CHAPTER 8

10.7K 222 1
                                    

C H A P T E R  8

NASAGABAL ang pagtulog ko dahil sa nakaramdam ako na parang may humahaplos sa mukha ko.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang ang gwapong mukha. Nasa langit na ba ako? Kung nanaginip lang ako, please, dito na lang ako forever and ever.

Makasama ko lang itong gwapong anghel na ito na kamukha pa talaga ni Mikhael!

"Ang gwapo mo kuya. Akin ka na lang," mahina kong sabi pero nagsalubong ang mga mata nito at tiningnan ako na nagpakilig sa akin ng todo.

Nagagalit pala ang mga anghel?

Ang sexy naman nitong magalit!

"Nathalia? Are you okay?"

Hala! Kinakamusta ako ng anghel!

Tumango lang ako pero naramdaman kong parang gumuguho na ang mundo dahil may nagyugyog sa akin na ikinagising ng diwa ko.

Nakita ko ang malapit na mukha ni Mikhael. Magkasalubong ang kilay at tinitingnan ang bawat mukha ko.

Hindi pala ako nanaginip? Shocks! Nakakahiya yung sinabi ko sa kanya!

"Nathalia," tawag nito sa akin. Bumaling ang tingin ko kay Mikhael na nakatayo sa harapan ko at malalim na tumingin sa akin at doon ko napagtanto na nakatulog pala ako sa lamesa niya at nakaupo sa swivel chair niya.

Mabilis akong tumayo. Tumalikod na rin ako dahil sa hiya.

"Pasensiya na nakatulog ako. Ano kasi h---" naputol ang sasabihin ko nang bigla ako nitong pinaharap sa kanya. Malapit na malapit ang mukha namin. Isang maling galaw lang ay maglalapat na ang mga labi namin.

Mariin akong napalunok.

"S-Sir M-Mikhael," kinakabahan kong banggit sa ngalan niya.

Malalim pa rin ang pagtingin niya sa akin na ikinaba ko halos.

Bakit ganito siya makatingin sa'kin?

Hindi ko maintindihan ang mga ipinapakita niyang reaksyon ngayon.

"Gusto kong malaman ang katotohanan, Nathalia..."

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi nito. "A-anong katotohanan pinagsasabi m-mo?"

"What is your nickname?" Mikhael asked.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa tanong nito pero sinagot ko pa rin.

"Nath--"

"I mean, what's your childhood nickname?" singit niya.

Natigilan ako ng ilang sandali.

Bakit niya naitanong?

Nakakahiya man sagutin pero may nag-udyok sa akin na sabihin ang palayaw ko nung bata pa lamang ako.

"Nachingching," sagot ko at binaba ang tingin ko. Ang sagwa mang pakinggan pero ang palayaw na iyon ay gusto ko dahil ang nagbigay ng palayaw na iyon sa akin ay ang kababata ko.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ni Mikhael na ikinagulat ko ng lubos.

He hugged me, tightly.

Mahigpit na mahigpit ang yakap nito na halos hindi na ako makahinga.

Ano bang nangyayari sa kanya?

"M-mikhael? Anong---" pilit ko siyang tinutulak ngunit mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap. Hinaplos niya ang buhok ko mula likuran.

Kinurap-kurap ko ang mata ko at baka nananaginip na naman ako.

"Fuck! Ikaw nga! Ikaw nga si Naching-ching ko!" He happily said.

Nagulat ako hindi dahil sa hinigpitan niya pa ang yakap nito kun'di dahil sa pagsabi niya ng 'Nachingching ko'.

Sa pagkakaalam ko isang tao lang ang kayang tumawag sa akin ng gano'n.

"M-mikhael, hindi a-ako m-ma kahinga" mawawalan na ako ng hininga. Nakahinga naman ako ng maayos nang bumitaw na siya sa pagkakayakap pero hindi pa ako nakakapag-ayos nang bigla nitong sakupin ang buong mukha ko gamit ang malalaking kamay niya.

Nanlaki ang aking mata. He looked me directly in to my eyes. I felt the goosebumps all over my body because of his soft stares at me.

"You are Nachingching. You are my long lost childhood bestfriend! And now, I've finally found you!"

Tila nabingi ako sa sinabi niya. Niyakap muli ako nito. Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.

Childhood bestfriend?

Hindi kaya siya...si Mikmik?

Bumitaw ako sa pagkakayakap at inangat ang tingin sa kanya.

"M-Mikmik?"

Nakita ko ang pagkagulat nito ngunit napalitan kaagad iyon ng ngiti. "Oo! Ako nga si Mikmik. At ikaw naman ang Nachingching ko,"

Hindi ko alam pero sariling gumalaw ang katawan ko at niyakap siya muli.

Narinig ko ang mahinang tawa nito.

"Fuck! I'm so damn happy right now," he whispered.

Tumango ako at isinubsob ang mukha ko sa dibdib nito. Dahan- dahan naman niyang iniangat ang mukha ko at malalim niya akong tinitigan.

Hindi ko aakalan na siya ang kababata ko na matagal ko ng hinahanap!

Nakakatawang isipin na ang amo ko ay kababata ko!

"So that's why you really look familiar to me Nathalia, and damn, I was right... you are Nachingching,"

Napangiti ako. Nararamdaman ko ang labis na kasiyahan habang sinasabi niya 'yon. Hindi ko siya namukhaan dahil malaki ang pinagbago ni Mikmik noon at sa Mikhael ngayon.

From cute kid to hot guy. Shit na malagkit!

"Pero bakit bigla kang nag-iba? Bakit naging babaero ka? Tapos palagi kang nakasimangot at galit. Tapos—" nanlaki ang mga mata ko nang lumapat ang labi niya sa akin.

Holy shit!

Natawa siya. Ang sunod na ginawa nito ay hinalikan ang tungki ng ilong ko.

Mabilis na uminit ang mga pisngi ko.

Bakit masyado siyang masaya?!

"Alam kong kahinaan mo, halikan ka sa tungki ng ilong mo. And remember? Noong umiiyak ka dahil natapon ko yung favorite ice cream mo, pero nung hinalikan lang kita sa ilong ay tumigil ka sa pag-iyak at namula pa ng sobra-sobra"

We both laughed as we remembered those days.

Hindi na ako magtataka na ito na nga si MikMik ang kababata ko na mahilig akong paiyakin, but at the same time ay sweet naman.

"Naaalala mo pa 'yon?"

"Of course, Nathalia. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga magaganda alaala natin," naramdaman kong nag-init ang buong mukha ko dahil sa sinabi nito.

Heart, magwala ka na! Ito na ang pagkakataon mo!

"Kung gusto mong masagot ang mga katanungan mo mas mabuting sa kwarto ko na lang tayo mag-usap. Wala pang abala,"

Tumango naman ako.

He pulled my waist closer to him. I literally gasped in surprise. Lumapit ito sa tainga ko at bumulong na ikinapula ng husto ng mukha ko.

"At nang maangkin kita," aniya.

A-Ano raw?

Malakas akong napatili nang bigla niya akong binuhat pangkasal at nagsimula nang maglakad patungong kwarto niya.

Mikhael: The Jerk Boss (Burning Touch Series 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon