"Your baby was stable right now. Babalik na ang sigla niya." Doctor Santos was referring to my baby boy. Mabuti naman at maayos na ang lagay niya.
"Thank you so much, Doc." A small tear fall on my cheeks. Hawak-hawak ko na ngayon si Dale habang na kay Kuya naman si Dyann.
"Your welcome." She smiled. "May I excuse myself first! May pasyente pa ako." Napatango naman ako at nagpasalamat muli.
"Babayaran ko muna ang bill para makauwi na tayo." Napatingin ako kay Kuya ng magsalita ito. Nakagat ko nalang ang labi nang mahagip ng mata ko si Justine.
"Sure bro. Akin na muna 'yang karga mo." Justine said. Agad namang tumango si Kuya at tuluyan kaming iniwang dalawa. "She looks like you, Sab!" He said out of the blue kaya napatingin ako sa kanya. "She's pretty."
"Yeah." I uttered. "Salamat 'nga pala. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sayo." Napadako naman ang tingin ko kay Dyann na mahimbing na natutulog sa bisig ni Justine.
"Huwag mo nang isipin 'yon." Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. "Ang mahalaga ay ayos na ang lagay ng baby mo." Dugtong pa nito. Katahimikan lang ang namayani sa aming dalawa pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Uhm, s—so friends?" I asked him. Yun lang siguro ang magagawa ko bilang kapalit. Wala namang masama kung maging maging magkaibigan kami.
"Pinapatawad mo na ako?" Bahagya naman akong natawa sa pagkasabi niya.
"Of course! Anong akala mo sa akin? Tsaka matagal naman iyong nangyari. Naka move on nako." Napangiti naman ako.
"Sab 'yung totoo?" He asked me. Aba't ayaw 'pang maniwala.
"Mukha ba kong nagjojoke? Matagal na kaya kitang napatawad " I explain. "Hm, bahala ka kung ayaw mong makipagkaibigan sa akin." Sabi ko na kaagad naman itong ikinailing.
"Fine, friends. Eto na." Kinuha niya pa ang kamay ko para sa shake hand. "Thank you!" He smiled then.
"Thank you 'din."
Ilang sandali pa ay dumating na si Kuya at nagyaya ng umuwi. Kinuha naman nito si Dyann na hawak hawak ni Justine.
"Sinong magmamaneho?" Sabay kaming napatingin ni Kuya ng magsalita si Justine.
"Ako." Sagot ni Kuya.
"Kaya mo na, bro? Hawak hawak mo si baby Dyann." Napakunot naman ito ng noo.
"Bro, alam ko na 'yang style mo." Kuya said. Napailing nalang ako at nauna nang naglakad.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi nila, baby." Sabi ko kay Dale kahit na hindi pa ito nakakaintindi.
Ang sarap pala sa pakiramdam kapag wala kang tinatanim na sama ng loob sa kapwa mo. Yung feeling na ang gaan gaan.
"He's coming with us. Okay lang ba sayo?" Kuya snorted as we reach the parking lot.
"Si Justine? Bakit 'daw?" Pagtatanong ko pa rito. Hindi naman sa ayaw ko pero anong dahilan at sasama siya sa bahay?
"Walang magdadrive at nagpresenta siya na siya na 'daw ang magmamaneho." Pinagbuksan naman ako nito ng pinto.
"How about you? Marunong ka namang magdrive Kuya ah." I said. Tinaasan lang ako nito ng kilay.
"Seriously Sabrina Yvonne? Hawak hawak ko si Dyann. Sa tingin mo makakapag-drive ako sa lagay na 'to?" He's mad again and again.
BINABASA MO ANG
MODEL SERIES 1: Sabrina Yvonne Suarez - Revised
RomansaTwo different people, who attest their unconditional love to each other.