KINAUMAGAHAN din ay napagpasyahan naming bumalik na sa maynila. May tumawag kasi kay Kuya at kailangan na siya, as soon as possible! Kaya naman ay hindi kami nag-alangan pang bumyahe pabalik ng kamaynilaan. Dumating na rin ang lolo't lola ni Zach mula ibang bansa. Kaya naman ay hindi ko mapigilan ang hindi kabahan."You look so nervous, honey!" Puna sa akin ni Zach at hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako dito. Sino ba naman kasing hindi kakabahan. Nasa bahay na daw ang lolo't lola niya. Ilang minuto nalang ay makakauwi na kami doon.
"I'm fine!" Kiming sagot ko at nginitian lamang siya. Relax, Sabrina Yvonne! Relax. Mabuti nalang at hindi na namin kasama sina Jia. Sigurado kasi akong pagtatawanan at aasarin na naman ako 'non.
Maya't-maya pa ay iniliko na ni Zach ang sasakyan papasok sa bahay nito. Mas lalo atang bumilis ang pintig ng puso ko. Ano kayang magiging reaksiyon ng lolo't lola niya kapag nakita ako? Tanong na sumagi sa isipan ko. Ano ngayon ba? Magugustuhan kaya nila ako? O hindi?
"Hmmm!" Napapikit nalang ako ng maramdaman kong may malambot na labi na dumampi sa akin. Nagtatake-advantage ang lalaking ito porket nakatulala lang ako.
"You're spacing out huh?' Sita niya matapos akong halikan. Hinimas-himas naman nito ang aking pisngi.
"Z—zach?" Napahawak nalang ako sa kamay niya. Nagtagpo ang aming mata. Damn, those eyes! "Kinakabahan ako." Parang batang sumbong ko dito. Bahagya naman itong natawa sa sinabi ko.
"Don't worry, honey! Mababait sila." He assured me. Yumukod naman ito at sa ikalawang pagkakataon ay hinalikan na naman niya ang labi ko.
"Paano ka nakakasigurado?" Sabi ko. Baka kasi mamaya sungitan lamang ako.
"Hay, let's go!" Isiniwalang bahala na lamang niya iyon at inalalayan akong bumaba. "Magugustuhan ka nila." He said as he hold my hand. Napabuntong hininga nalang ako at pilit tumango.
Papasok pa lamang kami ng pintuan ay rinig ko na ang hagikhikan mula sa loob. Napakagat nalang ako sa aking pang-ibabang labi. Kaya mo 'to, Sabrina!
Agad naming nakuha ang kanilang atensiyon nang tuluyan kaming makapasok sa loob. Tila nag-uunahan sa pagkabog ang dibdib ko.
"Oh look who's here!" Napalunok ako ng sarili kong laway ng magsalita ang Lolo niya. Sa tingin ko ay nasa mid 80's na ito pero ang hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan. Siguro, habulin ito noong kabataan niya.
"Apo..." Sa ikalawang pagkakataon ay napalunok muli ako ng laway. His grandma! Napatanga lamang ako at parang napako sa kinatatayuan ko. Ang ganda ng mukha nito, 'yong kutis na kahit kulubot na ng kaunti pero ang gandang pagmasdan. Ang puti!
"Honey!" Narinig kong tawag sa akin ni Zach. "What did I told you awhile ago?" Animo'y sabi nito at hinapit ang bewang ko. Narinig ko naman ang marahang pagtawa ng lolo't lola niya.
"Uh.." Napayuko nalang ako ng wala kong makalap na isasalita. Nervousness eating me alive.
"Uhm, grandson! Who is she? May I know her?" Napaangat ako ng tingin ng magsalita muli ang lola niya. Bakit ang lamlam ng boses? Ang sarap pakinggan!
"Grandma, she's nervous!" Sagot naman niya at tumingin muli ako.
"You look so tense, Iha! Relax!" She said as she smiled at me. "By the way, I am Silvestra Ramirez and this is my husband Felix Alexander Ramirez, Dylan's Grandparents." Pagpapakilala pa nito. Pilit naman akong ngumiti dito. "May I know your name, hm?" Nakagat ko naman ang labi ko.
BINABASA MO ANG
MODEL SERIES 1: Sabrina Yvonne Suarez - Revised
RomanceTwo different people, who attest their unconditional love to each other.