Isang Linggo rin ang lumipas, nasa biyahe papuntang Maynila sila Lian, Shot kasama ang mga magulang ng dalaga. Minabuti nang sumama ni Shot para masamahan sila sa representative ng NGO na tutulong kay Lian. Si Aling Mercedez naman ay nanatiling tulog sa biyahe at mahiluhin daw siya, hindi ito sanay na bumibiyahe lalo na sa aircon na bus, para tuloy silang may 2 pasyenteng dala. 2 beses din silang lumipat ng sasakyan at wala daw diretsong biyahe papuntang Maynila.
Makalipas ang ilang oras ay narating na nila ang bus terminal. Ang amoy palang ng hangin na hindi kanais-nais ay parang nagsasabing nasa Maynila ka na nga. Ang ingay ng siyudad ay malayong malayo kumpara sa probinsya. Mabilis ang galaw ng bawat tao na para bang hinahabol nila ang oras.
Si Shot naman ay sanay na sa lugar, ilang beses na rin naman siyang lumuwas at medyo kabisado na niya ang ilang parte ng Maynila, isa pa meron naman silang smartphone na maring magturo sa kanila ng lugar na kanilang pupuntahan.
Sakto naman na sa paradahan ay mayroon ng malapit na istasyon ng LRT at doon na lamang sila sumakay. Bumaba sila sa istasyon ng Pedro Gil at doon naghintay ng sasakyan upang magdala sa kanila sa isang hospital sa Makati.
Halos usad pagong ang nagyari sa kanilang biyahe, gagalaw lang ng ilang metro matapos ay titigil ng napakatagal. Lalo tuloy yatang nahilo si Aling Mercedez at napasandal muli sa asawa nito. Para tuloy mas malala pa ang kalagayan ni aling Mercedez sa anak. Hindi naman maiwasang matawa nila Shot at Lian sa kalagayan ng kanyang Ina.
"Sabi naman kasi sa inyo maiwan na kayo at alam ko namang hindi kayo sanay sa mahabang biyahe." Wika ni lian sa Ina
"Ano namang gusto mong gawin ko, mag-alala sa bahay? Aru jusko umiikot ang paligid ko." Sabay muli nitong sandal sa asawa.
Ilang oras din ang lumipas at sa wakas ay nakarating din sila ng ospital. Naghihintay sa kanilang pagdating ang isang lalaki na naglalaro ang edad sa mga 30-35 na anyos. Manipis ang katawan nito at matangkad, nakasuot siya ng salamin at may makapal na bigote. Mukhang nakilala nito si Shot at nilapitan agad ito, si Shot naman ay nagmano sa lalaki.
"Ninong, kamusta na ho. Siya ho yung naikwento ni Papa sa inyo." Sabay turo niya kay Lian
"Ah siya ba ang girlfriend mo? Binata ka na talaga ha, noong huli kitang makita ay hindi ka pa yata tuli noon. Nagagalit ka pa noon sa akin kapag hindi ako nagpapakita sa iyo kapag Pasko." Sabay tawa nito
"Ninong naman, matagal na iyon." Kakamot kamot na sabi nito, na para bang napapahiya.
Bumaling naman ang lalaki kila aling Mercedez at nagpakilala.
"Ako nga ho pala si Joemar Dela Cruz, Mar na lang ho ang itawag niyo." Tumingin naman ito kay Lian at nginitian. "Para namang walang sakit itong girlfriend mo, malayong malayo sa estado ko noon." Biro nito , na animoy pampalakas loob sa dalaga.
"Estado niyo po noon? Nagkasakit din ho kayo?" tanong ni lian na sabik na malaman kung paano nakaligtas sa sakit.
"Oo, Liver cancer. Kagay mo noon nawala na ako ng pag-asa. Pero sabi ng doktor, hanggat hindi nasusubukan ang lahat ng posibleng treatment, h'wag tayong mawawalan ng pag-asa. Kahit alternative medicine pa yan, basta hanggat buhay pa may pag-asa pa.' Kwento nito kay Lian
Kitang ktia mo ang pag-aliwalas ng mukha ni lian sa sinabing iyon ng Ninong Mar ni Shot. Para bang nagkaroon muli siya ng pag-asa at isang biktima ng cancer ang buhay at kinakausap siya ngayon.
"Tara na at ng makausap niyo yung neurologist dito" Yaya nito sa kanila
Habang naglalakad sila ay kinakausap niya si Shot at tinatanong sa mga bagay bagay, sa papa nito sa mama nito pati na rin sa mga kapatid nito at sa pag-aaral. Magalang naman sumasagot si Shot sa mga tanong nito. Hanggang sa madako ang usapan sa lovelife ni Shot.
BINABASA MO ANG
Hope in a Bottle (Completed)
SpiritualTwo worlds meet hoping to become one'; one engulfed in darkness and another full of joy and happiness. A story about living in times of death and loving in times of hopelessness.