Halos hindi mapakali si Shot sa loob ng classroom. Wala na ang kanyang isip sa sinasabi ng kanyang prof. Ang mata niya ay nakapako na sa orasan at hinihintay ang tapos ng klase nila.
"Ang bagal-bagal naman ng oras ngayon!" hindi sinasadya ni Shot na mailakas ang boses niya at narinig iyon ng kanilang prof, tuloy napagalitan pa siya.
Makalipas pa ang ilang minuto ay tuluyan na silang pinalabas ng prof. Patakbong nilisan ni Shot ang classroom patungo sa labas ng unibersidad para doon sumakay. Nadaanan pa niya ang kanyang mga kaibigan at niyaya muna na maupo at makipagkwentuhan.
"Hindi ako pwede ngayon!" At nagpatuloy siya sa kanyang pagtakbo.
Sa labas ay kailangang maglakad ni Shot ng malayo upang makalipat sa kabilang daan gamit ang overpass. Sa sobra niyang pagmamadali ay pinili niyang h'wag gamitin iyon at tumawid na lamang.
Sa kanyang pagtawid ay hindi namalayan ni Shot ang paparating na sasakyan. Huli na ng nalaman niya na tatamaan pala siya, hindi na nakagalaw ang kanyang katawan at sinalpok siya ng sasakyan. Sumambulat sa daan ang mga gamit sa school, kasama ng duguang katawan ni Shot.
........................
Tahimik ang lahat. Nasa harapan si Lian suot ang isang kwintas. Tanging ang iyak lamang ni Tonton at ng kanyang Mama ang maririnig mo. Kinuha ni Lian ang mikropono at nagsimulang magsalita.
"Kung hindi po kalabisan sa inyo ay may nais po sana akong basahin." Sabay kuha nito sa kapirasong papel na nasa bulsa niya kanina pa. "Ang sulat po na ito ay balak niyang ibigay sana sa akin, pero hindi na nangyari." Nanginginnig ang boses niya at ang buo niyang katawan. Pakiramdam niya ay mahihimatay siya anumang oras. Masakit ang buong katawan niya, mas masakit pa iyon kumpara noong sumasailalim siya sa therapy.
Sinimulan niyang basahin ang liham, kahit na pahinto hinto ang basa niya at pinipigilan niyang umiyak.
Dear Lian,
Ako naman ang susulat sa iyo, at mukhang tapos ka nang sumulat sa diary mo. Gaya ng pangako ko ay bibigyan kita ng totoong kwintas kapag gumaling ka na, yung pangako mo na lang. Mahal na mahal kita, at patuloy kitang mamahalin, kahit na sobrang payat mo na ngayon at wala ka na ring buhok. Plano ko sanang magpakalbo rin para parehas tayo, pero wala na akong oras.
Noon sinabi mo sa akin na hindi ka pwedeng magmahal kasi para kang alarm clock, kapag tumunog na, magigising kaming wala ka na sa amin. Tatanungin uli kita ngayon, mahal mo ba ako?
-Shot
Isang malalim na ungol ang pinakawalan ni Lian sabay nagngangawa.
"Hindi mo alam kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita, binago mo ako, binalik mo sa akin ang mga pangarap kong tinalikuran ko na. Bakit mo ako iniwan? Hindi ko pa nasasabing mahal kita. Ang daya mo, hindi pa ako nakakabawi sa lahat ng ginawa mo sa akin. Sabi sa'yo gusto kong ako naman ang mag-alaga sa iyo."
Nagsimula na ring umiyak ang ibang tao sa loob. Hindi nila maiwasan ang hindi madala sa pag-iyak ni Lian.
"Ako dapat ang nandyan at hindi ikaw." Sabay lapit nito sa coffin ng binata. Niyakap niya ang kabaong at tiningnan mabuti ang binata. "Bumangon ka na diyan. Pakiramdam ko gugulatin mo ako any minute now at sasabihing, binibiro lang kita. Hindi ka dapat nakahiga dyan, malakas ka, masiyahin ka, huwag yung ganito."
Sa puntong iyon ay nilapitan na siya ng Mama ni Shot at niyakap.
"Tita! Bakit ganon? Hindi ko maintindihan." Umiyak na rin ang Mama ni Shot kahit na pilit nitong pinapakalma ang dalaga. "Napaka-unfair, hindi niya man lamang narinig na mahal ko siya. Ngayon kahit ilang beses ko sabihin, hindi na niya maririnig.
Lumapit na rin si aling Mercedez at ang ama nito para na rin ilayo si Lian kay Shot. Hindi pa rin nito mapigil ang pag-iyak at pagwawala, may mga puntong natatanggal na ang wig nito at binabalik na lamang ni aling Mercedez.
...............
Hinatid nila sa huling hantungan si Shot. Nang muling buksan ang kabaong para sa huling pagkakataon, ay nagpabuhat si Tonton sa kanyang ama para makita ang mahal na kuya.
"Kuya, Babay na! Wala ng mangangarate sa akin. Mahal kita." Sabay yakap nito ng mahigpit sa kanyang ama at umiyak habang nagpupumiglas.
Hindi halos makalapit si Lian sa kabaong, ayaw niyang magpaalam sa binata. Pakiramdam niya ay hindi totoo ang lahat. At sino nga naman ba ang maniniwala na ang isang walang sakit ay bigla bigla na lamang mawawala sa kanila, gayung siya ang inaasahan na igugupo ng sakit niya.
"Shot! Bangon na." Niyakap niya ang walang buhay na katawan ni Shot. Ng naramdaman niya na isasara na iyon ay pinigilan niya ang mga ito. "Sandali na lang po, sandali na lang. Shot bangon na, mawawala ka na sa amin. Bangon na."
Tuluyan ng inilayo si Lian sa katawan ni Shot. Para siyang batang napayakap ng husto. Tumalikod si Lian habang binababa ang kabaong ni Shot. Ayaw niyang makitang wala na sa kanya ang binata. Ng tuluyan ng maibaba ay hinagis ni Lian ang kanyang Diary.
"Kahit man lamang sa Diary ko, napa-alam kong mahal kita."
.................
Muling nakatayo si Lian sa may ilog, hawak hawak ang isang boteng may lamang sulat. Nasa kabilang kamay niya ang journal ni Shot na punong puno ng kanilang mga memories nila ni Shot. Yung araw na namingwit sila, yung pagbalik niya sa eskwelahan, birthday niya, kahit mga simpleng takip lang ng bolpen o kapirasong papel ang mga iyon ay hindi niya napigilan ang hindi maiyak.
"Hinahanda mo pala ako sa pag-iwan mo sa akin. Sana nakinig ako ng husto sa iyo. Sana nasabi ko ng isang daang beses na mahal kita. Ganito pala kasakit ang maiwan. Ang tanga ko ng isipin ko na magiging maayos lang ang lahat pag ako ang nawala. Ang sakit." Puro pag-iyak lamang ang nagawa niya sa tuwing ililipat niya ang pahina ng journal ni Shot.
Kinuha niya ang bote at muli iyong tinapon sa ilog. "Ikaw ang Hope in a Bottle ko. Palalayain na kita, pero hinding hindi kita kakalimutan. Mahal na mahal kita. Gagawin ko ang pinangarap natin ng sabay, ang pagtatapos ko sa pag-aaral, aalagaan ko si Tonton para sa iyo. Salamat, maraming maraming salamat sa pagsagip mo sa akin. Patawad at hindi kita nakayang sagipin."
Napaupo si Lian sa damuhan at nagpatuloy sa pag-iyak. Niyakap niya ng mahigpit ang journal ni Shot.
"Mahal na mahal kita."
BINABASA MO ANG
Hope in a Bottle (Completed)
SpiritualTwo worlds meet hoping to become one'; one engulfed in darkness and another full of joy and happiness. A story about living in times of death and loving in times of hopelessness.