CHAPTER 9

11.6K 204 9
                                    

Warning: This chapter contains R-18 scenes. It is not suitable for young readers. You can skip reading this chapter.

C H A P T E R  9

ANG lakas ng tibok ng puso ko nang makapasok na kami sa kwarto niya.

Wala ng atrasan ito!

Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama at umupo naman siya sa tabi ko.

"Magtanong ka na, sasagutin ko" usal ni Mikhael.

Tinitigan ko lang siya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ito na si MikMik.

Ibang-iba ang MikMik na nakilala ko noon kaysa ngayon. Hindi ko rin kasi alam ang buong pangalan ni MikMik. Basta nagpakikilala siya na MikMik ang pangalan niya.

I saw a small smirk on his lips.

"Kung tititigan mo lang ako ng ganyan Nathalia. I will not hesitate to fuck you right now in my bed,"

Nabalik ko ang huwisyo dahil sa narinig. Umiwas ako ng tingin dahil nararamdaman kong nag-iinit ang buong mukha ko dahil sa sinabi nito.

"A-ano k-kasi.. Uhmm. I-uhh" walang lumalabas na salita sa bibig ko. Pautal-utal rin ako magsalita dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Nathalia, walang patutunguhan ang pag-uusap natin kung nauutal ka at nahihiya ka sa akin,"

Pinakalma ko muna ang sarili ko ng ilang minuto bago siya tiningnan sa mata. "Kamusta kana? Uhm... Si Tito Klehen tsaka si Tita Diana?" tanong ko rito.

Si Tito Klehen at Tita Diana ay ang mga magulang ni Mikhael. Hindi ko na sila nakita simula nung hindi na rin kami nagkita ni MikMik.

Nakita ko naman na nag-iba ang mga kislap sa mga mata nito.

Grief. Sorrow. Sadness.

"Mom is gone and Dad is in the hospital he had a congenital heart disease and he's still in coma 'till now," nagulat ako sa sinabi nito. "Mom died because of sudden heart attack. Hindi niya sinabi sa amin na may sakit pala siya tsaka nalang namin nalaman ng sinabi na ng Doktor at that time sumuko na si Mom. Kaya naman walang ng ibang ginawa si Dad kundi uminom ng alak at magsigarilyo araw-araw. Kaya bumagsak na rin ang kompanya na hawak nito and I'd decided na ako muna ang mag-asikaso and luckily, nagtagumpay naman ako kasi bumalik ito sa mataas na rank," patuloy pa rin akong nakikinig kay Mikhael dahil gusto kong marinig ang lahat-lahat.

"Naalala mo ba yung hindi na tayo nagkikita sa playground?" tumango ako at bumuntong-hininga siya bago siya ulit magsalita. "Mom and Dad take me to United States to finish my studies.  Nakapagtapos nga ako ng pag-aaral bago ako ulit pumunta rito sa Pilipinas. Hinahanap kita Nathalia pero palayaw mo lang ang alam ko kaya kumuha pa ako ng secret agent na isa sa mga kaibigan ko," pag-aamin niya.

My brows furrowed. "Hinanap mo talaga ako?" tumango siya. Marahan naman niyang hinaplos ang kanang pisngi ko na mabilis ikinatibok ng puso ko.

"You are special to me, Nathalia. You don't know how important you are to me, Nathalia..." naguluhan ako sa sinabi nito pero mas nanigas ako nang palapit nang palapit ang mukha nito.

Ipinikit ko ang mga mata ko at handa na sa gagawin niya,

"You made me wait for a long years, baby and now, I can finally say that you are mine," bulong niya na ikinatayo ng mga balahibo ko.

Imumulat ko na sana ang mga mata ko pero naramdaman ko na ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Hinayaan ko nalang siyang angkinin ito. Mas lalo niyang diniinan at naging mapusok na ang paghahalikan namin at alam ko kung saan ito hahantong.

Mikhael: The Jerk Boss (Burning Touch Series 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon