Chapter 10: Graduation Day

663 28 13
                                    

"Wala pa ba si Lian?" Malapit nang magsimula ang martsa ng mga magsisipagtapos ngunit wala pa rin si Lian. Pinangako kasi nit okay Shot na darating siya sa araw ng pagtatapos pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito.

"Ano bayan, kanina pa tayo nakatayo dito. Hindi pa ba magsisimula?" reklamo ni Tonton na wala naman talagang mauupuan. Kung uupo naman siya sa semento ay madudumihan lang ang suot niya. Ayaw naman niyang mangyari 'yon.

Dinukot ni Shot ang phone niya sa kanyang bulsa at tinext si Lian.

*Nasaan ka na ba?*

Napansin naman ng Papa niya ang ginagawa ni Shot. "Bakit ba parang kabado ka? I-silent mo mamaya yan kapag nasa graduation ceremony na at baka dun pa mag-ingay ang phone mo." Biin ng kanyang Papa.

Maya-maya pa sa may kalayuan ay napansin niya ang isang dalaga na naka kulay yellow na dress. Litaw na litaw ang kanyang suot sa madilim na gabing iyon. Alam ni Shot na si Lian ang dalagang parating na iyon. Sa bawat hakbang nitong palapit sa kanila ay bumibilis ang tibok ng puso ni Shot.

Nang lumapit si Lian sa kanila ay hindi nakapagsalita ng matagal si Shot. Nginitian siya ni Lian.

"Ano? May problema ba?" tanong ni Lian kay Shot dahil naasiwa na siya sa tingin nito. Kinilig si Shot sa ngiting iyon ni Lian. Napakaganda talaga ng dalaga. Sinuklian niya ng ngiti ang dalaga.

"Late ka. Kanina pa kami naghihintay ni Papa." Biro ni Shot. Na hindi na lang magawang purihin ang dalaga dahil baka mahiya ito sa ibang taong nandoon.

"Waw, ate! Ang ganda mo sa dress mo. Maka-Pnoy ka?" bulalas ni Tonton, sabay nakatanggap ito ng karate chop kay Shot.

"Pa! Si Lian, Lian Papa ko." Pinakilala nito si Lian sa ama.

"You're such a sight for a sore-eye, Ija." Bati nito sa dalaga. Bumaling naman ang ama sa kanyang anak at tinanong. "Hindi mo naman naikwento na ang ganda pala ng girlfriend mo." Tukso nito sa anak.

"Wish lang ni kuya. Si kuya lang ang may alam na girlfriend niya si Ate Lian. Alam niyo Papa one time sinabihan ako ni kuya ni girlfriend niya na raw si Ate Lian pero hindi naman pala. Nabasted siya." Sabay tawa ng malakas ni Tonton. Isang malakas din na Karate chop sa noo ang tinanggap ni Tonton sa sinabi niyang iyon.

"Aray!!! Eh totoo naman ah!" Bibigyan pa sana ng isang malakas na karate chop si Tonton ngunit pinigilan na siya ni Lian.

"Tama na. Pati naman bata pinapatulan." Saway nito sa binata.

"Bata? Hindi bata yan! Tiyanak yan." Inis na wika ni Shot. Sabay dinilaan siya ni Tonton.

"Hoy kayong dalawa ha. Ang daming tao dito pa kayo nag-aaway." Saway sa kanila ng kanilang Ama. Maya-maya pa ay lumapit na ang Mama ni Shot pati na rin ang bagong asawa ng kanilang Papa bitbit bitbit ang isang sanggol.

"Nag-aaway na naman ba kayong dalawa?" tanong nito sa dalawang anak. Hindi na lang sumagot si Shot sa halip ay pinakilala si Lian sa kasama ng kanyang Mama.

"Lian si Tita Maggie, Tita Maggie si Lian." Binitbit ni Shot ang maliit na batang akay ng kanyang Tita Maggie. "At ang batang ito ay si Snappy. H'wag kang gagaya kay Kuya Tontong makulit."

Napansin naman ni Tonton na pinaparinggan siya ng kuya kaya sumagot din siya. "Huwag kang gagaya kay Kuya, ilusyunado."

Kinuha naman ng kanyang Tita Maggie si Snappy. "Malulukot ang damit ni Kuya."

Maya-maya pa habang nag-uusap sila ay tinawag na ang mga estudyante para sa kanilang pagmartsa. "Manyari lang pong magsipila na sa kani-kanilang pwesto ang mga magsisipagtapos. Ang mga bisita po ay maari na rin pong pumasok." Wika ng isang may edad na babae.

Hope in a Bottle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon