Binigyan ng karate chop ni Lian si Shot sa noo. "Tumigil ka." Saway nito kay Shot.
"Aba, marunong ka ng magkarate-chop ha!" biro nito, at sabay natawa.
"Sana nilakasan mo Ate!" parang nanghihinayang si Tonton na hindi malakas ang tumama sa kuya niya, mukhang matagal ng nais gumanti ni Tonton.
Inabot sila ng maghahapon sa ilog. Nagyaya ng umuwi si Lian at parang napagod ito. Si Shot na at si Tonton ang nagligpit ng mga gamit nila, at nakaupo na lamang si Lian na parang hindi maganda ang pakiramdam. "Okay ka lang ba Ate?" napatingin si Shot at tumingin kay Lian, nag-aalala din siya sa kaibigan.
"Normal na sa akin ang mga ganitong pakiramdam.dumadating talaga ang puntong ganito. Sa totoo lang mas maayos pa ito, may puntong hindi talaga ako makatayo."
"Bakit, ate? May sakit ka ba?" Tumingin si Lian kay Shot, ang akala niya ay naikwento na ni Shot sa kapatid ang kalagayan niya.
Lumapit si Shot kay Tonton at kinausap ang kapatid. "Si Ate Lian medyo mahina ang katawan, kaya dapat aalagaan natin siya." Sabay kinusot nito ang buhok ng kapatid.
"Sige! Aalagaan kita Ate. Alam mo wala kaming kapatid na babae. Si kuya naman lagi lang akong inaasar. Pero ikaw gusto kita ate." Natuwa si Lian sa narining na iyon kay Tonton. Kahit paano ay naibsan ang sama ng kanyang pakiramdam sa sinabing iyon ni Tonton.
"Gusto mong alagaan? Simulan mo muna s pagtulong sa pagliligpit ng gamit natin." wika ni Shot sa kapatid.
Hinatid na nila Tonton at Shot si Lian sa bahay nila. Sa daan ay pansin nito ang bagal ng paglalakad ni Lian. Akmang bubuhatin ni Shot si Lian pero tumanggi ito. "Kaya ko!" kahit naman ganoon ang kalagayan niya ay ayaw niyang tinatrato siyang inutil. Makaraan ang ilang sandali ay narating na nila ang bahay nila Lian. Nadatnan nila doon ang Ina ni Lian at inihabilin na siya. Nagpasalamat na rin sila at tuluyang nagpaalam.
Bago pa man makalabas ng gate sila Shot ay hinabol sila ng ina ni Lian. "Maraming Salamat" bakas mo sa mga mata nito ang labis na pasasalamat.
"Hindi niyo ho kailangang magpasalamat. Masaya kami ng kapatid ko na kasama siya." Hinawakan ni Shot sa balikat ang ina ni Lian na nangingilid ang luha.
"Tama po yon! Aalagaan ko si Ate Lian" tila pinangatawanan na ni Tonton ang sinabi niya kanina. Matapos iyon ay umalis na sila.
Si Lian naman ay dumiretso na sa kwarto niya sa taas at inalalayan pa ng Ina. "Ayos ka lanag bang bata ka?' tanong ng kanyang Ina na puno ng pag-aalala.
"Oho naman ho, mua nang nagkasakit ako ay ito na ang pinakamasaya kong araw." Nangiti ang kanyang ina sa sinabing iyon ni Lian. Humiga si Lian sa kanyang kama at nagpahinga.
*Mukhang hindi ko na kailangang sumulat sa bote sa susunod kong kaarawan* Wika nito sa sarili. Pagkatapos noon ay impit siyang tumawa.
.......
"Ma! Nandito na kami ni Tonton." Tumakbo sa kusina si Tonton na parang alam na doon makikita ang kanyang Mama. Kapag wala naman talaga itong pasok sa opisina ay naglilibang ito sa kusina.
"Welcome home! How's your little picnic?" tanong ng kanilang Mama.
"Masaya, nakahuli ako ng isda si Kuya hindi' pagmamalaki nito sa kanyan Mama.
"Oo na, magaling ka na." Parang sumuko na si Shot sa kakulitan ng kapatid. "Akyat muna ako Ma! Napagod yata ako sa kakulitan ni Tonton."
Umakyat na si Shot sa itaas. Binuksan niya ang kabinet kung saan nakalagay ang bote at kinuha ang isang ledger. Dinukot niya sa kanyang bulsa ang piraso ng tali na ginamit sa pamingwit at idinikit iyon sa isang kulay blue na journal. Kasama doon ang token na ginamit nila sa gaming centre. Sinulatan niya iyon ng "Fishing Day". Matapos niyang maisulat ay ibinalik na iyon sa kabinet.
BINABASA MO ANG
Hope in a Bottle (Completed)
SpiritualTwo worlds meet hoping to become one'; one engulfed in darkness and another full of joy and happiness. A story about living in times of death and loving in times of hopelessness.