CHAPTER 24

8.2K 169 2
                                    

C H A P T E R  24

NAKATINGIN lang ako kay Mikhael sa malaking salamin habang sinusuklayan ang buhok ko sa likuran. Maigi ko siyang pinagkatitigan habang busy siya sa pagsusuklay. Hindi ako makapaniwalang magiging ganito ang hantong ng buhay ko kasama siya.

I was his maid before, a normal Nathalia Gail DeJose for him but now I wasn't. Nagbago lahat ng malaman namin na magkababata pala kaming dalawa. We are both finding each other for years...

Bumalik lahat ng alaala ko sa kanya noong una kong pasok rito. He was a jerk and a womanizer. Palagi siyang nagdadala ng mga babae rito sa bahay niya at nakikipagtalik lang.

Kapag nililinis ko ang kwarto nito ay mga comdom na nagkalat at nababawasan ang nasa box nito. Kaya alam kong gumagamit siya ng comdom kapag nakikipagtalik sa ibang babae.

"What's the matter, baby?" napaigtad ang katawan ko nang magsalita siya at nakatingin sa akin. Umiling lang ako at tumingin sa ibang direksiyon. Natulala na pala ako. Tapos na rin niya ang pagsuklay sa akin at inalalayan niya akong tumayo pero hindi pa ako nakakatapak sa lapag pero binuhat na ako nito pangkasal.

"Mikhael?" tawag ko sa kanya. Maiangat niya akong ibinaba sa kama. Tumabi siya sa akin at kinumutan ako. Nagtataka ako sa ginawa nito pero iniangat niya lang ang ulo ko at pinaunan ang braso nito bago ako hinapit palapit sa katawan niya.

"Sleep tight, baby."

Matutulog? Hindi pa ako inaantok. Ayoko pang matulog.

Sinundot ko ang pisngi nito na ikinamulat ng mata niya.

"What's wrong? May masakit ba sayo? May gusto ka bang kainin?" Umiling ako. "Eh ano?" mas lalo pa akong lumapit sa kanya at hinalikan ang baba nito na may kaunting buhok na. Whiskers.

"Wala. Gusto lang kitang tingnan buong gabi. Ang gwapo mo kasi," sambit ko at hinalikan ang baba nito. Narinig ko ang bungisngis nito

"Matagal ko ng alam na gwapo ako." kinurot ko ang pisngi nito dahil nangigil ako.

Ang hangin eh. Sinabihan lang ng gwapo, lumaki na ang ulo.

Umupo ako sa kama at isinandal ang likuran ko sa headboard habang ang kamay ni Mikhael ay nasa tiyan ko at hinihimas ito.

"Uhm.. Mikhael?"

"Yes?" tiningnan niya ako mata sa mata. Ito na ba ang tamang panahon para tanungin ko kung naalala niya pa na siya ang kumuha ng virginity ko? Bahala na. Matagal ko na rin itong gustong sabihin sa kanya para masagot na ang katanungan sa isipan ko.

Alam ko na siya ang nakakuha ng unang karanasan ko. Naalala ko lahat-lahat, kaya marapat ko siyang tanungin tungkol sa nangyari.

"May g-gusto lang sana kasi akong tanungin sayo," ipinikit ko ang mga mata ko ng hindi ito sumagot. "Naaalala mo pa ba yung mga nakama mo? Like their faces or names?" Iminulat ko ang mata ko ng huminga ito ng malalim at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Yeah, some of them but I can't forget this one special woman..." lumaki ang mga mata ko at mabilis na sumikdo ang puso ko dahil sa sinabi nito. "It happens two years ago. Hindi siya mawala sa isipan ko?"

"Natatandaan mo pa ba ang mukha niya o 'di kaya ang pangalan nito?"

"Oh yeah. I fully remember her beautiful face and her name too.." nakagat ko ang labi ko at naipikit ang mga mata ko para pilit na pakalmahin ang puso ko.

"Her name is Nathalia.... Nathalia Gail DeJose..."

He remember! Naalala niya ako! Shit!

"You remember me?" takang tanong ko rito. Tumaas ang palad nito at hinawakan ang pisngi ko habang malalim itong nakatingin sa akin.

"Papaano ko makakalimutan ang babaeng bumaliw sa akin noon pa?"

Hindi ko alam pero mabilis ko itong niyakap at tumulo ang luha ko. Humiwalay ako sa yakap at sinakop ang mukha nito.

"I love you, MikMik." I said, full of adoration.

Natawa ito ng banggitin ko ang palayaw niya noong bata siya. Mabilis ako nitong hinalikan na kaagad ko namang tinugon.

Bigla naman siyang humiwalay sa mapusok na paghahalikan namin at mabilis itong pumunta sa closet. Mukhang may hinahanap ito.

"Baby, close your eyes," sambit niya. Kahit na nagtataka ako sinunod ko ang utos niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinapakiramdaman ang galaw niya.

"Come closer to the edge of the bed. Still close your eyes," sinunod ko ulit ang utos nito at gumalaw papunta sa dulo ng kama.

Ano ba ang ginagawa ng isang ito?

"Now, open your eyes for me baby" dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at nakita kong nakaluhod sa harapan ko si Mikhael habang may hawak hawak itong dyamanteng singsing.

Natakpan ko ang bibig ko dahil sa nakikita ko. Tumikhim muna si Mikhael bago ito malalim na tumingin sa akin.

"Ms. Nathalia Gail DeJose, I'm happy to live a life with you. May nararamdaman na ako sayo bata pa lamang tayo. You attract me Nathalia. You're an amazing woman that's why i fell inlove madly with you. Noong una kang pumasok sa pamamahay ko, nararamdaman kong hindi ka lang isang katulong para sa akin. Kahit na sobrang masama ang ugali ko sayo hindi ka pa rin umalis sa pagiging katulong."

Bumuga ito ng malalim na hininga.

"Nang malaman kong ikaw ang kababata ko, hindi mo lang alam na sobrang saya ko dahil nahanap ulit kita. Matagal na kitang hinahanap Nathalia. Kahit nasa ibang bansa na ako, hindi ako tumitigil sa paghahanap sayo. Nang dahil doon naging babaero ako pero ng may nangyari sa atin ng gabing iyon. Hindi na ako masyado nakikipagtalik pa sa mga babae dahil ikaw lang ang gusto kong angkinin paulit-ulit, at sa matagal nating pagsasama mas lalo pang lumalim ang pagtingin ko sayo. Nathalia, I'm kneeling in front of you...Will you marry me Nathalia?"

Tumulo ang luha ko at tumango ng paulit-ulit.

"Yes! Yes! Of course I will marry you Mikhael!" Masaya itong lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko habang dahan-dahang isinuot ang singsing sa ikaapat na daliri ko.

Nang maisuot niya ito ay mabilis ako nitong hinalikan kaya napahiga ako sa kama habang tumatawa.

Mikhael broke the kiss. He smirked 

"Damn. You will be my Mrs. Huston next week."

My eyes widened. "N-next week na ang k-kasal natin? Pero—"

"Walang pero-pero. I can't wait to marry you, Nathalia. I want to be your Mr. Huston and be my Mrs. Huston." Then he kissed my lips again that leads to steamy make love.

Mikhael: The Jerk Boss (Burning Touch Series 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon