"No amount of GUILT can change the PAST and no amount of WORRYING can change the FUTURE."
-Picturequote.com.
Cynthia POV
Isang malaking kamalasan ang mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw.
Hanggang ngayon ay gusto ko paring sabunutan ang aking sarili.
Kung kailan na nasa plano na ang lahat ay saka naman naging ganito ang kinalalabasan.
Si Jeric ang gusto kong mapasaakin at hindi ang masungit na si Jacob... Kaloka!
Marahang napalapit na ako sa may bintana saka napasilip na ako sa labas.
Napalitan naman ng ngiti ang mga alalahanin ko nang hindi ko nakita ang sasakyan ni Jacob sa labasan dahil halos apat na araw narin kasi niya akong binabantayan sa labas ng bakuran namin simula noong tumalab sa kanya ang potion na pinagawa ko kay Hilda.
Gusto ko na nga sanang i-report sa mga pulis dahil nababahala na ako sa aking magiging kaligtasan ngunit... kasalanan ko rin naman at sa mga kapalpakan ko kaya naging ganito.
Paulit-ulit ko mang tirisin ang aking sarili ay hindi rin makakatulong.
My goodness, ano bang dapat kong gawin para mawala na sa kanya ang bisa ng potion?
Napatingin na ako sa wall clock. Mag-seven thirty na ng umaga.
May exam pa ako sa Thermodynamics at kailangan kong magmadali dahil napakahirap pa namang mag-abang ng taxi sa labas ng ganitong oras.
Nasa Quezon kasi si mommy at si daddy naman ay sa Cavite. Pareho pa silang may dalang sasakyan kaya wala akong service ngayon.
Muli ko pang binistidahan ang aking sarili sa salamin. "An'ganda ko naman pero bakit hindi ako magustuhan ni Jeric?" mga katanungang nananatiling katanungan parin sa akin.
"Ang exam madaling sagutin pero ang puso ni Jeric ay napakahirap sungkitin..." napabugtung-hininga na ako saka iniabot ko na ang aking bag.
Tinungo ko na ang pintuan at tuluyan na akong lumabas.
Pasipul-sipol pa ako habang pababa nang hagdan.
"Magandang umaga mahal!" narinig ko buhat sa may living room.
Bigla naman akong kinabahan.
Napatingin na ako roon. Nakita ko si Jacob.May dala pa siyang kulay rosas na human size teddy bear.
Kinilabutan ako. Gusto ko na lamang na magpatirapa sa sahig at kainin ng lupa.
Nakakaasiwa.
Nakakairita.
Nakakainis.
Hindi si Jacob ang gusto ko kundi ang kapatid niyang si Jeric.Naiinis na napatingin ako kay Manang Dinay, na nasa sulok at natitigilang napatingin din sa akin.
"Palabasin mo ang mga pitball manang." madiing utos ko sa kanya.
"Wala naman tayo kahit isang pitball ma'am!" kamut-noong sagot niya.
Pinandilatan ko naman iyon, "...kahit ano na nga lang manang basta palabasin mo lang ang lalaking ito!" naiinis na utos ko.
"Eh, chihuahua lang ang meron tayo ma'am." patuloy pa niya.
"My goodness!" iritang sambit ko. "Ipahabol mo sa chihuahua ang lalaking ito..."
"Mahal naman napaka-cute mong magbiro!" parang anghel na sambit pa ni Jacob at wala pa sa isang segundo ay nakalapit na siya sa aking kinatatayuan.
Nakakainis na bahagyang itinulak ko na siya ngunit mas lalo pa nga niyang inilapit ang kanyang sarili sa akin at walang pasabing kinuyom niya ang mga labi ko.
Napalaki ang mga mata ko. My goodness, ninakaw niya ang first kiss ko!
"How dare you?" naiiyak na tanong ko at tangkang suntukin siya sa mukha ngunit tuluyan na niya akong niyakap.
Gusto kong magwala. Bakit siya pa ang naging first kiss ko? Bakit ang isang Jacob Montefrio pa na saksakan ng kasungitan.
"Psst," alo pa niya sa akin habang pinapakalma ako.
"Don't worry pananagutan kita mahal! Pakakasalan kita sa lahat ng simbahan." seryosong bulong pa niya sa akin.
Kinikilabutang napalingi-lingi naman ako.
Ano'ng pakakasalan?
Gusto kong himatayin sa mga pinagsasabi niya.
Idinadalangin kong sana'y bumuka ang lupa at lamunin ako.
Hindi matanggap ng pagkatao ko na ang isang Jacob Montefrio ang nasa harapan ko at nagsasabing pakakasalan ako.
Oh my ghad, HELP ME PLEASE!
Bakit naging ganito kasaklap???
KASAL sa isang Jacob Montefrio???
...CANNOT BE!
--------------------
-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
I stole the WRONG HEART...
ChickLitBook10: I stole the wrong heart... (Completed!) by NyllelaineNyeNight This is the story of Jacob and Cynthia Paano kong ang gayuma na para sa crush mo ay napunta sa masungit niyang kuya? OMG, paano na lang? Hahahaha... Your trying hard writer, Nyl...