NAGISING nalang ako kinaumagahan ng wala na si Zach sa aking tabi. Inilibot ko nalang ang aking paningin at wala na ang mga damit naming nakakalat. Siguro ay niligpit niya na iyon. Napangiti naman ako sa aking naisip."Wait for me, honey! I love you." — Zach
A sweet smiled curved on my lips when I suddenly read his note. I'm excited to see him. Dali-dali akong pumasok sa banyo at inayos ang aking sarili. Pagkatapos ay nagbihis ako ng simpleng bestida hanggang lamang iyon sa gitna ng aking hita.
Hindi maalis alis ang ngiti ko habang pababa ng hagdan.
"Magandang umaga ho, Ma'am." Nasa mid fifties ang sumalubong pagkababa ko ng hagdan.
"Magandang umaga 'din po. Nasaan po si Zach?" Magalang na tanong ko rito. Ngumiti lang ito sa akin.
"Umalis po siya kasama ang Lolo't Lola niya. Hindi po ba nagpaalam sa inyo?" Nakagat ko nalang ang labi ko at umiling.
"Saan 'daw ho nagpunta?" Naupo naman ako sa upuan.
"Hindi ko po alam, Ma'am! Basta po sinabi sa akin na samahan ko 'raw muna kayo." Ngiti pa niya. Nangunot noo naman ako sa sinabi niya. "Siya 'nga po pala, ako ho si Yaya Feli." Pagpapaliwanag nito kaya napatingin ako.
"Sabrina Yvonne po ang pangalan ko." Sabi ko naman. "Sab nalang po ang itawag niyo sa akin at huwag nang ma'am." Isiniwalang bahala ko nalang ang pag-aalis ni Zach tutal babalik 'rin naman 'yon mamaya. Baka hinatid lang ang Lolo't Lola niya.
"Kumain ka na po." Napapikit naman ako sa sinabi nito.
"Yaya Feli, 'wag niyo na po akong igalang. Dapat 'nga ako ang gumagamit ng 'po'." Sabi ko at ngumiti. Napatawa naman ito.
"Pasenya na anak." Hinging paumanhin nito. "Oh sige na, kumain ka na." Hinanda naman nito ang pagkain sa harapan ko. Egg, bacon, hotdog, sausage and bread. "Bilin ni Sir Dylan sa akin 'wag ko 'raw kayong pakakainin ng kanin kasi hindi naman kayo kumakain 'non." Animo'y sabi niya. Napatango naman ako.
"Uhm, saluhan niyo po ako kumain." Nakangiting aya ko sa kanya. Nahihiya naman itong umiling ngunit pinilit ko pa 'rin ito. Nakakawalang gana kapag mag-isa ka lang kumakain. Sa huli ay napapayag ko 'rin siya kaya dalawa na kaming kumakain.
"Nabanggit sa akin ni Sir Dylan na buntis ka 'raw, Iha!" Pagkuway sabi nito. Napangiti naman ako dahil hindi na niya ako tinawag na ma'am.
"Opo!" Tanging sagot ko habang nilalagyan ng itlog ang tinapay.
"Kung ganon, dapat masustansyang pagkain ang dapat na kainin mo." Sabi pa nito.
"Kumain naman po ako ng gulay." Ngiti ko pa at kumagat ng tinapay. Isinawsaw ko naman iyon sa mainit na tsokolate.
"Huwag 'kang mag-alala. Simula ngayon, magluluto ng ako ng masustansyang pagkain." Napatango na lang ako. Matapos ang pag-uusap na 'yon ay tahimik kaming kumain. Siya ang naghugas ng ginamit namain habang ako naman ay bumalik ulit sa kwarto ko.
"Damn, Zach Dylan I missed you. Where the hell are you?"
Napanguso nalang ako at nahiga sa kama. Masama ang kutob ko eh. Pero babalik naman siya mamaya 'di ba?
Naalimpungatan nalang ako ng tumunog ang aking telepono. It's Yara!
BINABASA MO ANG
MODEL SERIES 1: Sabrina Yvonne Suarez - Revised
Любовные романыTwo different people, who attest their unconditional love to each other.