WARNING : WORDS ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS
LUMIPAS ang isang buwan ay hindi naman nagbago ang pakikitungo ko sa kanya. Ganon pa rin kami katulad 'nong dati. We made love, yes! Madalas ay wala siya sa bahay dahil sa business niya. Ako 'rin naman ay abala rin sa natatanggap kong mga new project with Jia. Madalas ay may mga photoshoot at mga events kaming pinupuntahan. Madalas 'din ay hindi na ako nakakauwi sa bahay sa sobrang hectic ng schedule ko. Mabuti naman at hindi naman ako pinagbawalan ni Zach tungkol dito, atsaka sino ba siya para kwestyunin ang ginagawa ko.
"How are you, honey?" Isang malamlam na boses ang narinig mula sa aking likuran. Kadarating ko lamang ngayon dito sa bahay at mukhang namiss ako ng Zach na 'to.
"Stressed!" Maiksing sagot ko at ibinagsak ang sarili ko sa sofa. Ramdam ko naman ang pagtabi niya sa akin.
"Anong oras ba kayo natapos?" He asked as he pulled my waist. Kaya naman ay napapikit nalang ako.
"Around three kaso 'nga lang nagyaya pa si Jia na maglakwatsa." I sighed as I answered him. Sa katunayan ay pumunta kami sa bar matapos ang photoshoot namin kanina. Treat 'daw kasi ng bruha kaya hindi na ako nag-alangan pa at umu-oo nalang.
As always ay meron na naman akong nakahalikan kanina, pero bwisit lang. Iwanan ba naman akong nakatanga doon. Gagong lalaking 'yon.
"Ikaw? Anong oras ba natapos ang meeting mo kanina?" Tanong ko naman sa kanya. Napabuntong hininga naman siya bago ako sagutin.
"Three." Kiming sagot niya at ibinaon ang mukha niya sa leeg ko. Isang mapanlokong ngiti naman ang kumurba sa aking labi. Hanggang ngayon ay ang lakas pa rin ng appeal ko sa lalaking 'to.
"Pagod ka rin ba?" I curiously asked. Mabibigat na hininga ng pinapakawalan niya.
"Hm, a little bit honey. Tara na, pahinga na tayo." Bulong pa niya. Agad naman akong sumulyap sa orasan, it's already eight thirty in the evening. Tumango nalang ako bilang sagot at tumayo na rin. Napasinghap nalang ng hapitin niya ang bewang ko.
"Let's go!" Aya pa nito. Nagpatianod nalang ako sa kanya papunta sa kwarto namin.
Nagpaalam muna ito sa akin sandali at nagtungo sa banyo habang ako ay nahiga na. Napasulyap ako sa kisame hanggang sa dalawin nalang ako ng antok.
"I will be always on your side, baby." - Justine.
MASASAGANANG luha ang umaagos ngayon sa pingi ko ng tuluyan akong magising. Napanaginipan ko siya at naaalala ko mga salitang sinabi niya. Ang mga araw na pinagsamahan namin, ang gabi kung kailan ko ipinagkatiwala ang sarili ko sa kanya.
Damn you, Justine! Paano mo nagawa sa akin iyon? Akala ko ba matino kang tao? Akala ko ba tayong dalawa sa huli. DAMN YOU!
"Honey, what's wrong with you?" Napapitlag ako ng magsalita si Zach na kalalabas pa lamang sa banyo. Agad namang nabahidan ng pag-aalala ang mukha niya at lumapit sa akin. "Tell me, what's wrong?" Pagtatanong niya muli. Hindi ko siya nasagot bagkus ay hinalikan ko lamang siya.
Gusto kong makalimutang ang walanyang Justine na iyon.
BINABASA MO ANG
MODEL SERIES 1: Sabrina Yvonne Suarez - Revised
Любовные романыTwo different people, who attest their unconditional love to each other.