Ramdam ni Lian ang init na tumatama sa mukha niya na nanggaling sa kanyang bintana. Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata. Yayakapin niya sana ang sarili niya, pero naisip niyang hindi na kailangan yon. Alam niya na sa mga panahon ngayon ay masaya siya, hindi niya kailangang humarap sa salamin at tingnan ang pilit na ngiti sa kanyang mukha, dahil alam niyang nakangiti siya. Umupo si Lian sa kanyang kama at tiningnan ang kanyang kwarto. Maaliwalas ito kumpara noong una na lagi na lamang nakasara ang bintana at nakatakip ang mga kurtina. Parang may kuryente na bumuhay muli sa kanya.
Bumangon siya at inayos ang sarili niya. Naghilamos siya at sinuklay ang kanyang buhok. Mayari iyon ay bumaba siya. Wala ang ama niya at pumasok na sa trabaho. Ang Mama naman niya ay nasa sala at naglilinis.
"Ma! Monthly check-up ko ngayon di ba? Parang nagulat ang kanyang Ina na siya pa ang unang naka-alala noon. Kadalasan kasi ay wala itong ganang marinig ang sinasabi ng doktor, paulit-ulit lang naman ang sinasabi nito.
"Oo nga pala ano. Mga alas-10 tayo pumunta at magpapa-schedule muna tayo. Sige kumain ka muna diyan." Binitawan ng kanyang Ina ang panlinis at tumawag sa ospital, si Lian naman ay kumuha ng isang pirasong sliced bread at pinalamanan niya ng itlog. "Hello! Magpapa-schedule kami kay Dr. Roque. Si Mrs. Centeno kamo."
"Ok po Ma'am. Punta na lang po kayo dito gaya po ng dati." Parang kilala na sila ng sekretarya ng doktor at hindi na sila hiningan ng karagdagang impormasyon. Halatang madalas na doon si Lian.
Tiningnan ni Lian ang orasan. Mahaba pa ang oras niya bago maghapon. Habang wala pa si Shot ay hahanap siya ng mapagkaka-abalahan. Lumabas siya ng kanyang bahay. Pumunta siya sa tindahan sa tapat, kahit wala naman siyang planong bilhin. Hindi niya alam pero may kakaiba sa araw ngayon.
"Aba, Lian, buti naman at nakalabas ka ng bahay mo. Para ka ng bampira sa puti mo, kakukulong mo." Biro ng may-ari ng tindahan sa tapat.
"Hindi naman ho. Talagang ganito na ho ang kutis ko. Bigyan niyo nga ako ng isang soda drink."
Pumunta sa ref ang tindera. Akma niyang bubuksan ang soda ng naalala niya ang kalagayan ni Lian. "Pwede ba sa'yo ang soda? Ang aga-aga ah. Batang to, tanungin mo muna kaya Mama mo." Nag-alala ang tindera na baka siya pa ang mapagsabihan ng Nanay ni Lian.
"Hindi ho pwede ho yan." Pagpupumilit ni Lian kahit na nga alam niya namang maraming ipinagbabawal sa kanya.
"Magaling ka na ba? Parang maaliwalas nga ang itsura mo ah." Bati ng tindera na napangiti kay Lian. Hindi naman sinagot ni Lian ang sabi ng tindera. Pero sa isip isip niya ay humihiling siya na sana nga ay totoo ang sinasabi ng tindera.
Bigla siyang kinilabutan. Muli ba siyang umaasa na sana ay gagaling siya? Bakit ganito muli ang nadarama niya gayong noong mga nakaraang panahon ay ayos na siya kung hindi siya gumaling. Inisip niya na marahil ay dala ito ng binata sa kanya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa na binabalik ni Shot ang pag-asa niya o dapat siyang magalit na binibigyan lang siya nito ng maling pag-asa.
.....
Lumipas ang ilang oras at pumunta sila sa ospital. Sa ibaba pa lamang ay binati na siya ng ilang nurse na nakakakilala na sa kanya doon. "Welcome back Lian. Parang glowing ka ngayon ha." Nginitian sila ni Lian at kinawayan na rin. Dumiretso sila ng opisina ni Dr. Roque. Nadatnan nila si Dr. Roque na katatapos pa lamang sa isa niyang pasyente.
"Hello Lian. Naalala mo pa ba ang test mo last month?" Magiliw na tanong ng doctor. Kadalasan ay iyon ang unang tinatanong kay Lian. Hindi rin naman alam ni Lian kung bakit.
"Oho, naalala ko ho. Pati yung result sabi niyo, mabagal naman ang paglaki ng tumor. Pati ho yung mga tanong niyo naalala ko pa.
"Very Good. So close your eyes tapos hawakan mo ang ilong mo." Sinunod na lamang ni Lian ang utos ng doktor. "Good. So how's your eyesight? Malinaw ba?" Alam na ni Lian kung bakit tinatanong ng doktor yon. Ayon kasi sa lokasyon ng kanyang brain tumor ay maari nitong maapektuhan ang kanyang paningin at di malaon ay mabulag siya.
BINABASA MO ANG
Hope in a Bottle (Completed)
SpiritualTwo worlds meet hoping to become one'; one engulfed in darkness and another full of joy and happiness. A story about living in times of death and loving in times of hopelessness.