong ng Ina na parang gustong sabihin sa anak nito na itigil na ang kanyang nakagawian. Ayaw nitong umasa siya ng umasa at sa huli ay masasaktan lamang siya

"Ma, sa lahat siguro ng tao dapat kayo ang nakaka-intindi sa akin. Sa bawat araw na nilalagi niyo sa simbahan at pagdarasal sa isang nilalang na hindi niyo nakikita umaasa na pakikinggan kayo. Ganoon din naman ang paniniwala ko, hindi naman siguro masamang umasa." Paliwanag niya sa Ina. Inakbayan niya ang kanyang ina at pinatong ang kanyang ulo sa balikat nito.

"Ikaw ang bahala, ayaw ko lang na nasasaktan ka." Paalala nito sa anak. Totoo raw na mas nasasaktan ang mga Ina sa nadarama ng mga anak, ang bawat pasanin daw ng mga anak ay doble ang bigat para sa mga magulang.

Makalipas ang ilang minuto ay nakasapit na sila sa bahay nila. Naroon ang ama niyang kanina pa siya hinihintay. Puti na ang buhok nito at pansin mo na rin ang mga linya sa kanyang mukha. Hindi naman dahil sa edad nito, sa tikas niya ay mahahalata mong hindi pa ganoon itong katanda. "Ginabi ka na naman. Birthday mo ngayon, dapat nandito ka lang. Takaw disgrasya ang mga tao kapag araw ng kaarawan nila" sermon ng ama nito na nag-alala lamang para sa kalagayan ng anak.

"Pa! Ano pa bang masamang puwedeng mangyari sa akin?" wika niya habang nakangiti na parang nagbibiro.

"Lian ha! Hindi ako nagbibiro. Sa susunod kung pupunta ka doon ng gabi magsasama ka. Saka dapat sine-celebrate na lang natin ang birthday mo."wika ng kanyang Ama.

"At sino naman ang pupunta? Pa, Mula ng tumigil ako sa pag-aaral ay hindi na ako pinuntahan dito ng mga dati kong classmate. Sa tingin niyo after ng isang taon na hindi ko sila nakikita, matutuwa silang bigla na lang akong susulpot at yayayain sila sa birthday ko?" sabay natawa si Lian.

Pero mukhang hindi nasiyahan ang kanyang mg magulang sa birong iyon ni Lian. Ang pagtawa niya ay bigla na lamang huminto ng nakitang seryoso at malungkot ang mukha ng kaniyang mga magulang.

"Ok lang ho ako. Hindi niyo kailangang mag-alala sa akin" Matapos iyon ay agad nang umakyat si Lian sa kanyang kwarto. Umupo siya sa harap ng kanyang drawer at tiningnan ang sarili sa salamin. Ngumiti siya sa sarili, lagi niya yong ginagawa sa tuwing nalulungkot siya, pakiramdam niya kahit may isang tao lamang na ngingiti sa kanya ay gagaan ang pakiramdam niya. Sa sitwasyon niys ngayon ay walang gagawa noon kaya siya na lang mismo ang ngumingiti sa sarili niya.

Maikli ang kanyang buhok na lumampas lang ng kaunti sa kanyang batok. Maputla ang kutis niya na animo'y hindi nasisikatan ng gaanong araw. Ang kanyang mga mata ay may guhit na ng itim sa paligid nito gayung maaga naman siyang natutulog. Pero kahit na ano pang pintas ang makikita mo sa mukha niya ay maganda pa rin siya. Matangos ang kanyang ilong na bagay na bagay sa kanyang cheekbone at mapungay na mata. Lalo pa siyang gumaganda tuwing ngumingiti siya at nasisilayan mo ang kanyang pantay pantay na mga ngipin.

Pumunta siya sa kanyang study table at kinuha ang lapis at ang kanyang diary.

Dear Diary:

Naka-isang taon ulit ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na patuloy ko lamang pinahihirapan ang aking mga magulang, at pinaasa sila sa bagay na hindi naman magkakatotoo. Dalawang taon na mula noong na-diagnose ako na may brain tumor sa occipital lobe ng cerebrum. Noong sinabi ng doktor na hindi nag-rerespond ang cancer cell sa treatment natuwa ako na hindi na ganoong maghihirap ang mga magulang ko sa akin. Alam kong mas nahihirapan sila sa kalagayan ko, at lalo lang akong nasasaktan.

Hope in a Bottle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon