Chapter 11: Pain Killers

667 29 4
                                    

*Tok-Tok-Tok*

Binaba ni Maggie ang batang si Snappy sa kuna bago buksan ang pinto. Tuloy pa rin ang pagkatok ng nasa harap ng pintuan.

"Sandali, nandyan na."

Binuksan niya ang pintuan at nakita niya si Shot at Lian.

"Pasok, kanina pa namin kayo hinihintay." Lumapit si Shot sa kanyang Tita Maggie at humalik, bumati rin si Lian, ngunit parang nahihiya siya. Nilapitan siya ng Tita Maggie ni Shot at hinalikan.

"Good Evening po, pasensya na po at medyo ginabi kami ng dating." Paumanhin ni Lian kay tita Maggie

Si Shot naman ay nagdire-diretso na sa loob patungo sa kuna ng kapatid na si Snappy. Kinuha niya ang kapatid mula sa kuna at kinarga, pinangigilan at pinupog ng halik. Halata mong hindi sila ganoong kadalas nagkikita ng kanyang batang kapatid at ganoon na lamang ang pagkasabik ni Shot na makita ito. Lumapit si Lian kay Shot, kahit paano ay naiilang pa rin siya.

Maya-maya pa ay nakita nilang bumababa mula sa hagdanan ang Papa ni Shot.

"Good Evening po." Masayang bati sa kanya ni Lian

"Good evening din Ija" ganti naman nito. Bumaling ito sa asawang si Maggie "Hon, nakahain na ba? Nagugutom na ako."

"Sige, punta na kayo sa mesa at naka-prepare na ang hapunan."

Patuloy pa rin sa pangigigil si Shot sa kapatid habang papunta sa mesa. Hinatak niya ang isang highchair papalapit sa mesa at inilagay doon ang kapatid.

"Kakain din si Snappy!" Ipinwesto niya ang upuan malapit sa kanyang upuan sabay hinalikan ang kapatid bago umupo sa kanyang upuan. "Pa, sa amin muna si Snappy!" biro ni Shot sa kanyang ama ngunit merong katotohanan sa salitang iyon, gusto sana niyang nagkakasama silang tatlong magkakapatid kahit paminsan-minsan lamang.

"Hindi pwede! Bukod sa clingy yan kay Tita Maggie mo, e maliit pa yang kapatid mo!" tanggi ng kanyang ama. "Saka na kapag malaki-laki na ang kapatid mo."

Inabot ni Shot mula sa kanyang ama ang lalagyan ng kanin para sumandok, matapos noon ay ipinasa niya kay Lian ang lalagyan. Halos tatlong kutsara lang yata ang kinuha ni Lian na napansin ng ama ni Shot.

"Ija, wala ka bang gana?" tanong nito. "Kailangan sa mga may sakit na gaya mo ang nutrients para tulungan ka sa treatment." Dagdag pa nito.

"Tumigil na po ako sa treatment, nag stop na po kasing magrespond ang mga cancer cell." Paliwanag ni Lian

"Sinubukan niyo na ba ang ibang treatment? Alam mo sa mga may sakit na gaya mo, h'wag kang mawawalan ng pag-asa hanggat hindi nasusubukan ang lahat ng posibleng gamutan." Wika ni Tita Maggie

"May kilala akong group ng NGO sa Manila na tumutulong sa mga gaya mo, susubukan kitang i-refer. Kung saka-sakali ay sabay na kayong lumuwas ni Shot at doon niya yata balak mag-aral." Wika ng papa ni Shot

"Po? Baka masayang lang ang oras nila sa akin." Sagot ni Lian na baka mapunta lamang sa wala ang gagawin nilang iyon.

"Akala ko ba, sinabi mo na sa akin na gusto mong mabuhay?" paalala sa kanya ni Shot "Saka kumain ka, sinabi ko ang sakit mo kay Tita Maggie and alam naman niya ang mga ihahanda niya, lean meat naman iyan saka walang sugar." Segunda pa ni Shot

"Salamat po!" Hinawakan ni Lian ang kamay ni Shot na nasa kanyang tabi. Medyo nangilid ang luha nito at parang hindi makapaniwala na hindi naman pala talaga sila magkakahiwalay ng binata. "Salamat." Pabulong na wika niya sa binata.

Nagpatuloy silang kumain habang nagku-kwentuhan ng mga bagay-bagay. Hanggang madako iyon sa walang label na relationship nila Shot at Lian.

"Kayong bang dalawa eh magka-ano ano? " Tanong ng ama ni Shot

Hope in a Bottle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon