C H A P T E R 6
MALALIM akong napabuga ng buntong hininga habang tinitingnan ang sarili kong repleksyon sa salamin. I'm wearing a white blouse, denim jeans and a pair of black converse.
Okay na 'to! Hindi naman ako pupunta ng fashion show para magbihis ng bonggang-bongga at saka hindi naman kasi sinabi ni Mikhael kung ano dapat ang susuotin ko. Basta yung nakita ko lang na maganda sa cabinet ko 'yon na lang ang sinuot ko.
Inilugay ko ang mala-tsokolate kong buhok. Kumakanta-kanta pa ako para hindi ako mayamot.
Even if the freesias haven't bloomed yet
your scent still remains with me
when we meet again on a bright day
I'll gift you those flowersKinakanta namin ng boy bestfriend ko itong 'Freesia' at kapag malungkot ako binibigyan niya ako ng bulaklak para hindi na raw ako malungkot. Naalala ko siya kapag kinakanta 'to.
Siya lang naman ang boy bestfriend ko eh.
Oh freesia, oh freesia
Oh give me freesias
You said you'd give them to me
remember?
those flowers aren't just pretty flowers
to me their precious yellow flowers
of that summer that linger in your mindHindi ko na alam kung nasaan na siya.
MikMik.
Sampung taon na ang nakakalipas nang huli kaming nagkita at hindi ko man lang nagawang magpaalam sa kanya.
Alam kong galit siya sakin at hindi ko naman siya masisisi.
Umalis ako ng biglaan.
"Hoy! Manahimik nga kayo! Feel at home kayo ah? Mga ugok talaga!" nakarinig ako nang sigawan sa labas kaya mabilis kong tinapos ang pagsusuklay sa buhok ko.
"Aba! Bakit? Baka nakakalimutan mong ako ang gumawa ng designs, angles and furnitures ng bahay mo, Mikhael?"
"Tama ka diyan! Khalie! At saka tumulong din ako sa pagbubuhat, pagpipintura ng bahay mo! Hustisya naman oh!"
"Punyeta naman! Manahimik nga kayo! Maiingayan siya sa inyo," rinig kong sabi ni Mikhael.
Halata rito ang pagkainis base sa tono ng pananalita niya. Hindi ko alam pero gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ko.
Ang kulit nila...
"S-Siya?"
"Sinong siya?"
"Pakita mo na sa amin!"
"Huwag mong sabihing babae na naman yan ah,"
Sunod-sunod na sabi ng mga lalaki na ikinakaba ko ng todo. Bakit parang nangbabanta sila? Babae ako, hoy! Baka kung anong gawin nila sa akin! Lalo na yung panghuling nagsabi nito.
Naglakad ako sa pintuan at binuksan ito ng ahan-dahan. Marahan akong sumilip sa sala. Malapit lang ang Maid's Quarter sa kusina at sala kaya madali lang masilip kung sino ang mga bisita niya na nasa sala.
Ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata ko nang makita ko ang mga naggagandahang lalaki at parang mga anghel na inihulog ni Papa Lord sa kalangitan dahil sa taglay nilang kagwapuhan.
Okay. Hawak garter, Nathalia. Baka mamaya bigla madulas iyan!
Pitong lalaki. Pitong lalaki na makalaglag panty. Bakit ang gwapo nila?
"Oo. Babae siya, but she's nothing from me. Katulong lang naman siya rito," ani Mikhael.
Bumigat bigla ang pakiramdam ko dahil sa narinig.
BINABASA MO ANG
Mikhael: The Jerk Boss (Burning Touch Series 1) ✔
FanfictionNathalia Gail DeJose lost her virginity at the age of nineteen, and the man who took her first experienced is her boss none other than Mikhael Gabrielo Huston. Sabi nga ng iba na mapaglaro ang tadhana, at silang dalawa ay napasama. Paano kung ang ki...