Three years after.....
"Manang alam niyo po ba kung saan pumunta ang asawa ko?" Pagtatanong ko kay Manang na sa ngayon ay abalang abala sa pag-aayos sa kusina namin. Si Zach mismo ang kumuha kay Manang Wena sa kanya noong matapos kaming kinasal dahil sa ayaw ako nitong mapagod sa gawaing bahay.
Ewan ko ba sa lalaking 'yun! Pagkagising ko wala na ito sa tabi ko at 'yung kambal nalang ang nakita ko sa tabi ko. Pansin ko rin nitong nakaraang araw na madalang nalang niya akong kausapin at lambing-lambingin. Hindi kagaya noon na kulang nalang ay iposas niya ako sa kanya.
Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip ng kung ano ano. Nagsawa na ba siya sa akin? Ayaw na ba niya? Pangit na ba ako? Iyon ang palaging bumabagabag sa akin hanggang sa iniiyak ko nalang ang lahat. Pakiramdam ko nga ay bumabalik na naman kami sa nakaraan e.
Masaya palang kami noong nakaraang buwan. Nag-out of the country pa nga kaming lima. Oo, lima. Tatlo na kasi ang anak namin. Pumunta kami sa Paris kasi 'yun 'yung dream destination ko kasama ang mag-aama ko. Sweet pa siya sa akin noon at maalaga. Palagi niya akong nilalambing kapag nagagalit ako, kapag nagtatampo ako. Ewan ko na sa ngayon, feeling ko nag-iba ang ihip ng hangin. Siguro napagod na siya sa kakalambing sa akin.
Nitong nakaraang araw kasi maselan na naman ako sa mga bagay bagay. Madaling uminit ang ulo ko at ang masaklap ay palaging sa kanya ko naibubuntong ang galit ko. Isa lang ang dahilan nito. Buntis na naman ako at hindi ako kinakausap ng lalaking nakabuntis sa akin—ng asawa ko.
"May pupuntahan 'raw iha. Hindi ba nakapagpaalam sayo? Kaninang alas sais pa siya umalis." Sagot nito na ikinasimangot ko nalang.
"Hindi po." Walang ganang sagot ko.
"Oh siya, kumain ka na. Nasaan na ba ang mga bata?" Pagkuway tanong ni Manang sa akin.
"Nasa sala po. Mamaya nalang po ako kakain." Sagot ko pa at nagpaalam na sa kanya. Maluha-luha naman akong nagpunta sa sala kung nasaan ang mga anak ko.
"Mommy..." Nag-uunahan namang tumakbo ang mga anak ko papunta sa amin.
"Mommy, cawwy me please." It's Zymon, our three years old son. Medyo hindi pa maayos ang pagsasalita nito.
"Mommy are you crying?" Dale asked me innocently.
Kamukha kamukha niya ang daddy niya habang lumalaki siya. Sana naman ay hindi siya gumaya 'dun. Kung pwede lang nga sanang sa akin nalang niya manahin ang ugali niya. Napaluhod naman ako at niyakap ang mga ito habang si Zymon ay kinarga ko.
"I'm not, baby. Okay lang si Mommy!" I told them. Hindi naman sila kumibo at niyakap ako. "Did you eat breakfast already?" I asked them. Sabay sabay naman silang tumango.
"I love you Mom!" Malambing na sabi sa akin ni Dyann at hinalikan ang pisngi ko.
"Mom yow not okay. Why awe u sad?" Cute na tanong naman sa akin ni Zymon at hinawakan ang pisngi ko.
"Oo nga po Mommy." Dagdag naman ni Dale. Napatingin nalang ako sa tatlo kong anak at maya maya pa ay naiyak na ako ng tuluyan.
"Ssh, I love you my babies." I said as I sob.
Sobrang saya ng puso ko ng mapalaki namin sila na mabuting bata. Napalaki namin sila na puno ng pagmamahal. Sobrang swerte ko sa kanila at pakiramdam ko ngayon ay madadagdagan na naman ang miyembro ng pamilya namin.
BINABASA MO ANG
MODEL SERIES 1: Sabrina Yvonne Suarez - Revised
RomanceTwo different people, who attest their unconditional love to each other.