Chapter 14: Love

596 26 5
                                    

Ramdam na ramdam ni Lian ang kabog ng dibdib ni Shot, ngunit hindi dahil sa kung ano pa man, ang mukha nito ay punong puno ng takot at pangamba na hindi maikubli sa harapan ng dalaga.

"Huwag kang ganyan." Sabay hampas ni Lian kay Shot. "Kailangan ko ngayon ang lakas mo, h'wag kang panghinaan. Maniwala tayo na lalabas ako ng operating room na iyan na walang mangyayaring masama sa akin." Sabay banayad na niyakap ang binata.

Sinuring mabuti ni Lian ang mukha ni Shot, matapos iyon ay lumapit naman sa kanyang Ina, niyakap ito, hinalikan at tiningnan din ng mabuti ang mukha nito.

"Hindi ba makakaabot si Papa? Gusto ko siyang makita." Hindi mapakaling sabi ni Lian

"Bakit ba, baka mamayang gabi pa siya makakarating. Nandito naman kami ni Shot at pati ang Ninong Mar niya, hindi ka namin papabayaan." Paninigurado nito sa anak.

"Hindi iyon, gusto ko siyang makita, baka mawala ang paningin ko kapag lumabas na ako ng operating room, gusto kong masa-ulo lahat ng kulubot niyo sa mukha, mga nunal pati ang posisyon ng mga puting buhok niyo. Ayaw kong makalimutan ang mga mukha niyo." Takot na sabi nito.

Binigyan siya ng mahinang karate chop ni Shot sa may bandang braso, at nginitian.

"Hindi mo kami makakalimutan. At isa pa, sabi mo sa akin lalabas ka ng operating room ng walang mangyayaring masama sa iyo, kapag hindi ganon ang nangyari, lagot ka sa akin." Biro ni Shot pero sapat na iyon para mapakalma ang kanyang kalooban.

Sadyang napakagaan ng kanyang pakiramdam sa tuwing palalakasin ni Shot ang loob niya. May kung anong kapangyarihan ang mga salitang iyon na kaya siyang papaniwalain na para bang posibleng mangyari ang kahit anong bagay.

Ilang sandali pa ay pinasok na si Lian sa loob ng operating room. Hindi na pinayagang sumunod sa loob ang sinuman. Ayaw namang maghintay na lamang ni Aling Mercedez sa labas kaya't nagpaalam siya kay Shot na siya na muna ang bahalang maghintay at siya naman ay pupunta ng chapel ng ospital at magnonobena.

Halos 4 na oras nagtagal ang operasyon, bago lumabas si Dr. Hernaez.

"Nasaan si Misis?" tanong nito kay Joemar at kay Shot

"Succesful po ba ang operation, Si Lian po magiging okay na po ba?" sunod sunod na tanong nito sa doktor, ni hindi man naisip na sagutin ni Shot ang Doktor kung nasaan si Aling Mercedez.

"Successful ang operation. Medyo mapapansin niyo lamang na may pamamaga sa kanyang mga mata, normal lang iyon. Kailangan niyang manatili ng ilang araw sa loob ng ICU habang binabantayan ng staff ng hospital. Nasaan na nga ba kasi si Misis?" Muling tanong ng doktor

Nakahinga ng maluwag si Shot ng marinig na succesful ang operasyon kay Lian. Pakiramdam niya ay kanina pa niya hindi maitapak ang kanyang mga paa sa lupa sa sobrang pagkabalisa.

Tila walang makukuhang sagot ang doktor mula kay Shot kaya kay Joemar ito bumaling. "Nasaan na si Misis?" tanong nito

"Sandali lang ho at ako na ang tatawag. Pagpasensyahan niyo na ho iyan at kanina pa kabadong kabado."

"Nainintindihan ko naman iyon." Sabay nangiti ito ng makita ang walang pagsidlan na saya ni Shot.

Maya-maya pa ay humahangos na tumatakbo si Aling Mercedez na hindi rin maitago ang kasiyahan.

"Totoo po ba na successful ang operasyon?" nauna na itong magtanong sa doktor at hindi na ito makapaghintay

"Opo, pero naroon pa rin ang cancer cell, ang full recovery niya ay magtatagal pa. Kung magrerespond ang cancer cell sa radiotherapy mabuti. Pero sa ngayon, kailangan pa rin na i-check siya ng madalas. Kailangan din natin siyang bigyan ng anticonvulsant medication, para ma prevent narin natin ang seizures." Kwento nito kay Aling Mercedez, na hawak hanwak pa rin sa dalawang kamay ang gamit na rosaryo.

Hope in a Bottle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon