Chapter 3: The right to love and be loved

1K 29 1
                                    

Maagang nagising si Lian kinabukasan. Sabado ngayon pero parang bakit may kakaibang puwersa na humihila sa kanya na bumangon agad. Hindi naman siya ganoon dati, madalas kapag Sabado alam niyang maraming tao sa labas kaya't hihiga lamang siya sa kanyang kama buong araw. Paminsan minsan ay manonood siya ng tv kahit yung mga palabas na hindi niya naman karaniwang pinapanood, pampalipas lamang ng oras niya.

Nasa ibaba na ang kanyang mga magulang at gulat na gulat sa maaga niyang paggising, pero tila maaliwalas ang mukha ng mga ito. "Kamusta, hindi ka yata napanis sa kama mo ngayon?" biro ng ama niya na tila masaya sa napapansing pagbabago sa anak.

"Masakit sa katawan ang humiga ng matagal." Lumakad siya papunta sa mesa at umupo sa hapag-kainan. "Ma! Sana mamaya mag sinigang naman kayo." Nagulat ang ina sa sinabing iyon ni Lian, hindi naman kasi talagang nag-rerequest ito, para bang wala na talagang ganang kumain si Lian dati at kung ano na lamang ang nasa mesa ay kakainin.

"Oo naman!" Magiliw na sagot ng Ina niya, nagkatinginan pa ang mag-asawa at natuwa sa inaasal ng anak.

"Lumabas ka daw kagabi kasama yung bisita mo?" nag-aalinlangan pang itanong ng kanyang ama ang detalye sa kanyang paglabas. Pero sabik siyang malaman iyon, matagal na kasi matapos siyang lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan.

"Opo, kasama namin yung cute niyang kapatid" Masayang nagkwento si Lian tungkol sa nangyari kahapon, iniwasan na lamang niyang ikwento ang nangyaring komprontasyon sa pagitan ni Shot at ng mga kaibigan niya. Baka kasi mag-alala ang kanyang mga magulang kapag kinuwento pa niya iyon at hindi na siya payagang makalabas pang muli kasama si Shot.

"Lalabas ka ba uli ngayon?"

Sandaling nag-isip si Lian. Alam niyang maraming tao sa labas kapag Sabado at ang ideya na tinitingnan siya ng mga ito dahil sa kalagayan niya ay hindi niya talaga gusto. Pero bago pa siya makasagot ay may boses ng tumatawag sa labas.

"Lian! Lian! Yoohoo" Nasa labas na si Shot kasama na naman ang kapatid nito.

"Kuya, H'wag kang sumigaw. Bad manner yan." Binigyan niya ng karate chop ang kapatid sa noo at pumunta siya sa pintuan para kumatok. Kakamot kamot naman sa likod ang kapatid na parang nasaktan sa karate chop.

Hindi pa siya nakakakatok ay biglang bumukas ang pinto. "Ate!" Tinabig ni Tonton ang kuya niya at muntik na itong tumumba. "Gagala daw uli tayo, diyan sa may ilog. Mamimingwit tayo ng isda." Sabik na sabik si Tonton na ibalita kay Lian ang lahat.

Isang malakas na karate chop ang tinanggap ni Tonton mula sa Kuya niya. "Muntik na akong matumba sa lakas ng tabig mo, ang lakas ng loob mong sabihing bad manner ang pagsigaw."

"Aray ko! Nakakarami ka na ah! Huwag ka na nga lang sumama!" Akmang bibigyan uli siya ng karate chop ni Shot ng pinigilan siya ni Lian.

"Tigilan mo na nga ang kapatid mo, pati bata pinapatulan mo." Yumakap si Tonton kay Lian na parang nakakita ng kakampi

"Lagi niya na lang akong binibigyan ng karate chop niya, hindi naman siya marunong magkarate."

"Sandali magpapa-alam muna ako kila Mama at Papa" umalis siya sandali at nagpa-alam sa kaniyang mga magulang. Hindi naman nagdalawang isip ang mga magulang niya t pinayagan pa siya. Hinatid pa nga silang tatlo sa labas ng gate.

"Iho, maki-tingnan na lang ang anak ko ha" Paalala ng kanyang ama na hindi maiwasang hindi mag-alala dahil sa kalagayan nito.

"Oho! Huwag ho kayong mag-alala" Parang nahiya naman si Lian na kay Shot pa siya binilin ng ama.

"Si Papa naman, kaya ko naman ang sarili ko." Natuwa naman ang kanyang ama na muli niyang nakikita ang dating ugali ng anak bago pa ito magkasakit, animo'y nagsasabing may pag-asa pa sa kalagayan niya.

Hope in a Bottle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon