"Pwede bang huwag ko munang sagutin ang tanong na iyan?" Gustong gusto ni Lian na sabihin na OO, mahal din kita pero ayaw niyang ikulong ang binata sa relasyong walang kasiguraduhan.
"Hindi naman din kita pinipilit kung hindi ka pa handa. Pero sana bago ka mawala sa akin, maranasan ko man lang tawagin kang akin." Naglakad siya patungo sa bisikleta at pinunansan ang upuan noon. Hindi niya matanggap na ayaw tanggapin ni Lian ang pag-ibig niya. Humina na lamang siya ng malalim at inisip na baka hindi pa ito ang oras.
"Tara! Sakay na." Nakangiting tawag ni Shot, na pinilit na ngumiti. Kahit naman kasi parang nabasted siya ay maganda parin ang nangyari ngayon.
Lumapit si Lian kay Shot na nakasakay na sa bike. Sasakay sana siya sa likod, pero sinenyasan na siya ni Shot na sa harapan sumakay. Maya-maya pa ay sinimula ng paandarin ni Shot ang bisikleta.
Makalipas ang ilang sandali ay narating nila ang bahay ni Lian. Papasok na sana si Lian ng tawagin siya ni Shot.
"Sandali!" tawag sa kanya ni Shot na parang may importanteng bagay na sasabihin.
Lumapit si Lian kay Shot. Ayaw na rin naman niya na nagsisisigaw ito. Kahit bagong gabi pa lang naman ay nakakahiya na sa kapitbahay. "Huwag kang sumigaw. Ano ba 'yon?
"Pahiram ng phone mo."
Agad namang pinahiram ni Lian ang phone niya sa pag-aakala na kailangan ni Shot na magtext ng importanteng bagay. Pero hindi pa nakaraan ang isang minuto ay agad niya itong binalik kay Lian.
"Ayan! Nandyan na ang number ko. Bahala ka na kung itetext mo ako. Ako hindi kita matetext kasi wala akong number mo." Sabay nagpaalam agad kay Lian at pinatakbo papalayo ang bisikleta. Hindi na nagawang sumagot ni Lian sa sinabing iyon ni Shot pero nangiti siya.
Pumasok sa loob ng bahay si Lian, ngunit sa halip na batiin ang kanyang mga magulang na naghihintay ay patakbo nitong tinungo ang kanyang kwarto. Hindi niya maintindihan kung bakit napakabilis ng tibok ng puso niya. Maikli lang naman ang tinakbo niya at umangkas lang naman siya sa bisikleta. Humiga siya sa kama at parang bulateng nilagyan ng asin siyang nagpapasag sa kanyang higaan. Kinagat pa niya ang kanyang unan at impit na sumigaw. Narinig yata ng kanyang ina ang gulo sa kanyang kwarto kaya't kinatok siya nito.
"Lian! Ano bang nangyayari diyan? Ayos ka lang ba?"
Napaupong bigla si Lian sa kanyang kama na parang nabuhusan ng malamig na tubig. "Opo, ayos lang po ako." Inayos nito ang sarili sa takot na baka pumasok bigla ang kanyang Ina at makita kung gaano kagulo ang buhok nito.
"O eh..bumaba ka na at maghahain na." Matapos noon ay narinig na ni Lian na palayo nang naglakad ang ina at bumaba sa hagdanan. Tumayo naman siya ti kinuha ang diary niya sa kanyang kabinet at nagsulat.
DIARY! (INTENSE)
Palagi niya na lamang akong sinosorpresa. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at ako pa ang nakita niya. Dinala niya sa tabing ilog ang tatlo kong kaibigan na matagal ko nang hindi nakikita. Sa totoo lamang sa kalagayan ko ngayon ay mas masuwerte pa ako sa ibang wala namang sakit. Ako kahit ganito, alam ko sa ngayon na mahalaga ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mararanasan ang ganitong kasiyahan. Pero, hindi naman siguro masamang humiling ang isang gaya ko na patapos na ang buhay.
Sinabi niyang mahal niya ako. Alam mo ba kung gaano ko gustong sagutin pabalik ang mga sinabi niyang iyon. Gustong gusto ko siyang yakapin at sabihing mahal ko rin siya, pero hindi pwede. Masasaktan lang siya. Pero kung sa kabilang buhay at makikita ko pa rin siya at sasabihin niyang mahal pa rin niya ako. Hindi ko na palalampasin ang pagkakataon.
Sana totoo ang milagro at muli ko siyang makita.
Lian.
Pagkatapos niyang isulat ang pangalan niya ay isinara niya ang kanyang diary at niyakap niya iyon.
BINABASA MO ANG
Hope in a Bottle (Completed)
SpiritualTwo worlds meet hoping to become one'; one engulfed in darkness and another full of joy and happiness. A story about living in times of death and loving in times of hopelessness.