C H A P T E R 13
SABAY-sabay kaming nagtawanan nang makita namin ang mga larawan namin noon sa collection album ni Gabriela na nakatago sa cabinet niya matagal na.
Nakatihaya kami sa kama ni Gabriela. Ilang taon na rin kaming hindi nagkikita kaya ngayon lang namin ulit ito nakita. Grabe sobrang bata pa ng hitsura namin at ang liliit namin dito.
"Tingnan mo si Nathalia, umiyak dahil dinilaan ko yung ice cream niya," Tinuro ni Heaven ang larawan kung saan umiyak ako habang hawak ko ang ice cream at nakadila roon si Heaven.
Ang panget kong umiyak! Lukot yung mukha ko!
"Malamang! Papaano ako hindi ako iiyak diyan? Akin yung ice cream tapos didilaan lang?" Tumawa lang siya.
"Chill girl! Nag-throwback lang tayo, okay?" sabi nito habang natatawa.
Umiling na lang ako at tiningnan pa ang iba naming litrato na magkakasama noong mga bata pa kami.
"Ang bilis talaga ng panahon...Akalain mo iyon mag sa-sampung taon na tayong magkakaibigan and still counting pa girls," sambit ni Noshka.
Sumang-ayon kami sa sinabi niya at nagyakapan kaming pito.
"Girls?"
"Hmm?" nabaling ang atensyon namin kay JenJen. May gusto itong sabihin pero nahihiya siya. Tinaasan lang namin siya ng kilay para paudyokin kung ano ang sasabihin nito.
"Nakita ko na si Mr. Right!" usal niya pagkatapos ay tumili nang tumili. Natakpan tuloy namin yung tainga namin dahil nakakabingi ito na parang mababasag ang eardrums ko sheyt.
"Argh!"
"Shit! Ang sakit sa tainga ng tili mo Jen!" galit na sabi ni Gabriela at masamang tiningnan si JenJen na ngayon ay naghahalukipkip ng tawa.
"Sorry, pero kasi hindi ko mapigilan ng makita ko kaagad siya. Tumibok kaagad ang puso ko. Kahit napakaharsh niya sa akin still gumagawa ako ng move para mapansin niya talaga ako. Girls! Kinikilig talaga ako lalo na kapag tinitingnan niya ako sa mata!"
"Anong pangalan ba?" tanong ko sa kanya na ikinatigil niya.
"He's name is Devren William Cencile. Shit! Pangalan pa lang ulam na!"
Nagkunwari na sumuka ang iba habang ako ay hindi makapaniwalang nalaman ko ang pangalan nito.
"Yuck!"
"Kadiri ka!"
"Mahiya ka nga sa pinagsasabi mo!"
Devren? 'Di ba isa sa mga kaibigan ni Mikhael iyon? Hindi ako nagkakamali dahil may isang nagngangalang Devren din ang nagpakilala sa akin nung nasa bahay sila ni Mikhael.
"Naku, Jen! Pinapaalala ko lang na mag-ingat ka lalo na't lalaki na naman iyan," sambit ni Gabriela.
We know her as a man hater. Ayaw na ayaw niya sa mga lalaki dahil nga sa papa nito.
"Nah. Saka hindi ako titigil ng paghabol sa kanya hanggang sa mahulog siya sa akin."
Binatukan namin siya dahil sa sinabi nito.
"Hoy! Kapag ikaw nasaktan at umiyak diyan sa lalaking iyan hindi ka namin sasamahan ilabas lahat. Bahala ka diyan" sambit ko.
Nakita ko na ngumuso siya kaya pinitik ko ang nguso nito.
"Aray naman Nath!"
"Nathalia" Lumingon ako sa tumawag sa akin na si Denise.
"Bakit?" tanong ko pero nakatingin lang siya sa akin.
"Please take care of your heart" naguguluhan ako sa sinabi nito kaya umupo ako sa kama at pinagkatitigan siya.
"A-anong ibig mong sabihin, Denise?"
Huminga naman siya ng malalim at umupo na magkaharap kami. Nakigaya na rin ang iba at parang nasa hot seat ako.
"Nakita ko kanina na lumabas ka sa isang sikat at mamahaling sasakyan. Nakatingin lang ako sa gawi mo at nagulat talaga ako ng makita ko ang mukha ni Mikhael Gabrielo Huston"
Napanganga ako sa sinabi nito.
N-nakita niya? Lumunok ako ng mariin at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
"S-si Mikhael Gabrielo Huston?!" sigaw ni Francheska at hindi makapaniwala "Girl, that guy is so damn popular all over the world! Dahil sa marami itong hawak na branches ng kompanya na nagkalat na sa buong mundo at hindi lang iyon kundi ang kagwapuhan nito na kinaadikan ng mga babae. He's a womanizer and a jerk, Nathalia" dagdag niya.
Tama nga naman ang sinabi nito pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kailangan ko siyang ipagtanggol.
"Babaero?! Nathalia! Sinasabi ko sayo na iw---"
"Hinding-hindi ako iiwas sa kanya. Never!" usal ko na ikinagulat nilang lahat. Bakit ako iiwas? Kung alam ko naman sa sarili ko na kapag kasama ko si Mikhael nagiging masaya ako at panatag ang loob ko sa kanya.
"Sabihin mo nga sa amin Nathalia. Do you like him?" tanong ni Gabriela naghihintay naman yung iba na sumagot ako pero nakatingin lang ako sa kanila. Bumuntong-hininga ako at sinabi ang totoo
"Yes. Gustong-gusto."
Narinig ko ang malakas na pagsinghap nila. Nagulat ako ng pinaghahampas nila ako ng unan.
"Ikaw talagang babae ka!" pilit akong umiiwas sa paghampas nila pero sadyang mabilis at madami sila.
"T-tama na nga," Doon lang sila tumigil at binigyan ako ng masamang tingin. "May sasabihin rin ako sainyo tungkol kay Mikhael" usal ko.
"Spill it" sabay nilang sabi.
"He is my childhood bestfriend. He's MikMik."
"WHAT?!"
"HUH?!"
Alam kong ganito na ang reaksiyon nila kaya hindi na ako magugulat sa pagtaas ng boses nila.
"P-pero papaano? How?"
"Mababaliw na ako rito. Please!"
"Mahabang kwento pero dahil marami pa naman tayong oras ay sasabihin ko na sa inyo ang lahat-lahat."
Tumango lang sila at humiga na kami sa kama ng magkakatabi. Doon ko na rin sinimulan ang pagkwekwento tungkol kay Mikhael.
.....
Alas-dos nang madaling araw ng nagsiuwian na kami sa bahay namin. Nalaman at nakita rin nila ang pagsundo sa akin ni Mikhael na ikinabungasot ng pagmumukha nila.
"Hoy! Ingatan mo yang kaibigan namin ah!"
"Malalagot ka talaga sa amin."
"Ipapademanda kita kahit sobrang yaman mo pa! Hmp!"
Napangiti ako nang bumalik sa memorya ko ang mga pinagsasabi nila bago pa ako makasakay sa kotse ni Mikhael. Ngumiti lang si Mikhael at nangako na hinding-hindi niya ako sasaktan at walang manyayaring masama sa akin.
"What's going on in that pretty little head of yours baby?" nabaling ang atensyon ko kay Mikhael na ngayon ay nagmamaneho papuntang bahay.
"Wala naman. Minsan kasi talaga lutang lang ako" usal ko. Naramdaman ko namang hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ito at dahan-dahang hinalikan ang likod ng kamay ko habang nagmamaneho siya.
Sumikdo ng mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa sweet gestures nito. This man is so sweet.
"I can't wait to ravish you tonight baby. Ilang oras kitang hindi nakita at sobrang miss na miss kita. Tingin ko nga kanina mababaliw na ako dahil gusto ko palagi kitang nakikita. Nasa tabi kita at nahahalikan kita..." saglit siyang tumingin sa akin at bumaling ulit ang atensyon niya sa daan.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko at hinahalikan ang likuran nito. Kung nakakamatay lang ang kilig siguradong nasa sementeryo na ako.
Tumingin na lang ako sa labas at doon ko inilabas ang kilig ko sa paraan ng pag-impit ng ngiti ko.
BINABASA MO ANG
Mikhael: The Jerk Boss (Burning Touch Series 1) ✔
FanfictionNathalia Gail DeJose lost her virginity at the age of nineteen, and the man who took her first experienced is her boss none other than Mikhael Gabrielo Huston. Sabi nga ng iba na mapaglaro ang tadhana, at silang dalawa ay napasama. Paano kung ang ki...