C H A P T E R 22
NAGISING ako nang nakikita ko ang puting liwanag na nakakasilaw. Nasa langit na ba ako? Sobrang liwanag ng nakikita ko. Inilibot ko ang paningin ko.
"Thank God! You're awake!" sabi ng isang pamilyar na boses. Pilit kong ginalaw paitaas ang katawan ko at mabuti na lang inalalayan akong umupo. Naitaas ko ang tingin ko at nakita ko ang lalaking mahal ko.
"M-mikhael?" hinalikan lang ako nito sa noo.
"Hintayin na lang natin ang resulta sabi ng Doctor. Sa ngayon magpahinga ka muna...Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sayo..."
Napangiti ako sa sinabi nito. Sinakop ko ang buong mukha nito at tinitigan siya.
"Hinding-hindi ako mawawala okay? Saka look oh? I'm fine and I'm always fine. Huwag ka ngang magdrama diyan! Hindi bagay sayo!" sambit ko. Nakita ko naman na tumawa siya na nagpasikdo ng bilis sa puso ko.
Nabaling ang atensyon namin sa pintuan at nakitang doctor at may dalawang nurse itong kasama. Umayos kami ng upo at tumabi sa akin si Mikhael habang hinahagod ang likuran ko. Ang isang kamay naman nito ay nakasiklop sa kamay ko.
"Mr and Mrs. Huston?" lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. Mrs? Ako? Hindi ko alam pero sobrang sarap lang sa pakiramdam na mapakinggan ang Mrs. Huston sayo kahit hindi naman talaga kami kasal ni Mikhael.
Lumingon ako kay Mikhael na nakatingin pala sa akin ng nakangiti. Ang saya mo ha?
"Your health condition is fine. We didn't see any bad condition for you. In short you're all good, Maam" nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng doktor pero hindi pa pala ito tapos magsalita.
"And one more thing..." nakangiti silang tatlo sa amin at tinitingan ako ng Doctor. "Stay healthy for your baby, Mrs. Huston." nakakabinging katahimikan ang narinig ko dahil sa sinabi ng Doctor.
"W-what?" hindi makapaniwalang tanong ni Mikhael sa mga Doctor.
"Mrs. Huston is four weeks pregnant"
Natakpan ko ang bibig ko dahil sa hindi ako makapaniwalang na buntis ako.
"Congratulations to the both you. Excuse us." masayang tugon ng Doctor maging ang mga nurse ay nag-congratulate. Hinintay kong maisarado ang pintuan bago bumaling kay Mikhael na ngayon ay nakatingin sa kawalan.
"B-buntis ako, Mikh--"
"FUCK! YESSSS! DADDY NA AKO! WOOOOOO! THANK YOUUU GOOOOD!" nagulat ako sa pagsigaw at tumalon-talon sa ere habang nanununtok. Natawa ako at masaya sa naging reaksiyon dahil inakala kong hindi siya magiging masaya na malaman niyang buntis ako.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako ng paulit-ulit sa labi na ikinabungisngis ko at pinagtagpo ang noo namin.
"Magiging Daddy na ako..." nagulat ako nang nakita kong tumulo ang luha nito sunod-sunod sa mga mata nito.
"B-bakit ka umiiyak?"
Hindi siya sumagot. Niyakap lang ako nito. Tinapik-tapik ko ang balikat niya. Nang maghiwalay na kami mula sa pagyayakapan ay hinawakan niya ang tiyan ko at marahan na hinimas-himas iyon.
"Hi little angel, Daddy's here. I can't wait to see you... I'm so excited to hold your little hands and see your lovely smile..." hinalikan nito ang tiyan ko bago ako nito hinalikan sa labi.
"Kailangang malaman na nila Mama't Papa na buntis ako," singit ko.
"Yeah. Paniguradong kapag nalaman nila na buntis ka baka magpapaparty pa iyon sa barangay niyo." sambit nito. Natawa ako. Yeah, he's right. Nakita kong lumungkot ang mukha nito kaya hinawakan ko ang mukha ni Mikhael.
"What's wrong?" tumaas ang tingin niya.
"I hope Mom and Dad are also here" parang naramdaman ko na rin ang lungkot niya dahil sa sinabi nito.
"Puntahan kaya natin ang Dad mo kapag nakalabas na ako rito then check natin kung okay na ba siya after that saka natin sabihin kila Mama't Papa tungkol sa pagbubuntis ko,"
Tumango siya at ngumiti habang hinihimas ang tiyan ko.
"Aalagaan ko kayong dalawa. Ayokong mapagod ang baby ko at ang little angel ko..."
"Para naman akong may sakit. Kaya ko pa naman gumalaw. Four weeks pa lang akong buntis hindi apat na buwan,"
Mikhael tsked.
"You can't stop me, baby."
I pouted.
"Yes, Boss" Syempre hinalikan rin ako nito. Hindi talaga mawawala ang halik ng lalaking ito. Hilig manghalik eh.
BINABASA MO ANG
Mikhael: The Jerk Boss (Burning Touch Series 1) ✔
FanficNathalia Gail DeJose lost her virginity at the age of nineteen, and the man who took her first experienced is her boss none other than Mikhael Gabrielo Huston. Sabi nga ng iba na mapaglaro ang tadhana, at silang dalawa ay napasama. Paano kung ang ki...