Desperation Alarm!

39 3 0
                                    

EVERYTHING I OWN
(Fan Fiction Story)
Desperation Alarm!

Nicky's POV

"Talaga bang bou na ang pasya mo na siraan si Marcio kay Angelique?"umpisa ni Kian ng nandito kami sa isang restaurant sa gilid ng gym kung saan may practice game sina Marcio at ang mga ka teammates niya.
"Alam mo Nicky.. This is not the right way para maagaw mo si Angelique kay Marcio.. Baka imbis na mapasayo si Angelique baka mas lalong lumayo yun sayo dahil sa mga pinagagawa mo!"alalang tugon ni Shane sa akin.
"Oo andun na ako Shane. At ano naman ang gusto mong gawin ko? Tutunganga na lang dito hanggang sa maging mag asawa yung dalawa? No! I'm not that stupid guy you know Shane! Kung ano yung plano ko yun na yun! By hook or by crook.. I've no choice naman.. Kung hindi ko makuha si Angelique sa santong dasalan well idaan ko na lang ito sa santong paspasan!"determinadong tugon ko sa kanilang dalawa.
"No! That's not what I mean Nicky. Ang ibig kung sabihin may iba pa naman sigurong paraan kung paano mo makukuha at mapaibig si Angelique sayo eh ng hindi sisiraan si Marcio sa kanya.."hindi sang ayun na tugon ni Shane sa akin.
"Exactly. Shane was right Nicky. Wag mo ng tangkain pa na siraan si Marcio kay Angelique kasi baka mas lalong lalayo ang loob ni Angelique sayo kasi iniisip niya na wala ka ng mabuting gagawin sa kanya."sang ayun na tugon naman ni Kian sa sinabi ni Shane.
"Alam niyo sinasabi niyo lang yan dahil hindi niyo alam ang pinagdadaanan ko ngayon. Kaya please lang wag niyo akong diktahan kung ano ang gusto kong gawin ngayon para mawala na sa landas namin ni Angelique si Marcio na yan. Magpasalamat pa nga kayo dahil hindi ko naisip na patayin yang lalaking yan eh. Sisiraan ko lang naman at hindi naman ako masasabit dito at hindi malalaman ni Angelique na may kinalaman ako dito. Sisiraan ko si Marcio sa pamamagitan ng mga bagay na ikakagalit ni Angelique sa kanya. Tingnan ko lang kung hindi siya lalayuan ni Angelique.."determinado kong tugon sa kanila.
"What are you trying to say? May binayaran ka bang tao para siraan si Marcio? Tama ba Nicky?"usisa naman ni Kian. Tumango na lamang ako at nag smirk.
"Nandamay ka pa talaga ng tao Nicky? Alam mo pag nasangkot ka sa gulong to. Don't blame us! Hindi talaga tama na mandamay ka pa ng tao dito eh. Alalahanin mo hindi sa habang panahon maitatago mo ang katotohanan Nicky. Lalabas at lalabas din yun!"paalala pa ni Shane sa akin.
"Alam ko yun Shane. Kaya sinusulit ko ang pagkakataong ito. Matagal ko naman ding pinag iisipan to eh. Alam ko na in the end ikakapahamak ko to at lalayuan ako ni Angelique but atleast naging akin siya bago pa mangyari yun.."ako na napasandal na lang sa upuan ko habang umiinom ng brandy na nakatingin sa gym kung saan may practice game si Marcio. Alam kong mali tong gagawin ko piro kailangan. Gusto rin naman magbakasakali. Handa ko namang tanggapin ang possibling mangyari in the end.
"This so stupid Nicky! I think na sabi na namin ni Shane ang gusto naming sabihin sayo pagnapahamak ka dito don't blame us."si Kian sabay inum ng brandy.
"I know right?! Alam ko higit sa lahat ang ginagawa ko. I will just do it for the sake of love. Kukunin ko lang ang dapat ay sa akin."determindo kong tugon sa kanila.
"Ewan ko sayo Nicky. Basta huwag mo kaming idadamay dito."babala pa ni Shane sa akin. Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating si Jerlyn. Ang babaeng patay na patay kay Marcio.
"Hello! Guys. Am I late? Sorry just having some important matters to do out there."paghingi ng paumanhin ni Jerlyn sa amin na siyang ikinagulat ni Kian at Shane sabay tingin sa akin.
"Ahmm.. Have a sit Jie.. Ito pala ang mga kasama ko sa banda at naging mga kaibigan ko din.. Si Shane at Kian.. At lads siya si Jerlyn my new friend.."pagpapakilala ko sa kanila.
"Ohh.. Hello.. Jerlyn?!"sabay na tugon ng dalawa at nakipag handshake kay Jerlyn.
"Hello.. Handsome lads.."nakikipagkamay din si Jerlyn din sa kanila at ngumiti.
"Ahmm.. Nicky mauna na kami ha? Nagtext kasi si Mark.. Pupuntahan lang namin.. Sunod ka na lang ha?"paalam ni Kian at umalis na sila. Tumingin siya sa akin at....
"Ahmm.. Hindi na ako magpaligoyligoy pa.. Nicky kailan natin sisimulan yung plano natin? Titingnan lang ba natin si Marcio sa malayo ha?"umpisa ni Jerlyn.
"Relax.. Chill ka lang.. Alam kong atat ka ng makuha mo si Marcio.. Pinag iisipan ko pa kung paano natin to sisimulan.."mahinahong tugon ko kay Jerlyn.
"Alam mo naman pala eh.. At alam mo din na matagal ko ng hinintay ang pagkakataong ito para maging akin si Marcio.. Kaya don't make me wait for those damn sh*t of yours!"singhal sa akin ni Jerlyn na siyang ikinatingin ng mga tao sa amin sa boung restaurant.
"Pambihira! Kung hindi ka makapaghintay sige gawin mo na ang gusto mong gawin para makuha si Marcio! Pagpumalpak ka na naman sa pangatlong pagkakataon.. Hinding hindi na ako makipagtulungan sayo!"babala ko sa kanya. Tumayo na sana ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko.
"Nicky, wait.. Sorry.. Pagpasensyahan mo na ako nadala lang ako sa emosyon ko.."paghingi niya ng paumanhin kaya umupo ako ulit at....
"Yun naman pala eh.. Kung hindi ko pa pinaalala sayo ang mga kapalpakan mo hindi mo pa ako pipigilan.. Well, madali naman akong kausap.. Ito yun.. Gawin mo ang gusto mong gawin kay Marcio.. Make your flirty moves and I will do the rest videos and pictures at gagawa ako ng fake account para ma-i-send ko kay Angelique ang mga videos at pictures niyo ni Marcio together.. Tingnan lang natin kung hindi pa sila magkasira ni Marcio sa gagawin natin *smirk* at isa pa pag hindi pa rin yun mag work may Plan B naman ako.. Live niyang masasaksihan ang panloloko ni Marcio sa kanya.. If that happens I will make my move.. Slowly, smoothly but surely.. At pag nakuha ko na ang loob ni Angelique please ilayo mo na si Marcio sa kanya.. Maliwanag?"detalyadong tugon ko kay Jerlyn at tumayo na siya at ....
"You can count on me. I will do it as early as possible.. At pag nakuha ko na din ang loob ni Marcio huwag mo ng tangkain pang ipaalala kay Angelique si Marcio dahil pagnangyari yun at nagkabalikan sila makilala mo kung sino ang kinakalaban mo Nicky..."babala niya sa akin at nakipagkamay din ako sa kanya at lumabas na siya sa restaurant. Habang naiwan ako na nagbabayad ng mga order namin at lumabas na ng restaurant na iyon.

Everything I Own (JC Chasez Fanfiction)Where stories live. Discover now