C H A P T E R 15
MAHIGPIT na hinawakan ko ang kutsara at tinidor sa magkabilang kamay. Nagtiim na rin ang bagang ko dahil sa kalandian ng dalawang ito.
Nasa hapagkainan na nga kami, naglalandian pa talaga sila sa harapan ko.
Pagkatapos kong dalhin ang mga bagahe niya sa itaas ay hindi na muna ako lumabas sa kwarto ko at hinintay na maghatinggabi kung saan tinawag na ako ni Mikhael para kumain ng gabihan.
Nang nagsisimula na akong kumain naririnig ko ang mga tawanan nila at landian nila.
"Ano ba? Tama na kasi eh." rinig kong sabi nung nagngangalang Sabrina dahil kanina pa siya kinikiliti sa tagiliran ni Mikhael .
Sabrinahin ko na yung ulo mo. Pag-untugin ko kayong dalawa diyan. Ang lalandi niyo!
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa dalawa lalo na nang makita ko ang mga ngiti sa labi ni Mikhael na ngayon ko lang nakita buong araw siyang nakangiti.
Halata naman na nasasayahan siya sa pakikipaglandian sa babaeng ito. Nasa kabilang side sila ng mesa at magkatabi habang ako nag-iisa lang rito. Hindi katulad dati na ako ang katabing kumain ni Mikhael.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Nilinis ko ang pagkain ko ng hindi man lang sila tinitingnan at tumalikod na para hugasan ang plato ko.
Bahala silang maiwan at maglandian hanggang umaga.
Pagkatapos kong hinugasan ang mga plato ay dire-diretso na akong umakyat paitaas. Hindi inisip na may kasama ako rito sa bahay dahil parang wala naman talaga.
Pagkasarado ko ng pintuan sa kwarto ko ay doon na bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pala tinitiis na huwag bumagsak sa harapan nila dahil baka isipin ng dalawang iyon ay may nangyayaring masama na sa akin.
Meron na nga...selos ang nararamdaman ko ngayon. Lalo ng makita ko ang ngiti ni Mikhael habang kasama niya si Sabrina.
Pinakalma ko ang sarili ko at hinawakan kung saan banda ang puso ko. Huminga ako ng malalim bago pinunasan ang mga luha ko. Pumunta akong banyo para makaligo at makatulog na rin.
SABAY na napangiti si Mikhael at ang bunso nitong kapatid.
"Plan 1, success!" Pinagtagpo nila ang kamay nila at nag-sibling fists bombs sila.
Kitang-kita ko kanina sa mga mata nito na ang sama ng tingin niya sa amin. Kahit nakatingin lang ako kay Sabrina. Ramdam na ramdam ko ang tinginan sa amin ni Nathalia. Kaya mas lalo ko pang kiniliti si Sabrina. Doon na siya umalis sa mesa at umakyat sa itaas.
"Plan 2 na tayo bukas, Kuya" Tumango ako sa sinabi ni Sabrina at nagpatuloy ulit siya sa pagkain niya.
....
UMIKOT na lang ang mga mata ko ng naglalandian na naman ang dalawang ito.
Kay-aga-aga, naghahaliparot na ito. Paggising ko nitong maaga ito ang naabutan ko sa garden.
Kailangan bang kapag nagdidilig ng halaman sobrang lapit sa isa't-isa? Kung makikita niyo lang talaga ang dalawang ito siguradong magiinit talaga ang ulo niyo.
Nasa likuran ni Sabrina si Mikhael at nakahawak pa sa magkabilang kamay ni Sabrina na nakahawak sa pangdilig ng halaman.
Hindi naman nila ako makikita dahil nasa likuran lang naman nila ako at kitang-kita ko ang pinag-gagawa nila.
It makes my heart bleeding like a hell.
Binaba ko ang tingin ko at pumasok na sa loob at nag-iisip kung ano ang pwedeng gawin pero wala talagang pumapasok sa utak ko kaya umakyat na lang ulit ako at pumasok sa kwarto. Binagsak ko ang katawan ko at napatingin sa kisame.
I hate you so much, Mikhael!
Sabrina is her another woman! Nakalimutan ko pala na maraming naging karelasyon si Mikhael...Lahat ng mga pinakita at pinaramdam niya sa akin nitong mga nakaraang araw, wala lang sa kanya 'yon...
Hinampas ko ang unan dahil sa inis ko. Nang mapagod na ako ay ibinagsak ko ulit ang katawan ko at hindi namalayan na nakatulog na ako pero may tumulo na luha sa pagpikit ng aking mata.
BINABASA MO ANG
Mikhael: The Jerk Boss (Burning Touch Series 1) ✔
FanficNathalia Gail DeJose lost her virginity at the age of nineteen, and the man who took her first experienced is her boss none other than Mikhael Gabrielo Huston. Sabi nga ng iba na mapaglaro ang tadhana, at silang dalawa ay napasama. Paano kung ang ki...