Chapter 5: Ang Buhay! Bow!

784 29 5
                                    

"Sabi ni galunggong, tumingin ka raw sa dinadaanan mo." Wika ni Lian. Natawa si Shot sa sinabi ni Lian, imposible naman kasi na seryosohin siya nito gayung ilang araw pa lang naman sila magkakilala.

"Mahal kita. Mahal kita noong una pa tayong nagkakita." Pabulong na wika ni Shot, na mukhang hindi naman narinig ni Lian, medyo kabado ito sa pagpapatakbo ng bisikleta ni Shot dahil matagal na rin bago siya nakasakay dito.

Maya-maya pa ay malayo na sila sa bahay nila Shot. "Saan tayo pupunta? Baka hanapin tayo ng Mama mo?" pag-aalala ni Lian. Ayaw naman ni Lian na isipin ng Mama nito na binabalewala nila ang pag-eestima nito sa kanya.

"Sandali lang tayo, at isa pa, maaga pa. Alas Onse pa lamang. Madalas nagtatanghalian kami ng alas dose."

Malayo pa ay kitang kita na ni Lian ang gate ng eskwelahan nila. May kung anong pagkasabik siyang naramdaman. Biglang nagbalik ang masasayang alaala niya sa loob ng paaralan kasama ang mga kaibigan niya. Pagpasok nila sa bukana ng gate ay agad binati si Shot ng gwardiya na parang kilalang kilala niya ito.

"Manong! Yung promise niyo sa akin" Tipong may panunumbat ang tono ng boses ni Shot.

"O heto na ang susi!" Napansin ni Lian na inabot ng guwardiya kay Shot ang dalawang susi.

"Manong! Pang yosi niyo." Muli ay nakita ni Lian na inabutan ni Shot ng 50 pesos ang gwardiya.

"Salamat! Bata." Nakangiting wika ng guwardiya.

Hinawakan ni Shot ang kamay niya at niyaya sa loob ng school. Kitang kita ni Lian na halos walang pinagbago ang loob ng paaralan. Pumuwesto pa siya sa ilalim ng isang puno na may bench.

"Dito kami madalas umupo ng mga kaibigan ko. Si Mimi medyo kulot yun na mahaba ang buhok, makulit at madaldal, Si Suzi, maikli ang buhok niya na parang sa akin tapos morena siya, Si Trina maputi siya, mahaba ang buhok na malakas tumawa." Maligayang maligaya si Lian sa kwento niyang iyon. Pinagmasdan lang siya ni Shot habang nagkukwento na para bang nabuhay muli ang dalagang kausap niya.

Hinila ni Shot si Lian patungo sa isang classroom at binuksan niya iyon. "Eto di ba ang dati mong room?" tanong ni Shot kay Lian. Hindi nakapagsalita si Lian, ni hindi niya yata narinig si Shot, para siyang nasa kawalan na nanariwa ang kanyang alaala. Umupo siya sa dati niyang upuan at tumulo ang luha niya sa nakita. Mga dedication iyon ng mga kaibigan niya na halatang miss na miss na siya.

"Miss ka na namin Lian! Sana magbalik ka na. Kaya mo yan-Mimi" sabi ng isang nakasulat

"Hanggang sa huli di ba? Pero kung kailangan mo ng space ibibigay namin sa iyo yan. Mahal ka namin-Suzi"

"Hihintayin namin ang pagbabalik mo. Hindi pa dito natatapos ang pagkakaibigan natin-Trina"

Halos humagulgol si Lian sa nabasa. Inakala niyang mababawasan ang sakit na mararamdaman ng mga kaibigan sakaling iwanan niya ang mga ito, ngunit lalo pala niyang nasaktan ang mga ito. Umiyak lang siya ng umiyak.

Ilang sandali pa ay kumalma na si Lian. Niyaya siya ni Shot palabas ng classroom. Sinigurado muna nilang nakasara na ang room at saka pumunta sa classroom ng 4th year. Binuksan ni Shot ang isa sa mga room doon.

"Aano tayo dito?" tanong ni Lian sa binata.

"Heto ang upuan ni Mimi, yung nasa bandang bintana ang kay Suzi at yung pangalawa sa dulo bandang kaliwa ang kay Trina. Heto rin ang ballpen, ikaw na ang bahala. Matagal na silang naghihintay"

Sa halip na kuhanin ni Lian ang ballpen ay napayakap siya kay Shot. "Salamat! Maraming Salamat!" sabay humagulgol ng iyak si Lian. Pinakalma siya ni Shot at sinamahan sa mga upuan kung saan nakaupo ang kanyang mga kaibigan. Nag-iwan siya ng simpleng mensahe sa mga ito.

Hope in a Bottle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon