Chapter 8: Exclusively Dating lang Pala.

765 25 2
                                    

"Maayos ka na ba?" Nagulat na lamang si Aling Mercedez ng makita ang anak na nasa baba na ng kanilang bahay. Kahapon kasi ay ni hindi ito makagalaw sa sama ng pakiramdam.

"Maayos-ayos na rin po. Pero hindi na tulad ng kahapon."Sandali itong natigilan. Sa gusto niyang sabihin. Kaya kasi siya bumaba talaga gn kwarto ay may nais siyang itanong sa kanyang Mama. "Ma! May gumalaw ba ng Diary ko? Kasi naalala ko nung isang araw nilagay ko iyon pabalik doon sa kabinet. Kanina magsusulat sana ako nakita ko nasa labas na." Pagtatakang sabi niya.

"Sino namang gagalaw ng diary mo? Ah baka yung kaibigan mo. Diba bumisita siya diyan kahapon? Baka naman nakatuwaan niyang galawin."

Kinabahan siya sa sinabi ng kanyang Ina. Kung si Shot nga kasi ang gumalaw sa kanyang diary ay baka nabasa niya ang mga nakalagay doon. Hindi pa naman maaring malaman ng binata na may gusto siya dito dahila wala naman talaga siyang balak magkaroon ng relasyon sa binata. Matagal pa ang ibubuhay ng binata samantala siya ay walang kasiguraduhan.

Naalala niyang may number nga pala siya ni Shot. Gusto niya sanang tanungin ang binata pero nahihiya naman siyang pagbintangan ito. Hindi niya rin alam kung kaya ba niyang magalit dito. At paano kung nabasa ba nito talaga ang laman ng diary? Nag-isip siya pansamantala at nagdesisyong huwag na lamang tanungin ang binata.

"Mag-ayos ka na, at may-maya ay babalik tayo sa doktor para kunin ang resulta." Paalala ng kanyang Ina.

"Oho, Hindi kaya si Tonton lang ang nakalikot ng diary ko?" Hindi niya talaga matanggal sa isip niya ang diary na iyon. Kung sakali na si Tonton nga ang nakagalaw ay mas makakahinga siya ng maluwag.

"Imposible, sandali lang yung kapatid niya sa loob, tapos kumain na dito sa baba."

Isang malalim na buntong hininga lamang ang naisukli niya, malamang nga sa hindi ay si Shot ang nakabasa noon at mataas din ang posibilidad na nabasa niya ang laman ng diary.

.........

Si Shot naman ay nasa school na. Sa totoo lang ay hinihintay niya ang text ni Lian, marahil sa mga oras na ito kung ayos na ang pakiramdam niya ay napansin niya nang may gumalaw sa diary niya. Alam niyang tatanungin siya nito at kapag nagkataon ay sasabihin niya ang nabasa niya na mahal rin siya nito.

Oras ng MAPE nila at napakaingan ng mga kaklase niya. Siya lamang ang parang tahimik at nasa kawalan ang pagiisip.

"IV-Rizal! Kung mag-iingay lamang kayo ay lumabas na kayo!" Natahimik ang buong kwarto nang makitang galit na ang kanilang prof.

Si Shot naman ay kinuha ang kanyang bag at lumabas.

"Hoy! Aano ka?" tanong ng kaklase niya dito.

"Mag-iingay kaya lalabas."Sagot ni Shot dito.

Napansin naman ng guro ang paglabas ni Shot. "Ayan! Madaling kausap, may susunod pa ba sa inyo?" Gusto sanang magsunuran ng iba ngunit natatakot sila na baka lalong magalit ang kanilang prof. Si Shot lang naman talaga ang may ganoong level ng pag-iisip at napakasimpleng kausapin.

*Dapat kasi kinuha ko na yung number niya ng ako na lamang ang magtext.* Sabi ni Shot sa sarili habang palabas ng room.

........

Sila Lian at Aling Mercedez naman ay nakarating na ng hospital. Gaya ng dati ay pinadiretso na sila ng sekretarya sa opisina ng doktor. Pagdating nila sa pintuan ay kumatok muna sila at hinintay na papasukin sila ni Dr. Roque. Binuksan ng doktor ang pinto at tila hindi na ito nagulat sa pagdating nila Lian.

"Mrs. Centeno, tuloy po kayo. Ang aga niyo ho yata ngayon compared nung mga nakaraan bisita niyo." Bati ng doktor sa kanila.

"Eh, mangyari po eh, baka sumama na naman ang pakiramdam ni Lian. Kahapon ho kasi ay hindi maganda ang pakiramdam niya. Kahit na sinabi niyong normal lang iyon sa kalagayan niya, mahirap pa rin para sa amin." Wika ni Aling Mercedez

Hope in a Bottle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon