C H A P T E R 2
NABALIK ako sa realidad nang magsalita si Boss na ngayon ay mariin ang tingin sa akin.
Nasa loob na kami ng kwarto nito. Ang likuran ko ay nakasandal sa pintuan. Si Mikhael naman ay nasa harapan ko, nakapamulsa.
Bakit kami nandito sa kwarto niya?
Pwede naman sa ibaba kami mag-usap! O di kaya sa labas ng kwarto niya? Bakit kailangan sa loob pa talaga?
"Bakit kinakausap mo siya?" He asked.
Napaatras ako nang marinig ang nakakatakot nitong boses. Hindi ko siya magawang tingnan kaya tumingin na lang ako sa ibaba at kinagat ang ibabang labi ko.
Nang hindi ako sumagot. Marahas niyang hinawakan ang baba ko at pilit na tiningnan siya sa mata. It was filled in anger and his eyes are too dark.
Umigting ang panga nito. Nabalot ako ng kaba dahil sa nakikita kong inis sa kanyang mukha at baka saktan niya pa ako.
Ipinikit ko ang mata ko.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa baba ko. "How many times do I fucking tell you to look at me while I'm talking to you! Damn it, Nathalia!" aniya sa malakas na boses.
Ayoko. Ayoko! Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Natatakot na tingnan siya.
Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga "Just look at me woman. I want to see those tantalizing eyes," mahinahon niyang sabi.
Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko na ba talaga ang paningin ko. Pero sa huli ay idinilat ko ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang kalmado nitong hitsura. Hindi katulad kanina na magkasalubong ang kilay niya at matalim ang titig.
Hinilot niya ang sentido niya at pinagkatitigan ako.
Ang ganda talaga ng mga mata nito. Nakakamanghang tingnan. Natulala na naman ako. Wala akong naintindihan sa sinasabi niya.
"Right, Nathalia?"
Nabalik ako sa realidad at hindi ko namalayang kanina pa pala ako kinakausap ni Boss Mikhael. Kinurap-kurap ko ang aking mata.
Napalunok ako. Hindi alam ang sasabihin. Wala naman kasi akong naintindihan sa sinabi niya.
He let out a deep sighed. "Pipi ka ba? Kanina pa kita kinakausap hindi ka naman sumasagot," Salubong ang kilay niya habang nagsasalita.
"H-Huh?" Iyon lang ang tanging naisagot ko dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang sasabihin ko.
Mas lalong tumalim ang titig niya sa akin. Naibaba ko ang tingin.Kapag kaharap ko talaga siya ng malapitan nagiging mahina ako. Pero kapag nakatalikod siya at malayo sa akin, nakakaya ko siyang sumbatan patalikod.
"Leave before I do something to you. Go!" Napaigtad ako sa biglaan nitong sigaw. Mabilis akong umalis sa kwarto niya at padabog na isinarado ang pinto.
Saka umamba ng suntok.Pwede naman ako sabihan na umalis na hindi kailangan pasigaw! Gago talaga 'tong amo ko.
Bumaba na ako para masimulan na ang paglilinis sa pool. Nakita ko si Manang Frias sa kusina na parang nahihirapang akyatin ang cabinet at may kinukuha rito na hindi niya maabot.
Nilapitan ko siya para matulungan.
"Manang Frias, ako na po dyan," Lumingon sa akin siya sa akin at ngumiti.
"Pakikuha naman ng mga bagong plato at mga baso para sa mga bisita ni Boss Mikhael. Gagamitin iyon para sa mga bisita niya na dadating bukas,"
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Mikhael: The Jerk Boss (Burning Touch Series 1) ✔
FanfictionNathalia Gail DeJose lost her virginity at the age of nineteen, and the man who took her first experienced is her boss none other than Mikhael Gabrielo Huston. Sabi nga ng iba na mapaglaro ang tadhana, at silang dalawa ay napasama. Paano kung ang ki...