Chapter 19

4.2K 72 6
                                    

Samuelle's POV



I'm damn frustrated. Nakakagago lang dahil sa katangahan ng kapatid ko. Bakit ba hulog na hulog 'yun 'dun sa lalaking 'yun. Hindi niya ba alam kung ano ang ginawa sa kanya? Eh halos mamatay na siya sa sakit na dinanas niya noon at hindi pa ba siya nadala-dala?




"Hello sir? Are you related to Ms. Sabrina Yvonne Suarez?" Rinig kong sabi mula sa kabilang linya.




"Sino 'to?" Walang ganang sabi ko.




"Sir, police po ito. Naaksidente po si Ms. Suarez." Sabi nito.



Awtomatiko kong naihinto ang minamaneho kong sasakyan.




"What? Ano bang pinagsasabi mo?" Galit kong sabi sa kanya.




"Sir, mabuti ho pumunta nalang kayo sa Hospital. Doon po isinugod si Ms. Suarez." Agad kong ibinaba ang tawag at itinapon iyon sa front seat. Ilang sandali pa ay agad kong natanggap ang lugar ng ospital na iyon.




What the hell is happening? Sinundan niya ba ako? Oh fuck! You're insane Sabrina Yvonne. 



Napahilamos nalang ako sa aking mukha at kaagad iniliko ang sasakyan. Wala akong sinayang na oras at pinaharurot papunta sa nasabing Hospital. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa kapatid ko. Damn, why? Hindi maaari ito.




"Tell me where the hell is my sister?" Salubong ko agad sa nurse na nakaupo sa nurse station. Para itong nakakita ng multo ng magsalita ako.




"S—sir.." Nauutal nitong sabi.




"Oh what the fuck! Where is Sabrina Yvonne Suarez." Damn this nurse.




"Sorry sir, n—nasa emergency room po siya." Kabadong sagot niya. 



Wala na akong sinayang na oras pa at daling daling tinahak ang hallway ng ospital papunta sa emergency room kung saan ang kapatid ko.




"B—bro!"




"Fuck you, Ramirez." Agad kong inambahan ng suntok ang gagong kaibigan ko. Kung hindi lang siya nagpakita sa kapatid ko, sana ay ayos pa ang lahat. Sana wala ngayon ang kapatid ko sa ospital na 'to. Sana ay maayos pa ang lahat.




"WHERE IS MY SISTER?" Nanggagalaiting sabi ko dito at kinwelyuhan ito. Kung maaari lang sana itong patayin sa ngayon ay matagal ko ng ginawa. Kumukulo ang dugo ko sa kanya.




"Bro, c—calm down." Usal nito ngunit isiniwalang bahala ko lang iyon. Tangina, anong calm down? Kapatid ko ang pinag-uusapan dito. 



"Hayop ka..." Akma kong susuntukin ang gagong lalaking 'to ngunit may humila sa akin.




"Sam tama na." Its Yara na pilit ako nitong pinapatigil.




"Kapag may mangyaring hindi maganda sa kapatid ko, hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo." Mahigpit na banta ko sa kanya at tinalikuran ito.




Sakto namang lumabas ang doktor galing emergency room.




"Are you related to Ms. Suarez?" Salubong na tanong sa akin ng doktor.



MODEL SERIES 1: Sabrina Yvonne Suarez - RevisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon