Sinara ni Shot ang cabinet at dumiretso ng shower para narin malinis ng patuluyan ang sarili. Hinubad niya ang uniporme na puno pa rin ng putik at naligo. Habang naliligo siya ay inisip niya ang mukha ng dalaga habang tumatawa. Napangiti siya at naisip na hindi naman pala totally hopeless ang dalaga.
Matapos magshower ay nagbihis siya, kinuha ang kanyang phone at nagpatugtog ng music. Kung papansinin ang mga nakalagay sa playlist niya ay wala siyang personal preference pagdating sa paborito niyang music. Kahit ano na lang ay nakalagay doon. Siguro basta gusto niya ang music, pakikinggan niya.
Bumaba siya at binuksan ang ref. Kumuha siya ng isang drink na nasa tetra pack at potato chips na nasa drawer. Dumiretso siya sa tirasa at umupo sa isang bakal na upuan. Lumapit naman ang aso at pumuwesto sa tabi niya.
Sumandal siya at itinaas ang kanyang paa habang nakikinig sa music. Binuksan niya ang potato chips at nilagyan ng straw ang juice na nasa tetra pack. Tumapon pa ang juice sa damit niya na pinunasan niya lamang ng kanyang kamay.
Maya-maya pa habang nakikinig siya ng music ay bumukas ang gate nila. Dumating ang kanyang nakababatang kapatid. May katabaan ito at bilog na bilog ang mata. Tumayo ito sa harap niya at tinitigan siya ng masama. "Kinain mo na yung potato chips mo kahapon. Akin na yan bakit kinakain mo pa rin?" Nakasimangot na sabi ng kapatid na parang iiyak na.
"Tinikman lang! Para pagdating mo nakabukas na, hindi ka na magbubukas." Palusot nito.
Umupo ang kapatid nito sa tabi niya at sinimulang kainin ang potato chips. Paminsan minsan ay kumukuha si Shot ng potato chips habang nililibang ang kapatid sa kwento. "Kuya! Hinahanap ka sa akin knina sa school. Hindi ka na naman ba pumasok?" usisa nito.
"Hindi ka na nasanay, yung gwapo ng kuya mo, marami talagang maghahanap. At teka nga, hindi porket hinahanap ako sa school hindi na ako pumasok. Madalas lang talaga ako ma-miss ng kung sino-sino." Paliwanag niya.
"Anong meryenda natin?" tanong nito sa kuya. Siya na kasi ang nag-aayos ng meryenda ng kapatid dahil gabi ng umuuwi ang nanay nila galing sa opisina.
"Kumakain ka na, naghahanap ka pa ng meryenda. Umakyat ka nga doon sa taas at magpalit ka ng damit. Amoy pawis ka. Nakipaglaro ka na naman bago ka umuwi ha!" wika ni Shot na parang tinatakot ang kapatid para h'wag ng maalala ang meryenda.
"Sabi ni Mama, iprepare mo raw ako ng meryenda. Kailangan daw kapag umuwi ako may meryenda." Reklamo pa rin nito kay Shot.
"Iyan na nga, anong tawag mo sa kinakain mo ngayon?" tanong nito sa makulit na kapatid.
"Panghimagas!" sagot naman ng kapatid.
"Tonton, umakyat ka ha baka masipa lang kita. Sige mangulit ka, iiwan kita dito baka multuhin ka" takot nito sa kapatid.
Hindi na nga nangulit si Tonton at umakyat na sa itaas. Maya-maya pa ay sinundan si Tonton ng kuya niya sa itaas. "Gusto mong magmeryenda diba?" panunukso nito sa kapatid.
"Oo naman. Bakit meron ba?" tanong ng kapatid na tila naniniguradong hindi siya niloloko ng kapatid.
"OO naman, tatanungin ba kita kung wala. Meron doon sa may kabilang kanto. Punta tayo." Niyaya nito ang kapatid na magmeryenda sa kabilang kanto.
Habang naglalakad ay nagreklamo na sa layo si Tonton. "Ang layo ha! Pagdating doon gutom na ako tapos pag-umuwi tayo gutom na ulit" Binigyan siya ng mahinang karate chop ni Shot sa may noo.
"H'wag kang masyadong malakas kumain, ayaw ng girls sa mga matataba." Biro nito sa kapatid niya.
"Weh! Crush kaya ako ng mga classmate ko" matapang na sagot niya na punong puno ng kumpiyansa at bilib sa sarili.
BINABASA MO ANG
Hope in a Bottle (Completed)
SpiritualTwo worlds meet hoping to become one'; one engulfed in darkness and another full of joy and happiness. A story about living in times of death and loving in times of hopelessness.