Chapter 21

4.5K 79 1
                                    

Simula 'nung gabing mag-away kami ay hindi ko siya nagawang kausapin manlang. Saradong-sarado ang isipan ko at wala akong planong kausapin siya. Siya na mismo ang nagsabi na hindi ko siya deserve kaya dapat lang niyang panindigan iyon. 



Hanggang ngayon ay ang sakit pa 'ring isipin ng mga sinabi niya. Ang bigat pa rin ng nararamdaman ko. Pinapamukha niya sa akin na sinungaling ako. Totoong mahal ko siya at napatawad ko na siya. Sa totoo lang ay bawing bawi na siya sana sa lahat ng ginawa niya sa akin noon. Yung mga pinakita niya sa akin 'nung araw na magkasama kami, sobrang saya ng pakiramdam ko. Kasi kahit papaano pala ay may nabago 'din sa kanya. All this time—sarili lang niya ang sumisira sa pagkatao niya.




Palagi itong nasa harap ng bahay namin, nagmamakaawang makipag-usap sa akin. Kadalasan ay napapansin kong magdamag itong nasa labas habang nakatanaw sa loob. Kung hindi lang siya nag-iinarte noong mag kasama kami e 'di sana masaya kami ngayon.




"Bakit nasa labas ang lalaking 'yun?" Kuya asked me and he's referring to Zach. 



Kadarating lang ni Kuya sa bahay at 'yun agad ang ibinungad sa akin. After one week, salamat naman dahil umuwi na siya. 



"Akala ko ba okay na kayo? You forgive him already." He continued.




Nanatili lamang akong tahimik at itinuon lang sa kambal ang atensiyon ko.




"I'm talking to you, Sabrina Yvonne!" He said firmly.




"Of course not! And I thought you were mad at him. Kaya mabuti nang ganito ang set-up namin." Sagot ko habang binibihisan si Dyann. Napakamot nalang ito ng ulo at malalim na bumuntong hininga.




Bakit pakiramdam ko ay nabaliktad na naman ngayon. Bakit parang—?




"Your damn insane Sabrina Yvonne! Hindi na ako galit sa kanya kasi sinabi mo sa akin na mahal mo pa rin ang gagong 'yun. Handa akong magpaubaya para lang sa ikakasaya ng puso mo. Kaya nga ako lumayo kasi gusto kong sumaya ka muli kasama ang lalaking 'yun pero ano 'tong nangyayari? Nag-away na naman ba kayo?" He snorted.




Halos hindi ako makakibo sa sinabi nito. Hin—di na siya galit? Tanggap niya na ba ulit si Zach? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit ngayon lang kung kailan ako naman ang galit sa lalaking 'yun? 



"A—yoko na sa kanya. He's a jerk." I uttered silently. "Kuya, tama ka naman diba. Hindi ko na siya kailangan sa buhay ko." Dagdag ko.




"A jerk but you still love him, don't you." He added but I prefer to remain silent. "Ayusin niyo 'yan! Wag niyo 'kong antaying ako pa ang gumawa ng paraan para hindi kayo magkita. I'm giving you a chance Sabrina Yvonne. Ginagawa ko 'to dahil mahal kita. Ginagawa ko 'to dahil gusto kitang sumaya." 



"Ayoko!" Pinal na sabi ko dahilan upang taliman ako nito ng tingin.



"What? What the hell—ano bang nangyayari sayo, Sabrina Yvonne. I don't understand you." Naguguluhang sabi nito. "Noong isang araw lang ay nagmamakaawa ka sa akin dahil sa lalaking 'yon—tapos ngayon. Sabrina Yvonne hindi ako natutuwa sa ngayon. You're old enought at huwag ka ng umasta na parang bata. Please be matured enough—para sa mga bata." He told and walk away. Tanging papalayong likod nalang nito ang nakita ko at naiwan akong tahimik habang nakamasid sa kambal.

MODEL SERIES 1: Sabrina Yvonne Suarez - RevisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon