CHAPTER 1

14.1K 274 12
                                    

C H A P T E R  1

MABILIS kong tinapos ang paglalaba ng malabundok na damit ni Mikhael para makapag-pahinga na ako.

Grabe 'tong lalake na 'to dinaig pa ang babae sa dami ng damit na ginagamit!

Partida isang linggo pa lang 'to pero akala mo makikipagsabakan na ako sa hiking!

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang malakas na pag-ungol ng babae na nagmumula sa loob ng kusina.

"Oh, baby..."

Araw-araw na lang ba may maririnig akong ganito? Nakakarindi na! Yung mga ungol akala mo mga impit na daga e, sarap buhusan ng mainit na tubig!

"Oh, yeah!" Pinilig ko ang ulo ko at inayos ang mga ginamit ko sa labahan at pagkatapos ay pumasok na ako sa loob kahit na may naririnig akong kabwisitan dito.

Dali-dali akong naglakad. Nilagpasan sila. Papaakyat pa lang ako nang tawagin ako ni Mikhael.

"Hoy, maid!" tawag nito.

Umigting ang panga ko habang nakatalikod sa kanya. Gustong-gusto ko siyang sumbatan ng 'Hoy ka rin at hindi maid ang pangalan ko! Babaero ka na nga! Hinayupak ka pa!' pero syempre hindi ko sinabi iyon kasi baka masisante ako sa trabaho ko sayang sahod.

Hindi ko ba alam kung papaano ako nahulog sa kanya!

Naiinis ako sa sarili ko! Masyado rin kasing tanga! Alam na ngang babaero, ginusto ko pa!

Lumingon ako at ngumiti ng peke.

"Yes po?" usal ko.

Hindi ako tumingin sa kanila at baka masuka ako ni wala sa oras. Tumingin na lang ako sa itaas pero nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin silang dalawa sa direksyon ko.

Nakaharap nga ako sa kanila pero sa iba ako nakatingin.

"Ipaghanda mo kami ng makakain. Dito kami kakain ng lunch. Dalian mo.  Huwag pabagal-bagal, " Aniya.

Wow, maka-utos akala mo si 'The Flash' lang ako? Tumango na lang ako at pagod na umakyat na sa itaas. Pagpasok sa kwarto ko ay nag-ayos muna ako saglit dahil puno ng pawis at basa ang damit ko dahil sa paglalaba.

Umupo ako sa gilid ng kama at tiningnan ang larawan ng pamilya ko.

Marahas akong napabuga ng malalim na buntong hininga.

"Nay, Tay at mga kapatid ko. Magtitiis po ako rito para maitaguyod ko kayo kahit na magkakalayo tayo huwag niyong kalilimutan na mahal na mahal ko kayo. Ingatan niyo ang mga sarili niyo," mahina kong bulong.

Si Nanay ay isang tindera sa may Quiapo, sampaguita ang binebenta niya. Minsan ay katulong sa karinderya. Si Tatay naman ay nasa bahay dahil pilay ito. Na-aksidente kasi siya noon dahil sa pag-bi-bisekleta niya. Nabunggo siya ng isang malaking truck at malalim ang natamo niyang sugat na kadahilanan ng pagkapilay niya.

Sina Danica at Ruel ang mga nakakabata kong kapatid. Kambal ang dalawa at nasa edad 10-anyos na.

Naramdaman kong tumulo ang ilang butil ng luha sa mga mata ko habang tinitingnan ko ang larawan. Kuha ito nung graduation ko. Sobrang saya ko sa mga araw na ito dahil kahit namuhay kami sa kahirapan, nakapagtapos ako ng pag-aaral.

Mabilis kong pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko. Mapait akong ngumiti.

Hinalikan ko ang litrato at inilagay sa side table ko. Kailangan ko na pa lang bumaba at mag-luto. Ganito palagi ang gawain ko araw-araw. Kinakausap ko sila na parang nandidito sila sa tabi ko.

Mikhael: The Jerk Boss (Burning Touch Series 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon