CHAPTER 23

8.3K 155 0
                                    

C H A P T E R  23

TINOTOO talaga ni Mikhael ang sinabi nito na siya ang magsisilbing paa ko habang buntis ako. Sa araw-araw na paggising ko ay may nakahanda ng almusal na siya mismo ang nagluluto ng maaga.

Nakalabas na rin ako ng ospital dalawang linggo na ang nakakalipas. Binibihisan naman ako ngayon ni Mikhael para puntahan ang ama nito na naka-confine sa ospital.

"Kaya ko naman," pero hindi talaga siya nakikinig sa mga sinasabi ko kaya hinahayaan ko na lang siya. Mapapagod lang ako.

Pagkatapos niya akong bihisan ay inalalayan niya akong maglakad palabas ng kwarto.

"Dahan-dahan lang ang lakad baby ha? Baka madapa ka at masaktan ang little angel ko at lalo ka na..."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Hindi ko rin mapigilang mapangiti sa mga sinasabi niya. Kahit minsan overexaggerated na ito kung makapagsalita at mag-isip pero para sa akin mas kinikilig ako kapag nagsasabi siya na tungkol sa kalagayan ko at sa baby namin.

Hanggang makarating na kami sa kotse ay inaalalayan niya pa rin ako. Sinimulan na rin niyang paganahin ang makina at nagusad na ng pagmamaneho.

Isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat nito at pinikit ang mata ko dahil nararamdaman kong inaantok ako. Normal lang naman daw ang pagiging antukin lalo na sa bagong  buntis. Minsan nakakaramdam rin ako ng morning sickness at naglilihi na ako lalo na sa mga matatamis na pagkain.

Nasa loob na kami ng kwarto ng Papa ni Mikhael. Pagdating namin sa ospital ay dito na kami kaagad dumiretso at sa pagpasok kong iyon nakaramdam ako ng awa para kay Mikhael. Sobrang daming tubo ang nakakabit sa katawan ni Tito Klehen at naririnig ko lang ang tunog ng heartbeat machine kung saang medyo mabagal ang pagtibok ng puso nito.

"Dad, how are you?" kinakausap pa rin Mikhael ang ama kahit wala pa itong malay. Nasa tabi niya lang ako habang siya ay nakaupo sa tabi ng Papa niya. "Naalala mo pa ba si Naching-ching? Nahanap ko na siya Dad. Actually kasama ko siya ngayon," tiningnan naman ako ni Mikhael at bumaling ulit sa Papa niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.

"Dad meet Nathalia Gail DeJose, my one and only love of my life and soon to be wife."

"M-maganda umaga po T-tito Klehen" tiningan ko si Mikhael at tumango lamang ito senyas na magpatuloy pa ako sa pagsasalita kung may gusto akong sabihin rito. Huminga muna ako ng malalim at tiningnan ang walang malay na katawan ni Tito.

"Kamusta na po kayo? Siguro pagod na po kayo matulog ano?" biro kong sabi dahil ayokong masyadong maging malungkot "Bumangon na po kayo d'yan at kailangan ng labhan ang bedsheets niyo." tumawa ako pero tumulo ang luha ko na kaagad ko namang pinunasan. "Matagal ko na rin po kayong hinahanap. Si Tita Diana, Mikhael, Sabrina at kayo po Tito Klehen. Matagal na rin po kayo hinahanap nila Mama't Papa sobrang miss na po kayo ni Tita Diana." sunod-sunod ng tumulo ang luha ko at hinahagod ni Mikhael ang likuran ko.

"Malakas po kayo diba? Alam kong kaya mo pang lumaban Tito. Kapag hindi ka nagising diyan, baka hindi mo na makita itong magiging apo mo." ngumiti ako kahit na umiiyak pa ako.

DAD has a congenital heart disease and he's in a coma for about two months. Hindi nakakayanan ng katawan niya ang paghina ng puso niya pero sabi ng doktor kahit na hinang-hina na si ay lumalaban pa rin ang katawan niya. But the bad news is, kapag umabot ng tatlong buwan ang comatose niya, tatanggalin nila ang mga tubo na nakakabit sa kanya. Sa ayaw at sa gusto ko wala akong magagawa.

Pilit kong pinapatahan sa pag-iyak si Nathalia pero wala ring silbi. Kaya hinayaan ko na lang siya ilabas ang lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman niya. Kaso nag-aalala talaga ako kay baby baka mapaano siya dahil sa pag-iyak ni Nathalia.

Titingin na sana ako sa kabilang direksyon pero lumaki na lang ang mata ko nang nakita kong gumalaw ang hinlalaki at hintuturo ni Dad. Mabilis akong humiwalay sa pagkakayakap kay Nathalia at tiningnan si Dad.

A tear rolled down on the side of his right cheek.

"Fuck! He's crying baby! He's crying! Naririnig niya tayo ibig sabihin nito. May pag-asa pa! Buhay pa ang Dad ko!" masayang sabi ko at maging si Nathalia ay hindi makapaniwalang umiiyak si Dad kahit nakapikit ang mga mata nito ay tuloy-tuloy ang luha na umaagos sa mga mata niya.

"Doc! Doc!" lumabas ako at nagtawag ng doctor para ma-check kung ano ang nangyayari kay Dad. Mabuti na lamang ay mayroong isa sa labas ng kwarto na mabilis ring nakapasok sa loob. Nakatayo lang kami sa gilid habang yakap yakap ko si Nathalia. Hindi naman nagtagal ay tumingin sa amin ang doctor at ngumiti ng pagkalaki-laki.

"It's a good news. His body is now responsing. His vital signs are now fine, and his heart is now okay. Sobrang laking milagro na nag-response ang katawan nito at ang pagtibok ng puso nito. Lumalaban ho siya."

Tumango ako sa sinabi ng Doctor, at lumapit kay Dad. "Thanks Doc" tumango lang ito at umalis na. Mabilis kong tiningnan si Dad at hinawakan ang kamay nito. "Dad, laban lang ha. Kailangan mo pang makita ang magiging apo mo at kailangan mo pang pumunta sa kasal namin."

Bumaling ako kay Nathalia na lumuha na rin. Niyakap ko na lang siya at pinunasan ang mga luha nito.

Mikhael: The Jerk Boss (Burning Touch Series 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon