Chapter 5

5K 87 0
                                    


KINAUMAGAHAN ay napabalikwas ako ng pagkakahiga. Nakatulugan ko pala ang pag-iyak ko kagabi. How many tears did I released yesterday? Argh, god I cried again.

"Honey, honey please open the door. Please!" Binundol muli ng kaba ang aking dibdib kaya naman ay agad ko iyong hinawakan.



"Hindi, hindi!" Piping sabi ko sa sarili ko at tinatatagan ang loob ko.



"Honey, please talk to me. I'm begging you. Honey, let me in. I'm sorry, honey. Please forgive me." Sabi pa nito at patuloy na kinakatok ang pinto. Napapikit ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. What if I open the door? Is he going to hurt me? Argh, god help me please! Damn, my phone. Bakit ba kasi hindi ko nilagay sa bulsa ko? Stupid, Sabrina?!



Nagpakawala ako ng malalim na hininga at naisipang buksan iyon ng tuluyan. I remember that I'm not the old Sabrina. I'm the new one, bolder and fiercer. Isa-isa kong pinagtatanggal ang nakaharang sa pintuan. Nang matapos ako ay bumundol na naman ang kaba sa aking dibdib.



"Damn, this can't be Sabrina." I uttered to myself. Napapikit nalang ako at binuksan ang pinto. Saktong pagkabukas ko nito ay agad na bumungad sa aking harapan si Zach.



"Oh god, honey!" Kumabog ng husto ang dibdib ko ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "I'm sorry, sorry for what I did yesterday. I didn't mean it honey." Desididong paumanhin niya sa akin. Hindi naman ako nagsalita at pinakita ko ang blangkong ekspresyon ko sa kanya.



"Honey, please talk to me huh? I'm sorry." Sabi pa nito at marahang hinaplos ang kaliwang pisngi ko. Ngunit katulad kanina ay hindi pa 'rin ako kumibo at tumingin lang ako sa kanya gamit ang blangkong ekpresyon ko. "Hay, okay! Fine, I won't forcing you to talk to me." Sabi nalang nito. "Let's eat breakfast, I cook it for you!" Pag-iiba pa nito at ngumiti na lamang sa akin. Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. Narinig ko naman ang mabigat na paghinga nito.



Naglakad na kaming dalawa patungo sa hapag kainan ng hindi manlang nag-uusap. Pinanghila niya pa ako ng upuan nang marating namin iyon. Egg, bacon, hotdog at fried rice ang bumungad sa aking harapan.



"I hope you like it, honey!" Yumukod naman siya sa akin at naramdaman ko nalang na hinalikan nito ang tuktok ng ulo. Hindi ko alam kung bakit lumambot kaagad ang puso ko?! Isang ngiti lamang ang iginawad ko sa kanya at nagsimula ng kumain.



He's crazy inlove with me. At ngayon pa lang ay nakikita ko na iyon base sa ginagawa niya sa akin. But, damn. Hindi pa rin nawawala ang mga 'what if's' na pumapasok sa utak ko. Hindi ko alam sa sarili ko kung handa na ba muli ako? Muling umibig? Pero natatakot akong masaktan. Ayoko 'pang buksan muli ang puso ko dahil ayokong mangyari ulit ang nakaraan. Nakaraan na halos unti-unti akong pinapatay sa sakit. Hindi pa ako handa sa mga bagay bagay na pinapasok ko. Katulad ngayon ay nag-aalinlangan pa 'rin ako sa lalaking kasama ko, which is my husband.



"Go lang nang go!" Jia's words popped on my mind.

Minsan, naiisip ko na sana ay katulad ako ni Jia, ng bruha. Siya kasi 'yong tipo ng babaeng palaban at walang atrasan kapag nandyan na. She's strong enough na kailanman ay hindi ko kayang gawin. Sabi ko nga, siya ang nag-iimpluwensiya sa akin na maging matapang at palaban. Pero, inaamin ko sa sarili ko na kahit anong dikta niya sa akin ay ako pa rin ito, ang Sabrina na mahina at walang magawa kundi umiyak sa tuwing nasasaktan.



Nabago ko 'rin naman ang sarili ko minsan, pero ang masaklap lang 'don ay bumabalik lang ako sa dati, sa dating ako.



"Honey?" Isang malamlam na boses ang narinig ko sa aking gilid na ikinabalik realidad ko. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya sa akin at hinawakan ang braso ko. Umiling lang ako sa kanya bilang sagot. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang natapos ko na pala ang kinakakain ko. Kaya naman ay naisipan kong dalhin nalang ang pinagkainan ko sa lababo ngunit papatayo pa lamang ako ng bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko.



MODEL SERIES 1: Sabrina Yvonne Suarez - RevisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon