JC's POV
"Kuya, alam mo na ba yung balita?"bungad na tanong sa akin ng kapatid kong si Amber. Pagkarating ko galing sa gig namin sa Las Vegas.
"Balita na ano?"takang tanong ko kay Amber na wala akong clue kung ano yung sasabihin niya.
"My God Kuya! Di mo alam na boyfriend na ni Ate Trisha si Kuya Alex?!"napataas ang boses ni Amber na siyang ikinagulat ko. Sa pagkarinig ko parang biniyak ng sampung beses ang puso ko.
"Nooooooooooooooo!!!!! That can't be happened! Ako lang ang mahal ni Trisha! Bakit ngayon ko lang nalaman to?"sigaw ko na siyang ikinagulat ni Shaira na natutulog.
"Kuyaaaaahhhh!!! Ang ingay mo! Pwede ba palakasin mo pa ang pagsisigaw mo! Para makawala na yung espirito sa katawan ko! Tsk!"reklamo ni Shaira sabay bato ng unan sa akin.
"Kuya wag ka na kasing umasa na maging kayo ulit ni Ate Trisha! Kilala ko si Kuya Alex kahit di kami close. Hindi niya ganun kadaling pakawalan si Ate Trisha ng ganun ganun lang. Noon pa man he is so determined na maging girlfriend niya si Ate Trisha. Kasi di sa minamaliit ko ang effort mo Kuya piro mas nag effort kasi si Kuya Alex ng panliligaw compared sayo eh? I see his frustration at kung gaano niya dinamdam ang sakit na nararamdaman na ikaw yung pinili ni Ate Trisha at hindi siya. Di ba nga nagpakalayolayo na siya to ease the pain and frustration? So ngayon Kuya----"pinaalala niya sa akin ang nakaraan at pinutol ko ang pagsasalaysay niya.
"So, ano ang ibig mong sabihin Amber? Na bigyan ko ng chance ang Alex na yun para maging boyfriend ni Trisha? No way! What you think? Kahit less effort lang ang ginagawa kong panliligaw kay Trisha hindi ko pinaghihirapan yun? You must know that sinoung ko at kinain ko lahat ng hiya na harapin kung ano man yung consequences na ma encounter ko ahead. Di ko na nga inisip ang sarili ko coz Trisha is all that matters to me. Wala na akong pakialam kung ano mang mangyayari sa akin ang importante si Trisha kasi mahal ko siya! Mahal na mahal! Handa akong mawala sa akin ang lahat mapasa akin lang siya! Kaya ngayon, I won't allow anyone to get what's mine from the start."determinado kong tugon kay Amber.
"Kuya Joshua, stop being T. A. N. G. A! Okay? Let the destiny do it for you! Kung kayo talaga ang tinadhana ni Ate Trisha para sa isa't isa then maging kayo ulit but kung hindi? Learn to accept the fact and the reality na hindi talaga kayo ni Ate Trisha ang tinadhana para sa isa't isa. Wag mong e risks and waste ang pride at buhay mo Kuya para sa taong di naka tadhana para sayo dahil di sa lahat ng pagkakataon kailangan mong isugal ang sarili at pride mo kahit importante pa sayo yung bagay at taong yun na di talaga para sayo. Just look around Kuya malay mo may mas magpapahalaga pa at magmamahal sayo ng mas higit pa kay Ate Trisha? Di pa man ako nagkaroon o naka experience sa ganyang bagay piro alam ko kung kailan ako magpaparaya at ipaglalaban ang isang tao o bagay na para sa akin at hindi para sa akin. Sana Kuya matutunan mo rin yun at isipin mo naman for once ang sarili mo.. Pwede ba yun?"pagpapaalala sa akin ni Shaira.
"Do you heard yourself Shaira? Boung buhay ko si Trisha lang ang tinatangi ng puso ko at wala ng iba bukod sa inyo! Isa siya sa mga dahilan kung bakit ko narating ang pangarap ko! Kaya di ako makakapayag na mapunta lang sa iba ang babaeng minamahal ko ng ganun ganun lang at mauuwi lang sa lahat ang pinaghirapan ko! Hindi ko ganun-ganun isusuko ang pag-ibig ko kay Trisha!"galit na tugon ko kay Shaira na siyang ikinagulat nilang dalawa ni Amber.
"Kuya? Ikaw ba talaga yan? Ikaw ba yung Kuya na kilala naming mapagparaya at marunong lumugar kung saan lang siya dapat lumugar? Ang gusto lang naman namin Kuya pahalagahan mo naman din ang sarili mo! Bakit Kuya? Kay Ate Trisha na lang ba talaga nag evolve ang mundo mo? Ha? Paano naman kami ni Shaira at mommy Kuya? Please isipin mo naman kami! Hindi ka pa nga madalas na nandito sa bahay natin at puro na lang si Ate Trisha ang lage mong bukambibig! Nakakasawa na Kuya! Nakakarindi na!"bulyaw sa akin ni Amber at umalis na lang na walang paalam kung saan siya pupunta. Tiningnan ko si Shaira at...
"Sige Shaira.. Ilabas mo din ang hinanakit mo sa akin .."sabi ko sa kanya habang nakadungaw sa may bintana habang tinitingnan ang papaalis na si Amber.
"Kuya.. Amber is right. Kung alam mo lang kung ano ang problema namin maiintindihan mo din kami.. Kuya, kung may puwang pa kami jan sa puso mo at if you still have the time to hear our problems please e prioritize mo naman kami gaya ng dati.. Dahil parang di na ikaw yung Kuya na kilala namin eh since sumikat ka at umibig ka jan kay Ate Trisha.."paalala sa akin ni Shaira at lumabas na din ng kwarto.
"Where you going?!"pasigaw na tanong ko kay Shaira.
"Gusto ko lang muna mapag isa Kuya.. Kung nagugutom ka may niluto si Amber jan na paborito mo.. Bye!"bilin ni Shaira sa akin at umalis na din ng bahay namin. I try to run after her but huli na ang lahat nakasakay na siya ng taxi. Di ko rin sila masundan dahil pinagawa ko pa ang sasakyan ko. Siguro nga tama sila dapat ko muna silang e prioritize this time. Masyado na nga siguro akong na baliw sa pagmamahal ko kay Trisha at busy sa career ko kaya wala na akong time sa kanila. Di ko muna siguro iisipin kung paano ko mababawi si Trisha kay Alex mag iisip na lang muna siguro ako ng paraan kung paano ko gagawin yun. Slowly but surely ika nga. Right now, gotta think how to fixed my relationship with my sisters and mom.
YOU ARE READING
Everything I Own (JC Chasez Fanfiction)
FanfictionForbidden Love... Undefeated love...