CHAPTER 25

8.6K 160 4
                                    

C H A P T E R  25

TININGNAN kong mabuti ang sarili ko. A wedding gown. Ngayon na ang kasal namin ni Mikhael. Hindi na siya makapahintay na maging asawa ko at maging ako, hindi na rin ako makapaghintay na maging asawa ang isang Mikhael Gabrielo Huston.

"Hija?" nabaling ang atensiyon ko sa pintuan at nakita si Tito Klehen.

"Ay, pasok ho kayo" lumapit ako rito at tinulungan siya sa pagpasok. May tungkod naman siyang dala bilang suporta sa paglalakad niya.

Nakalabas na ng Hospital si Tito noong nakaraang araw lang. Sinabi niya samin na lahat raw ay naririnig niya kahit hindi siya gumagalaw at nakadilat at lumaban siya para sa magiging apo niya.

"Ingat po," dahan-dahan ko siyang pinaupo sa sofa at tumabi rito. Medyo naitaas ko ang mahaba kong gown dahil naapakan ko ito.

"You're so beautiful hija." sambit niya at marahan na hinaplos ang buhok ko. "Hindi ko rin masisi si Mikhael kung bakit in love na in love sayo yung bata iyon," ngumiti lang ako pero bigla itong tumawa

"May ikwekwento ako sayo hija"

"Ano po iyon?"

"Noong mga bata pa kayo, may pagtingin na talaga sayo si Mikhael. Hindi siya lalabas ng hindi nagpapapogi salamin, magpupulbos pa iyan at magpapabango para raw ma-in love ka sa kanya"

Seriously? Ginagawa ni Mikhael lahat ng iyon. Hindi ko alam pero natawa ako habang naiimagine ang sinabi ni Tito.

"Bago siya matulog, tinitigan niya muna ang larawan mo na naka-frame pa at itatabi niya ito sa pagtulog," nag-init ang pisngi ko dahil naiimagine ko ang sinasabi ni Tito Klehen sa akin. "Kaya nga sobrang saya ko na ikaw ang magiging mapapangasawa at magiging ina ng mga apo ko."

Hinawakan nito ang kamay ko at hinihimas ang palad ko.

"Alagaan mong mabuti ang anak ko hija ah. Ikaw ang nagsisilbing buhay niya. Sobra ang pasasalamat ko na ikaw ang babaeng pinili niyang mahalin" kinagat ko ang ibabang labi ko dahil tumulo ang luha ko.

"Opo. Iingatan ko po ang anak niyo. Papasayahin ko ho siya katulad ng ginagawa niya sa akin. Magiging mabuti po akong asawa sa kanya at ina para sa magiging anak namin." niyakap ko si Tito Klehen at hinagod ang likuran ko.

"Ms. Nathalia?" humiwalay ako sa pagyayakap at tumingin sa pintuan. Isa sa mga nag-organize ng wedding namin ni Mikhael. "Kailangan niyo na pong pumunta sa simbahan, magsisimula na po." tumango lang ako at isinarado na ang pintuan.

"Mauna na ako," ngumiti lang ako kay Tito at inalalayan siyang tumayo. Hinatid ko siya sa may pintuan at sakto namang nandoo ang private maid nito. "Siguraduhin mong sisipot ka sa kasal ha? Iiyak si Mikhael, sige ka" biro niyang sabi.

Tumango lang ako at nagpaalam na sa kanya. Pumasok na ako sa loob at huling tiningnan ang sarili ko sa salamin.

This is it Nathalia... Ikakasal ka na.. Ikakasal ka na sa lalaking pinakamamahal mo sa buong buhay mo!

Ngumiti ako at huminga ng malalim bago ako lumabas ng kwarto. Nandoon na rin ang driver sa wedding car na kaagad akong sumakay.

....

"The bride is here! The bride is here!" ayan ang narinig ko ng nasa tapat na kami ng simbahan. Madaming tao ang nasa labas, ang iba ay may dala-dalang camera. Huminga muna ako ng malalim at lumabas ng kotse. Natakpan ko kaagad ang mga mata ko ng sunod-sunod na flash ng camera ang nakita ko.

Yumuko na lang ako at nagsimula ng maglakad. Salamat naman at tumigil na ang pagkuha sa akin ng litrato.

"All settled na Maam. Ikaw na lang ang hinihintay. Congratulations po" sabi sa akin ng isang organizer at inayos ang mahaba kong gown. Ngumiti ako rito at nagpasalamat.

Mikhael: The Jerk Boss (Burning Touch Series 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon