Chapter 13: Hope

633 29 1
                                    

Maagang naka-schedule ang diagnosis ni Lian. Matapos kasi niyang ma-MRI noong nakaraan ay hindi pa rin malinaw sa doktor ang uri ng cancer na meron si Lian. Nagpalit na ng damit si Lian at naghanda sa gagawing diagnosis ng doktor. Maya-maya ay napansin ng doktor ang suot nitong kwintas na bigay ni Shot.

"Ija, hindi maaring magsuot ng kwintas kapag nagpe-perform tayo ng diagnosis. Delikado kasi at baka makasagabal." Bilin sa kanya ng doktor.

Hinawakan ng mahigpit ni Lian ang kwintas na suot niya. Iniisip kung tatangalin ba iyon o hindi.

"Hindi po ba talaga pwedeng isuot ko na lang?" tanong ni Lian animoy humihingi ng pabor na kung maari ayisuot na lamang ang kwintas.

"Diagnosis lang naman to Ija, kukuha lang tayo ng maliit na sample ng cancer tissue para madistinguish natin kung anong klase ng cancer cell meron ka. Madalas ginagawa ang procedure na ito kapag hindi natukoy sa MRI ang uri ng cancer cell. Hindi mo pa naman kailangan ng pampalakas loob." Sabay ngiti sa kanya ni Doktor Hernaez para na rin mapakalma ang dalaga.

Tinanggal na nga ni Lian ang kwintas at binigay iyon sa isang nurse. Maya-maya pa ay binigyan siya ng mababang dosage ng pampatulog at sinimulan na ng doktor ang pagkuha ng sample tissue sa pamamagitan ng pagpapadaan ng isang maliit na aparato sa ilong ni Lian.

Hindi naman nagtagal ang procedure na iyon. Nagising na lamang si Lian na nasa labas na ng operating room at binabantayan ng kanyang Ina at ng kanyang Ama. Nandoon na rin si Shot na tapos ng mag-enroll sa kanyang papasukang school.

"Kamusta ka?" tanong sa kanya ni Shot

"Medyo nahihilo. Ano daw pong sabi ng doktor?" sabay baling nito sa Ina

"Hindi pa malinaw. Kailangan pa raw ng mga ilang araw para masuri ng mabuti. Marami silang sinasabi pero hindi ko rin maintindihan, Ang mga doktor talaga, kapag nagsasalita feeling nila doktor din ang kausap nila." Reklamo ni Aling Mercedez.

Maya-maya pa ay biglang dumating ang Ninong ni Shot at kinausap sila.

"Aling Mercedez, mga three days daw po malalaman kung ano ang susunod na gagawin nila. Bakit hindi niyo raw ba kasi pinaopera yung tumor noon pa at nag-give up na kayo noong hindi na nagresponse sa chemo ang cancer cell, marami pang pwedeng subukan bukod sa chemo." Sermon nito sa mga magulang.

"Kasi po noon isang treatment lang po ang pinresent sa amin ni Dr. Roque. Wala naman din po kaming alam. Noong sinabi niya po sa amin na hindi na nagrerespond sa treatment ang mga cancer cell, wala na po kaming nagawa. Isa pa ho, naubos na ho lahat ng ipon namin noon, sinabi ho sa amin noon na kung ipapatuloy pa ang paggagamot ay wala namang kasiguraduhang gagaling si Lian." Kwento nito.

"At isa pa, parang tinanggap na rin ni Lian na wala ng pag-asa. Sabi niya sa amin kung wala naman talagang kasiguraduhang gagaling siya, bakit pa niya uubusin ang oras niya na nahihirapan pa siya sa gamutan." Kwento naman ng ama ni Lian

"Pero nahihirapan ka rin naman kahit na hindi a nagpapagamot." Pagtataka naman ni Shot

"At least ako na lang ang nahihirapan. Sila Mama hindi na naiisip kung saan kukuhanin yung ipagpapagamot ko."

Tumulo ang luha ni Aling Mercedez sa narinig sa Ina. Alam niyang nahahalata rin ng anak na nahihirapan silang tustusan ang gamutan ni Lian pero ang marinig ito mismo sa anak ay masakit talaga.

"Anak, kahit milyon milyon pa ang maging utang namin, kahit na asin na lamang ang kakainin namin. Basta gumaling ka kahit ano kaya naming isakripisyo. At sa tingin mo ba ikaw lang ang nasasaktan kapag nahihirapan ka? Doble ang nararamdaman namin ng ama mo kapag bigla ka na lamang nangingisaay, nahihilo, nahihimatay. Pakiramdam namin kahit anong oras pwede kang kunin sa amin."

Hope in a Bottle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon