"People only SEE what they are PREPARED to see."
-Ralph Waldo Emerson.
Cynthia POV
Kasabay ng mga luha sa mga mata ko ang walang tigil na buhos ng ulan.
Mas lalo ko pa ngang ikinubli ang sarili ko sa malaking puno nang marinig ko ang mga tawag sa akin ni Jacob.
Nanlalamig na ako ngunit nananaig parin ang matinding takot na nararamdaman ko para sa aking puso.
Muli ko na namang naalala ang mga kapusukan niya at ang mga galit na nakita ko sa mga mata niya matapos niya akong pagsamantalahan.
Napayakap na ako sa aking sarili.
Wala naman akong masisisi kundi ang sarili ko rin.
Napahikbi na naman ako. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit.
MASAKIT NA MASAKIT!
Dahil sa mga maling desisyon ko. Sa mga kapalpakan ko. At sa mga katangahan ko kaya nangyari ang lahat ng ito.
Hindi ko na naman mapigil-pigil ang mga luha sa aking mga mata.
Gusto ko na lamang na mamatay.
Sana ay kunin Niyo na ako! Gusto ko ng mamatay!
Nagsusumamong isinisigaw ng kalooban ko..
Isa na namang nakakayanig na mga kulog at kidlat ang pinakawalan ng langit.
Napasigaw na ako sa takot. Naghuhuramentado ang buong sistema ko. Mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib.
Hindi ko matagalan ang kulog at kidlat.
Tumayo na ako at mabilis na tumakbo. Gusto kong magtago ngunit hindi ko alam kung saan.
Mas lalo pang lumakas ang mga hikbi ko.
.
Hanggang sa napasubsob ako sa isang matigas dibdib.
Napatingin ako roon, nakita ko ang puno sa galit na mukha ni Jacob.
"Uwi!" nagbabagang sambit pa niya saka walang awang hinila na ang kanang palad ko at sapilitan akong kinaladkad.
"Hayaan mo na ako Jacob." nagsusumamong sabi ko.
Isang matalim na tingin lang ang ibinigay niya sa akin.
Parang napapasong nagkukumawala ako sa kanya ngunit mas lalo pa nga niyang hingpitan ang pagkakahawak sa akin.
Isa na namang malakas na kidlat kasunod ng nakakahilakbot na mga dagundong ang narinig ko.
Napasigaw ako sa pagkabigla.
Nanginig ang buong kalamnan ko. Para akong kandilang dahan-dahang natutunaw at hinahagupit ng latigo.
Nagsilabasan ang lahat ng takot sa aking katawan.
Marahas na hinihila parin ako ni Jacob ngunit hindi ko na kayang ihakbang pa ang mga paa ko sa sobrang takot.
Pawang pag-iyak na lamang ang nagawa ko.
Napakabigat ng pakiramdam ko, para akong nag-iisa at walang mahihingan ng tulong.
Gusto kong itanong sa Diyos, kung ano pang kaparusahan ang dadanasin ko dahil sa mga ginawa ko?
.
"You're safe!" bulong pa ni Jacob sa akin saka mahigpit niyakap niya ako.
Natigilan naman ako.
Tama ba ang mga narinig ko sa kanya?--------------------
-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
I stole the WRONG HEART...
ChickLitBook10: I stole the wrong heart... (Completed!) by NyllelaineNyeNight This is the story of Jacob and Cynthia Paano kong ang gayuma na para sa crush mo ay napunta sa masungit niyang kuya? OMG, paano na lang? Hahahaha... Your trying hard writer, Nyl...