chances

17 2 0
                                    

Shaira's POV

"Amber? Ano to?"tanong ko sa kapatid kong si Amber ng makakita ako ng malaki at malapad na rectangular box sa sofa ng bahay namin na may isang maliit na rectangular shape din na box sa ibabaw nito. Pagkapasok ko talaga agad ng  bahay namin yun talaga ang nakita ko kaya dinala ko agad ito sa kwarto namin para malaman ko kung sa kanya nga ba ito o kay mommy.
"What? Wala naman akong ini expect na magbibigay ng regalo sa akin ah? baka kay mommy yan?"takang tugon ni Amber sa akin.
"Ganun? tapos grabi parang pang sosyal oh.."ako sabay ramdam sa box.
"Kay Duncan galing yan mga anak... dalawang piece ng gown yan..tapos dalawang pares din ng high heels.."sabat ni mommy ng pumasok siya bigla sa kwarto namin ni Amber.
"What??? No way mommy! I can't go marami akong tatapusing assignments! baka si Shaira pupunta.."pagtanggi ni Amber sabay turo sa akin.
"Ano? Lalo naman ako! Hindi ako pupunta! Wala silang makukuhang peace offering sa akin! Kaya mommy itapon niyo na yan sa basurahan! We can't afford to wear it and go wherever they take us.. sorry."pagtanggi ko din sabay kuha ng mga libro ko para mag Aral. Mas mabuti na sigurong ganito kami para wala ng gulo.
"Piro mga anak.. tao lang naman din sila at nagkakamali din.. why give them a chance? wag niyo ng hintayin pa lumala pa ang sitwasyon na to.. baka pag umabot sa ganun mahirap ng ayusin yung di pagkakaintindihan niyo.."pag aalalang tugon ni mommy sa amin.
"At naniniwala naman kayong maayos pa to mommy? Hangga't di umuwi si Kuya JC dito wag na silang umasa na makikipag ayos kami sa kanila.. it will never happened again! Para ano pa? para gamitin ulit nila kami? Mommy, one mistake is enough kaya sorry po hindi namin sila mapagbibigyan ng chance.."pangangatwiran ni Amber sa sinabi ni mommy.
"At isa pa mommy wala na kaming panahon para sa mga ganyang klaseng tao... tama po si Amber one mistake is enough.. kaya hindi na talaga kami magpapaloko sa kanila.."dagdag ko sa sinabi ni Amber.
"Oo andun na ako... piro wag niyo namang gawing dahilan yung Kuya JC niyo para di niyo sila patawarin.. nagpapalipas lang ng init ng ulo yung Kuya niyo at pag lumamig na or okay na siya babalik din yun.. kilala ko ang Kuya JC niyo ..kaya bigyan niyo na sila ng chance for once..piro nasa sa inyo na yun.. kung Anong pasya niyo I will respect it.."Sabi ni mommy sabay yakap sa amin ni Amber at lumabas na ng kwarto namin.
"Paano to Amber.. ano ng pasya mo? dahil kung ano man yung pasya mo yun din yung sa akin.. wala di naman akong pamimili-an eh.. dahil di nila tayo titigilan pag di natin sila bibigyan ng chance.."malungkot na tugon ko kay Amber. Napa buntong hininga naman siya at...
"Ewan ko Shaira *sigh* di ko na alam *sigh* sa totoo lang naguguluhan na din ako *sigh* kasi they treat us right naman kahit ganun yung nangyari..gusto ko talagang bigyan sila ng chance but nung maisip ko si Kuya JC bigla ko ulit naalala ang galit ni Kuya JC sa atin nung malaman niya yung pagtatrabaho natin sa panig ng Blue..nakokonsensya ako at nagsisisi bakit tayo pumayag na magtrabaho sa kanila at dumagdag pa yung spy issue na yun.. na mas lalong nagpapabigat ng pakiramdam ko at galit ko sa kanila .."tapat na tugon ni Amber sa akin kaya I hug her and....
"Its okay.. kung di mo pa talaga kayang patawarin at bigyan sila ng chance wag mo na lang pilitin Amber.. there's right time for everything ika nga kaya maghintay na lang tayo sa time na yun.."ako sabay hagod ng likod niya. After that we both decided to study in our lessons after I take the boxes sa terrace namin para malaman nila na we're not yet ready to forgive them.

-------------------------------------------

Alex's POV

"Haay.. olats tayo! Ano ba yan!"reklamo ni Arwind after our last game sa eliminations. Nang nasa dug out na kami.
"Naku.. si gagamba worried! Okay lang yun at least twice to beat na tayo.."nakangiting tugon naman ni Marcio kay Arwind.
"Anong okay lang? Lassiter? Kahit kailan di magiging okay yun! Ano na lang ang sasabihin ng mga fans natin na bigay lang yung laro natin dahil kampante na tayo na nasa top na tayo? Yan ang mahirap sa inyo eh.. sobrang relax at overconfident kayo..dahil jan natalo tayo ng mahinang team at nung isang game natin before this muntikan na tayong matambakan at matalo ..buti na lang at nagawan mo ng paraan.."inis na tugon ni Arwind kay Marcio. Na siyang ikinatawa ko.
"Hayyy.. Naku! Gagamba bakit ang init init ng ulo mo ngayon? Basted ka Noh?"panunukso ni Chris sa kanya habang sabay kaming nag aayos ng mga gamit sa bag namin.
"Asa pa naman tayo na mababasted yan! Eh.. di nga marunong manligaw yan eh.."dagdag pa ni June Mar.
"Oy.. grabi naman kayo kay Spiderman.. siguro hindi naman sa lahat ng panahon ganyan yung reason kung bakit siya ganyan ..baka nanghihinayang lang talaga siya na natalo tayo sa last game natin sa elimination.."pagtatanggol ko kay Arwind.
"Hay.. Naku! buti pa to si Cabagnot naintindihan ako! Kayong tatlo ewan ko lang.. kahit kailan parang puro katorpehan ko yung bukambibig niyo.."reklamo ni Arwind sa tatlo naming teammates.
"Ikaw naman kasi hb ka na lang lage Santos.. kaya ano ba ang gusto mong isipin namin? di ba pag tungkol sa lovelife ang pag uusapan naiinis ka? So ngayon sabihin mo kung sino ang may maling impression?"pangangatwiran ni Chris kay Arwind.
"Ay nag salita ang hindi hb sa court *tawa* buti nga ako sa pag ibig lang eh ikaw Ross nakikipag argumento pa sa coach at referee."banat ni Arwind kay Chris na siyang ikinatahimik nito at nauna ng lumabas ng dug out."Ikaw talaga Santos masyado mo namang binanatan si Ross.. tingnan mo toloy nag walk out.."bulong ni Marcio kay Arwind.
"Tama naman di ba? Masyado niya kasing iniintindi at pinapatulan ang mga kapalpakan ng mga tawag ng referee kaya yan toloy di siya makapag concentrate sa paglalaro dahil masyado niyang pinapairal ang init ng ulo niya! pati nga tayo naapektuhan na eh.."pangangatwiran naman ni Arwind kay Marcio.
"Oo Santos andun na tayo piro sana di mo na lang pinaalala yun sa kanya kilala mo naman ang pag uugali nun di ba?"sabi ko kay Arwind.
"Sang ayun ako kay Cabaggie. Lahat naman tayo natatawagan ng maling tawag ng mga referee maski ako. Naiintindihan ko si Chris kung ganun yung reaksyon niya kasi naranasan ko din yun more often kasi nasa center ako. Kinakamot ko na nga lang sa ulo ko yun. Di ko na lang pinatulan para iwas gulo."sang ayun ni June Mar sa sinabi ko.
Naputol lang yung pag uusap namin ng biglang nag ring ang cellphone ni Marcio. Sinagot naman niya ito at....

Everything I Own (JC Chasez Fanfiction)Where stories live. Discover now