Author's POV
"Tingin mo babe kailan kaya sasagutin ng Ate mo si Alex?"tanong ni Marcio sa girlfriend niyang si Angelique habang nandito sila sa park na umiinum ng juice at kumakain ng burger after their last game ng basketball team nina Marcio at Alex sa elimination.
"Ewan ko ba dun kay Ate Trisha. Masyadong pakipot at OA! masyado niyang pinapahintay si Kuya Alex. Mabuting tao naman si Kuya Alex at mabuti naman ang hangarin sa kanya. Minsan nga naisip ko na martyr siya dun sa ex niya. Haaayyy... ewan ko ba kung anong nakita niya dun sa lalaking yun! tskk!"iling na tugon ni Angelique sa boyfriend niyang si Marcio.
"Alam mo babe kung alam lang niya kung gaano siya kamahal ni Alex.. nasisiguro ko na mamahalin din niya ito.. but siguro di pa panahon na maging sila.."tapat naman na tugon ni Marcio kay Angelique.
"Maski ako din babe nakikita ko naman din yun kay Kuya Alex back when nanliligaw pa lang silang dalawa ng ex na yun ni Ate Trisha.. matiyaga itong nanligaw kay Ate.. akala ko nga si Kuya Alex ang sasagutin ni Ate Trisha eh.. yun pala yung lalaking walang ka effort effort manligaw.. hindi ko alam kung bakit yun ang sinagot ni Ate.. minsan naisip ko din na masyado siyang nagpakatanga dun..alam mo ba yung feeling na wala akong naramdamang chemistry between them? Haay.."inis na tugon naman ni Angelique kay Marcio.
"Di ba nga... don't get me wrong babe di ba noon pa man ayaw na ng mga magulang niyo kay JC kasi nga nasa mababang antas lang sila?"ani Marcio na siyang ikinasamid ni Angelique.
"Hindi naman sa ganun babe.. talagang ayaw lang namin sa kanya kasi nga he belongs to a broken family.. syempre naman ayaw naming mahaluan or ma influence ni Ate yun sa ex niya.. iniwan kasi ng ama si Kuya JC nung buntis pa ang mama niya sa kanya kaya di namin maiiwasan na baka ganun din ang gawin niya kay Ate Trisha.. di ba nga kung Anong ginawa ng magulang ganun din ang gagawin ng anak?"it was Angelique as she managed to react kung ano yung sinabi ni Marcio sa kanya. Sa totoo lang ayaw na niya talagang pag usapan ang issue na to tungkol sa Ate at kay JC kasi mas lalo pa niyang maalala ang dulot ng sakit nito sa Ate niya dahil sa siya ang dahilan kung bakit naghiwalay ang Ate at si JC.
"Baka hindi naman siguro babe... maybe he will do different from his dad.. Siguro masyado niyo lang iniisip ang background ng tao.. why not know who really is babe? wala naman sigurong masama kung alamin niyo kung ano talaga siya.. di ba? kasi wala naman kasi sa hitsura niya na pabaya siyang tao.. kasi basi sa pagkakaalam ko lang si JC ay tumulong sa pagpapaaral ng mga stepsisters niyang si Amber at Shaira kasi di naman gaano ka laki ang kinikita ng daddy ng dalawa? di naman sa pinapangunahan ko kayo at di naman sa obligado ko kayo na gawin ang mga sinasabi ko its just a suggestion lang naman.. malay niyo karapat dapat naman pala siya sa Ate mo lalo na ngayon at sikat na siya di ba?"pangangatwiran ni Marcio kay Angelique.
"Babe.. you're right. But maybe he must proved it dahil di naman sukatan ang pagiging sikat niya para tanggapin namin siya ng boung bou kailangan pa rin niyang patunayan not just my approval or kay Ate pati na din sa parents namin ...and maybe its not the right time for them to be together once again.. they need some holiday to think things over.."si Angelique sabay Kain ng Burger.
"Oo nga naman siguro.. di pa siguro sila pweding magsama ngayon ..piro ikaw babe di ka pweding magpaangkin na lamang ng basta basta sa Unggoy na yun! dahil kahit kailan di ka deserve sa kanya ..ang yabang! Akala mo kung sinong tao siya! Wag mong hayaang magamit ka ng lalaking yun baka magulpi ko na talaga yun! tskk!"inis na tugon ni Marcio kay Angelique na siyang ikinatawa nito sabay hawak ng mga kamay ng nobyo nito sabay hawak sa mukha nito at...
"Salt bae bebe loves ko.. don't worry di na mauulit pa yun.. ikaw lang ang mamahalin ko wala ng iba.. at isa pa asa pa naman yun na magugustuhan ko siya? Sa ugali pa naman nun waley na siya sayo eh? Oo he is handsome but you're more handsome than him.. kasi bukod sa kagwapohang taglay mo babe may mabuti ka ding kalooban ..di ka nagyayabang sa kung Anong narating mo ngayon kaya nga madami kang fans eh.. at isa na ako dun kaya nga na gustuhan kita eh.."pagpapanatag at paglalambing ni Angelique sa nobyong si Marcio sabay hilig ng ulo niya sa balikat nito. Inakbayan naman siya ni Marcio at ngumiti ng kay tamis tamis. Kasing tamis ng honey. Ayeyy.. *^_________^* gwapo ni salt bae! Hihihi.
"Nakakakilig naman yun babe *ngiti* but seryoso ngayon na naging girlfriend na kita *sabay hawak sa isang kamay ni Angelique ng mahigpit* sisiguraduhin ko talaga na hindi ka na malalapitan ng sino-sinong lalaki lang lalo na dun sa loko-lokong unggoy na yun! bukod sa akin at sa daddy mo. I will protect you and take care of you just like my sister and my mom. Dahil ganun ako sa mga babaeng mahal ko.. at di ko sasayangin ang tiwala at pagmamahal mo sa akin Angelique .."full of sincerity and love na tugon ni Marcio kay Angelique sabay halik sa noo at lips nito. Napangiti naman ang dalaga sa boyfriend niyang si Marcio.
"Talagang di ako nagkakamali sa pagpili sayo Salt Bae Marcio ko dahil talagang mabuti kang lalaki at tao ..ilang beses mo ng napatunayan yan since I knew you ..kaya you deserve kung ano man ang narating mo ngayon at kung ano man ang meron ka ngayon ..you're still the humble guy I know ever since nagkakilala tayo magpa hanggang ngayon kahit naging professional basketball player ka na.. talagang wala pa ring nagbago sayo..ikaw pa rin ang Marcio na nakilala ko noon pa man.."tapat na tugon ng dalaga kay Marcio.
"Wag ka nga jan babe baka tuluyan ng mamula tong pisngi ko sige ka! But thank you so much for letting me know na ganun pa rin akong tao since nagkakilala tayo hanggang ngayon ..ewan ko ba? Wala talaga sa utak ko na magyabang sa kung ano man ang narating ko ngayon.. and I'm glad na ganun pa rin ako at thankful ako na ganito ako.. di ako na influence sa mga mayayabang na tao sa paligid ko."nakangiting tugon ni Marcio kay Angelique.
"I'm just telling the truth babe kung ano man yung nakita ko sayo at sa mga sinasabi ko sayo totoo yun.. walang halong biro.."tapat na pahayag ni Angelique kay Marcio.
"Thank you so much kung ganun babe.. tara! puntahan muna natin sina Alex at Ate Trisha mo sabay na lang namin kayong ihatid sa inyo masyado na kasing late para mamasyal pa tayo tara!"aya ni Marcio kay Angelique sabay tungo kina Alex and Trisha.